Bibeln

 

Deuteronomio 11

Studie

   

1 Kaya't iyong iibigin ang Panginoon mong Dios, at iyong susundin ang kaniyang bilin, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga utos kailan man.

2 At talastasin ninyo sa araw na ito: sapagka't hindi ko sinasalita sa inyong mga anak na hindi nangakakilala, at hindi nangakakita ng parusa ng Panginoon ninyong Dios ng kaniyang kadakilaan, ng kaniyang makapangyarihang kamay at ng kaniyang unat na bisig,

3 At ng kaniyang mga tanda, at ng kaniyang mga gawa, na kaniyang ginawa sa gitna ng Egipto kay Faraon na hari sa Egipto, at sa kaniyang buong lupain;

4 At ang kaniyang ginawa sa hukbo ng Egipto, sa kanilang mga kabayo, at sa kanilang mga karo; kung paanong tinakpan niya sila ng tubig ng Dagat na Mapula nang kanilang habulin kayo, at kung paanong nilipol sila ng Panginoon sa araw na ito;

5 At kung ano ang kaniyang ginawa sa inyo sa ilang hanggang sa dumating kayo sa dakong ito;

6 At kung ano ang kaniyang ginawa kay Dathan at kay Abiram, na mga anak ni Eliab, na anak ni Ruben; kung paanong ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig, at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang kanilang mga tolda, at bawa't bagay na may buhay na sa kanila'y sumusunod sa gitna ng buong Israel:

7 Nguni't nakita ng inyong mga mata ang lahat ng dakilang gawa ng Panginoon na kaniyang ginawa.

8 Kaya't inyong susundin ang buong utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang kayo'y lumakas at kayo'y pumasok at ariin ninyo ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin;

9 At upang inyong maparami ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi na lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

10 Sapagka't ang lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, ay hindi gaya ng lupain ng Egipto, na inyong pinanggalingan, na doo'y nagtatanim ka ng iyong binhi, at iyong dinidilig ng iyong paa, na parang taniman ng mga gulay;

11 Kundi ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin, ay lupaing maburol at malibis, at dinidilig ng tubig ng ulan sa langit:

12 Lupaing inaalagaan ng Panginoon mong Dios, at ang mga mata ng Panginoon mong Dios ay nandoong lagi, mula sa pasimula ng taon hanggang sa katapusan ng taon.

13 At mangyayari, na kung inyong didingging maigi ang aking mga utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios at siya'y paglingkuran ng buo ninyong puso, at ang buo ninyong kaluluwa,

14 Ay ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kaniyang kapanahunan, ang una at huling ulan upang iyong makamalig ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis.

15 At aking bibigyan ng damo ang iyong mga hayop sa iyong mga bukid, at ikaw ay kakain at mabubusog.

16 Mangagingat kayo, baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila;

17 At ang galit ng Panginoon ay magalab laban sa inyo, at kaniyang sarhan ang langit, upang huwag magkaroon ng ulan, at ang lupa'y huwag magbigay ng kaniyang bunga; at kayo'y malipol na madali sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon.

18 Kaya't inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo.

19 At inyong ituturo sa inyong mga anak, na inyong sasalitain sa kanila, pagka ikaw ay nauupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumalakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga, at pagka ikaw ay bumabangon.

20 At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay, at sa iyong mga pintuang-daan:

21 Upang ang inyong mga araw ay dumami at ang mga araw ng inyong mga anak, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila, gaya ng mga araw ng langit sa ibabaw ng lupa.

22 Sapagka't kung inyong susunding masikap ang buong utos na ito na aking iniuutos sa inyo upang gawin, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, lumakad sa lahat ng kaniyang daan, at makilakip sa kaniya:

23 Ay palalayasin nga ng Panginoon ang lahat ng mga bansang ito sa harap ninyo, at kayo'y magaari ng mga bansang lalong malaki at lalong makapangyarihan kay sa inyo.

24 Bawa't dakong tutuntungan ng talampakan ng inyong paa ay magiging inyo: mula sa ilang, at sa Libano, mula sa ilog, sa ilog Eufrates, hanggang sa dagat kalunuran ay magiging inyong hangganan.

