The Bible

 

Daniel 8

Study

   

1 Nang ikatlong taon ng paghahari ng haring Belsasar, ang isang pangitain ay napakita sa akin, sa aking si Daniel, pagkatapos noong napakita sa akin nang una.

2 At ako'y may nakita sa pangitain: nangyari nga, na nang aking makita, nasa Susan ako na palacio, na nasa lalawigan ng Elam; at ako'y may nakita sa pangitain, at ako'y nasa tabi ng ilog Ulai.

3 Nang magkagayo'y itiningin ko ang aking mga mata, at ako'y may nakita, at narito, tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay: at ang dalawang sungay ay mataas; nguni't ang isa'y lalong mataas kay sa isa, at ang lalong mataas ay tumaas na huli.

4 Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.

5 At habang aking ginugunita, narito, isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa, at hindi sumayad sa lupa: at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata.

6 At siya'y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog, at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan.

7 At aking nakitang siya'y lumapit sa lalaking tupa, at siya'y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya, at sinaktan ang tupa, at binali ang kaniyang dalawang sungay: at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa, at kaniyang niyapakan siya; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay.

8 At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam: at nang siya'y lumakas, ang malaking sungay ay nabali; at kahalili niyao'y lumitaw ang apat na marangal na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit.

9 At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain.

10 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon.

11 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak.

12 At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa, at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa.

13 Nang magkagayo'y narinig ko ang isang banal na nagsalita; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita, Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa?

14 At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y malilinis ang santuario.

15 At nangyari, nang ako, sa makatuwid baga'y akong si Daniel, ay makakita ng pangitain, na aking pinagsikapang maunawaan; at, narito, nakatayo sa harap ko ang isang kawangis ng isang tao.

16 At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng Ulai, na tumatawag at nagsasabi, Gabriel, ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain.

17 Sa gayo'y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya'y lumapit, ako'y natakot at napasubasob: nguni't sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh anak ng tao; sapagka't ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.

18 Samantalang siya nga'y nagsasalita sa akin, ako'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog na padapa; nguni't hinipo niya ako, at itinayo ako.

19 At kaniyang sinabi, Narito, aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit; sapagka't ukol sa takdang panahon ng kawakasan.

20 Ang lalaking tupa na iyong nakita, na may dalawang sungay, ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia.

21 At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari.

22 At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.

23 At sa huling panahon ng kanilang kaharian, pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan, isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha, at nakaunawa ng malabong salita.

24 At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan; at siya'y lilipol na kamanghamangha, at giginhawa, at gagawa ng kaniyang maibigan; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan.

25 At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya'y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya'y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni't siya'y mabubuwal hindi ng kamay.

26 At ang pangitain sa mga hapon at mga umaga na nasaysay ay tunay: nguni't ilihim mo ang pangitain; sapagka't ukol sa maraming araw na darating.

27 At akong si Daniel ay nanglupaypay, at nagkasakit na ilang araw; nang magkagayon ako'y nagbangon, at ginawa ko ang mga gawain ng hari: at ako'y natigilan sa pangitain, nguni't walang nakakaunawa.

   

From Swedenborg's Works

 

Apocalypse Revealed #541

Study this Passage

  
/ 962  
  

541. Its tail drew a third of the stars of heaven and threw them to the earth. (12:4) This symbolically means that by falsifying the Word's truths they exiled all spiritual concepts of goodness and truth from the church, and by appeals to falsity completely destroyed them.

When referring to people who have used the Word to establish heresies, a tail symbolizes the Word's truths falsified (no. 438). Stars symbolize spiritual concepts of goodness and truth (nos. 51, 420). A third symbolizes all (nos. 400, 505). And to draw stars from heaven and throw them to the earth means, symbolically, to exile these concepts from the church and completely destroy them. For when they are taken down from heaven, they are also taken away from the church, as every truth of the Word is introduced into a person of the church by the Lord through heaven. Nor are truths taken away by anything else than by falsifications of truths in the Word, since that is where the truths of heaven and the church are found and originate.

[2] The idea that those people meant by the dragon, as described in no. 537 above, have destroyed all the Word's truths, is something no one in the world can believe; and yet they have so destroyed them that not one doctrinal truth remains. This has been investigated in the spiritual world by examining learned members of the clergy, and it has been found to be the case.

I know several reasons for this, but here I will mention only one: They assert that anything springing from a person's will and judgment is not good, and that because goods of charity or good works are done by the person, they therefore contribute nothing to his salvation, but that only faith does. And yet the only thing that makes a person human, and the only means by which he is conjoined with the Lord, is his ability to do good and believe truths as though of himself, namely, as though of his own will in accordance with his own judgment. If this one ability were to be taken away, every means of a person's conjunction with the Lord and of the Lord with the person would be taken away at the same time. For it is this ability to reciprocate love that the Lord confers on everyone who is born human, which He also preserves in the person even to the end of his life, and afterward to eternity.

If this were to be taken from a person, he would have every truth and good of the Word taken from him at the same time, to the point that the Word would become nothing but a dead letter and an empty book. For the Word teaches nothing else but a person's conjunction with the Lord through charity and faith, both emanating from the person as though from himself.

[3] People meant by the dragon, as described in no. 537 above, have broken this unique bond of conjunction by asserting that the goods of charity or good works that emanate from a person and from his will and judgment are nothing more than moral, civic and political works, works by which a person has a conjunction with the world, but not at all with God and heaven. And when that bond has been thus broken, then none of the Word's doctrinal truths remains. Moreover, if the Word's truths are used to support faith alone as saving apart from works of the Law, then those truths are all falsified. And if the falsification progresses to an affirmation that the Lord does not command good works in the Word for the sake of a person's conjunction with Him, but only for the sake of a conjunction with the world, then the Word's truths are profaned. For the Word thus becomes no longer a holy book, but a profane one. But on this subject, see the account at the end of the chapter.

The following report concerning the goat in Daniel has a similar symbolic meaning:

(The male goat with his horn) cast down some of the host (of heaven) and some of the stars to the ground, and trampled them...; and he cast truth down to the ground. (Daniel 8:10, 12)

  
/ 962  
  

Many thanks to the General Church of the New Jerusalem, and to Rev. N.B. Rogers, translator, for the permission to use this translation.