The Bible

 

Ezekiel 39

Study

   

1 At ikaw, anak ng tao, manghula ka laban kay Gog, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:

2 At aking ipipihit ka sa palibot, at ihahatid kita, at pasasampahin kita mula sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan; at aking dadalhin ka sa mga bundok ng Israel;

3 At aking sisirain ang iyong busog sa iyong kaliwa, at aking ihuhulog ang iyong pana sa iyong kanan.

4 Ikaw ay mabubuwal sa mga bundok ng Israel, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang mga bayan na kasama mo: aking ibibigay ka sa mga mangdadagit na ibong sarisari, at sa mga hayop sa parang upang lamunin ka.

5 Ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang: sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios.

6 At ako'y magpapasapit ng apoy sa Magog, at sa kanilang nagsisitahang tiwasay sa mga pulo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

7 At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan: at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, ang banal sa Israel.

8 Narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios; ito ang araw na aking sinalita.

9 At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas, at sisilaban ng mga apoy ang mga almas, at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki, ang mga busog at ang mga pana, at ang mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong taon;

10 Na anopa't sila'y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat; sapagka't kanilang sisilaban ang mga almas; at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila, sabi ng Panginoong Dios.

11 At mangyayari sa araw na yaon, na ako'y magbibigay kay Gog ng dakong pinakalibangan sa Israel, ang libis nila na nagsisidaang patungo sa silanganan ng dagat: at paglilikatan nilang daanan; at doon nila ililibing si Gog at ang buo niyang karamihan; at kanilang tatawagin ito: Ang libis ng Hamon-gog.

12 At pitong buwan na mangaglilibing ang sangbahayan ni Israel, upang kanilang linisin ang lupain.

13 Oo, sila'y mangaglilibing ng buong bayan ng lupain; at magiging sa kanila'y kabantugan, sa araw na ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoong Dios.

14 At sila'y mangaghahalal ng mga lalaking magkakatungkulang palagi, na mangagdaraan sa lupain at, kasama nilang nangagdaraan, silang nangaglilibing ng nalabi sa ibabaw ng lupain, upang linisin: pagkatapos ng pitong buwan ay mangagsisihanap sila.

15 At silang nangagdaraan sa lupain ay mangagdaraan; at pagka ang sinoman ay nakakita ng buto ng tao, lalagyan nga niya ng tanda, hanggang sa mailibing ng mga manglilibing sa libis ng Hamon-gog.

16 At Hamonah ang magiging pangalan ng bayan. Ganito nila lilinisin ang lupain.

17 At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Salitain mo sa sarisaring ibon, at sa lahat na hayop sa parang, Magpupulong kayo, at kayo'y magsiparito; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo, sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel, upang kayo'y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo.

18 Kayo'y magsisikain ng laman ng makapangyarihan, at magsisiinom ng dugo ng mga prinsipe sa lupa, ng mga lalaking tupa, ng mga batang tupa, at ng mga kambing, ng mga toro, na pawang patabain sa Basan.

19 At kayo'y magsisikain ng taba hanggang sa kayo'y mangabusog, at magsisiinom ng dugo hanggang sa kayo'y mangalango, sa aking hain na aking inihain sa inyo.

20 At kayo'y mangabubusog sa aking dulang ng mga kabayo at mga karo, ng mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na lalaking mangdidigma, sabi ng Panginoong Dios.

21 At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat, at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila.

22 Sa gayo'y malalaman ng sangbahayan ni Israel na ako ang Panginoon na kanilang Dios, mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin.

23 At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila: sa gayo'y ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.

24 Ayon sa kanilang karumihan at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila.

25 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ngayo'y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag, at maaawa ako sa buong sangbahayan ni Israel; at ako'y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan.

26 At sila'y mangagtataglay ng kanilang kahihiyan, at ng kanilang lahat na pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa akin, pagka sila'y magsisitahang tiwasay sa kanilang lupain, at walang tatakot sa kanila;

27 Pagka sila'y aking nadala uli na mula sa mga bayan, at nangapisan na mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway, at ako'y inaaring banal sa kanila sa paningin ng maraming bansa.

28 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios, sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa, at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon;

29 Ni hindi ko na naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila; sapagka't binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

   

From Swedenborg's Works

 

Arcana Coelestia #10296

Study this Passage

  
/ 10837  
  

10296. '[And] pure frankincense' means truth on the inmost level, which is spiritual good. This is clear from the meaning of 'frankincense' as truth on the inmost level; and from the meaning of 'pure' as that which has been purged of the falsity of evil. The reason why truth on the inmost level, meant by 'frankincense', is spiritual good is that good with those who are in the Lord's spiritual kingdom is nothing other than truth. But this truth is called good when a person wills and does it from conscience and from affection. For in the case of those who are spiritual the entire will part of the mind has been corrupted; but the understanding part is preserved intact by the Lord, and within it the Lord implants a new will through regeneration. This new will is the conscience they have within them, which is a conscience composed of truth. All that is implanted in the understanding and emanates from the understanding is truth; for the human understanding is dedicated to the reception of truths belonging to faith, whereas the will is dedicated to receiving forms of good belonging to love. From all this it is evident that spiritual good is in its essence truth. As regards the new will in the case of those who are spiritual, that it is implanted in the understanding part of their minds, so that good with them is in its essence truth, see in the places referred to in 9277, 9596, 9684. Truth on the inmost level is called good because the more internal things are, the more perfect they are, and because the inmost part of a person is his will and what belongs to his will is called good. That 'frankincense' means truth on the inmost level, and so means spiritual good, may be recognized from the places quoted from the Word in 10177 above.

[2] Since spiritual good is meant by 'frankincense', and good is what reigns within all truths, arranges them into order, links them together, and imparts affection to them, frankincense is mentioned last; and the containers in which incense was burned were therefore called censers 1 . For the designation is derived from the essential element, which is good, even as for a like reason the term 'the anointing oil' was derived from the olive oil and not from the spices mixed into it when it was being prepared, that is to say, for the reason that 'the oil' meant good and 'the spices' different kinds of truth.

[3] The expression 'pure frankincense' is used because 'pure' means that which has been purged of the falsities of evil; and the word in the original language means inwardly pure, while another word is used to mean outwardly pure or clean. The fact that what is inwardly pure is meant by that word is clear in Isaiah,

Wash yourselves, render yourselves pure; remove the wickedness of your doings from before My eyes. Isaiah 1:16.

In David,

In vain have I rendered my heart pure, and washed my hands in innocence. Psalms 73:13.

'Rendering the heart pure' means being purified inwardly, and 'washing the hands in innocence ' being purified outwardly. In the same author,

By what will a young man render his way pure? By guarding himself according to Your Word. Psalms 119:9.

And in the same author,

... You may be pure in Your judging. Psalms 51:4.

For the other word that is used to mean outwardly pure or clean, see Leviticus 11:32; 12:7-8; 13:6, 13, 17, 23, 28, 34, 37, 58; 14:7-9, 20, 48, 53; 15:13, 28; 16:19, 30; 22:7; Jeremiah 13:27; Ezekiel 24:13; 39:12; and elsewhere.

Footnotes:

1. Thuribula (censers) is derived from thus (frankincense).

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.