The Bible

 

Genesis 9

Study

   

1 At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa.

2 At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay.

3 Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.

4 Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.

5 At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: sa kamay ng bawa't ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawa't kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao.

6 Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao.

7 At kayo'y magpalaanakin at magpakarami; magsilago kayo ng sagana sa lupa, at kayo'y magsidami riyan.

8 At nagsalita ang Dios kay Noe, at sa kaniyang mga anak na kasama niya, na sinasabi,

9 At ako, narito, aking pinagtitibay ang aking tipan sa inyo, at sa inyong binhi na susunod sa inyo;

10 At sa bawa't nilikhang may buhay na kasama ninyo, ang mga ibon, ang hayop at bawa't ganid sa lupa na kasama ninyo; sa lahat ng lumunsad sa sasakyan pati sa bawa't ganid sa lupa.

11 At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.

12 At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon:

13 Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.

14 At mangyayari, pagka ako'y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa, na makikita ang bahaghari sa alapaap.

15 At aalalahanin ko ang aking tipan, na inilagda ko sa akin at sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng laman; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman.

16 At ang bahaghari ay pasa sa alapaap, at aking mamasdan, upang aking maalaala, ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa.

17 At sinabi ng Dios kay Noe, Ito ang tanda ng tipang inilagda ko sa akin at sa lahat ng laman na nasa ibabaw ng lupa.

18 At ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa sasakyan ay si Sem, at si Cham at si Japhet: at si Cham ay siyang ama ni Canaan.

19 Ang tatlong ito ay mga anak ni Noe: at sa mga ito'y nakalatan ang buong lupa.

20 At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid, at naglagay ng isang ubasan.

21 At uminom ng alak at nalango; at siya'y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda.

22 At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama, at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas.

23 At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal, at isinabalikat nilang dalawa, at lumakad ng paurong, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama; at ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama.

24 At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak, at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak.

25 At sinabi, Sumpain si Canaan! Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid.

26 At sinabi niya, Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Sem! At si Canaan ay maging alipin niya.

27 Pakapalin ng Dios si Japhet. At matira siya sa mga tolda ni Sem; At si Canaan ay maging alipin niya.

28 At nabuhay si Noe pagkaraan ng bahang gumunaw, ng tatlong daan at limang pung taon.

29 At ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyam na raan at limang pung taon: at namatay.

   

From Swedenborg's Works

 

Arcana Coelestia #1083

Study this Passage

  
/ 10837  
  

1083. That by “Shem” is signified the internal church and by “Japheth” the external church corresponding thereto, has been stated before. Where there is a church, there must needs be what is internal and what is external; for man, who is the church, is internal and external. Before he becomes a church, that is, before he has been regenerated, man is in externals; and when he is being regenerated he is led from externals, nay, by means of externals, to internals (as has been already stated and shown); and afterwards, when he has been regenerated, all things of the internal man are terminated in the externals. Thus of necessity every church must be both internal and external, as was the Ancient Church, and as at this day is the Christian Church.

[2] The internals of the Ancient Church were all the things of charity and of the derivative faith—all humiliation, all adoration of the Lord from charity, all good affection toward the neighbor, and other such things. The externals of the Ancient Church were sacrifices, libations, and many other things, all of which by representation had reference to the Lord and regarded Him. Hence there were internals in the externals, and they made one church. The internals of the Christian Church are exactly like the internals of the Ancient Church, but other externals have succeeded in their place, namely, in place of sacrifices and the like, the sacraments [symbolica], from which in like manner the Lord is regarded; and thus, again, internals and externals make a one.

[3] The Ancient Church did not differ one whit from the Christian Church as to internals, but only as to externals. Worship of the Lord from charity can never differ, howsoever externals are varied. And since, as has been said, there cannot be a church unless there are both what is internal and what is external, the internal without an external would be something interminate, unless it were terminated in some external. For man for the most part is such that he does not know what the internal man is, and what belongs to the internal man; and therefore unless there were external worship, he would know nothing whatever of what is holy. When such men have charity and the derivative conscience, they have internal worship within themselves in the external worship; for in them the Lord works, in charity and in conscience, and causes all their worship to partake of what is internal. It is otherwise with those who have no charity and no derivative conscience. They may have worship in externals, but separated from internal worship, as they have faith separated from charity. Such worship is called “Canaan” and such faith is called “Ham.” And because this worship comes forth from faith separated, Ham is called the “father of Canaan.”

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Foundation for the permission to use this translation.