25 Walang lalaking makatatayo sa harap ninyo: sisidlan ng Panginoon ninyong Dios ng takot sa inyo at ng sindak sa inyo sa ibabaw ng buong lupain na inyong tutuntungan, gaya ng kaniyang sinalita sa inyo.

26 Narito, inilalagay ko sa harap ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa;

27 Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na aking iniutos sa inyo sa araw na ito;

28 At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala.

29 At mangyayari, na pagka ikaw ay ipapasok ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, na iyong ilalagay ang pagpapala sa bundok ng Gerizim, at ang sumpa sa bundok ng Ebal.

30 Di ba sila'y nasa dako pa roon ng Jordan, sa dakong nilulubugan ng araw, sa lupain ng mga Cananeo na tumatahan sa Araba, sa tapat ng Gilgal na kasiping ng mga encina sa More?

31 Sapagka't kayo'y tatawid sa Jordan upang inyong pasukin na ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, at inyong aariin, at tatahan kayo roon.

32 At inyong isasagawa ang lahat ng mga palatuntunan at mga kahatulan na aking iginagawad sa inyo sa araw na ito.

   

Från Swedenborgs verk

 

Apocalypse Explained #616

Studera detta avsnitt

  
/ 1232  
  

616. Verse 9. And I went unto the angel, saying, Give me the little book, signifies the faculty to perceive from the Lord of what quality the Word is. This is evident from the signification of "going to the angel and saying, Give me the little book," as being in the nearest sense to obey the command, because he was told to go and take it; but in a more remote sense, which also is the interior sense, these words mean the faculty to perceive from the Lord of what quality the Word is. It is granted by the Lord to every man to perceive this, but yet no one does perceive it unless he wishes as of himself to perceive it. This ability to reciprocate, man must have in order to receive the faculty to perceive the Word; unless a man wishes and does this as of himself no such faculty can be appropriated to him; since, in order that appropriation may be effected, there must be an active and a reactive; the active is from the Lord, so is the reactive, but the latter appears to be from man; for the Lord Himself gives this reactive, and thence it is from the Lord and not from man; but as man does not know otherwise than that he lives from himself, and consequently that he thinks and wills from himself, so he must needs do this as if it were from what is proper to his own life; and when he so acts, it is then first implanted in him, and conjoined and appropriated to him.

[2] He who believes that Divine verities and goodnesses flow into man apart from such an ability to react or reciprocate, is much deceived, for this would be to let the hands hang down, and to wait for immediate influx; as those think who wholly separate faith from charity, and who say that the goods of charity, which are the goods of life, flow in without any cooperation of man's will, when yet the Lord teaches that He continually stands at the door and knocks, and that man must open the door, and that He enters in to him who opens (Revelation 3:20). In brief, action and reaction constitute all conjunction, and in action and mere passiveness there is no conjunction; for when the agent or active flows into the mere patient or passive, it passes through and is dissipated, for the passive yields and retires; but when the agent or active flows into a passive that is also a reactive, then they join together and the two remain conjoined. Thus it is with the influx of Divine good and Divine truth into man's will or love; for this reason when the Divine flows into the understanding alone it passes through and is dissipated, but when it flows into the will, where what is man's own (proprium) resides, it remains conjoined. From this it can be seen what is involved in its being said, first, "Go, take the little book that is open in the hand of the angel who standeth upon the sea and upon the earth," and then that he "went unto the angel, saying, Give me the little book," and the angel then said, "Take and eat it up," thus the ability to react or reciprocate is described. And from this then it is that these words signify the faculty to receive and perceive from the Lord of what quality the Word is. The reception of the Divine influx is described in like manner elsewhere in the Word.

  
/ 1232  
  

Thanks to the Swedenborg Foundation for their permission to use this translation.

Bibeln

 

Isaiah 55:2

Studie

       

2 Why do you spend money for that which is not bread? and your labor for that which doesn't satisfy? listen diligently to me, and eat you that which is good, and let your soul delight itself in fatness.