Библијата

 

Exodo 12

Студија

   

1 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto, na sinasabi,

2 Ang buwang ito'y magiging sa inyo'y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo.

3 Salitain ninyo sa buong kapisanan ng Israel na inyong sabihin: Sa ikasangpung araw ng buwang ito ay magsisikuha sila sa ganang kanila, bawa't lalake, ng isang kordero, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, isang kordero sa bawa't sangbahayan:

4 At kung ang sangbahayan ay napakakaunti upang kumain ng isang kordero, ay siya nga at ang kaniyang malapit na kapitbahay ay magsasalosalo sa isa ayon sa bilang ng mga tao; ayon sa bawa't tao na kumakain gagawin ninyo ang pagbilang, sa kordero.

5 Ang inyong korderong pipiliin ay yaong walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing:

6 At inyong aalagaan hanggang sa ikalabing apat na araw ng buwang ito, at papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel, sa paglubog ng araw.

7 At kukuha sila ng dugo niyan, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay na kanilang kakainan.

8 At kanilang kakanin ang laman sa gabing yaon, na inihaw sa apoy, at tinapay na walang lebadura, kakanin nilang kaulam ng mapapait na gulay.

9 Huwag ninyong kaning hilaw, o luto man sa tubig, kundi inihaw sa apoy; ang kaniyang ulo pati ng kaniyang mga paa at pati ng kaniyang mga lamang loob.

10 At huwag kayong magtitira ng anoman niyaon hanggang sa kinaumagahan; kundi yaong matitira niyaon sa kinaumagahan ay inyong susunugin sa apoy.

11 At ganito ninyo kakanin; may bigkis ang inyong baywang, ang inyong mga pangyapak ay nakasuot sa inyong mga paa, at ang inyong tungkod ay tangnan ninyo sa inyong kamay; at inyong kakaning dalidali; siyang paskua ng Panginoon.

12 Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, ako ang Panginoon.

13 At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto.

14 At ang araw na ito'y magiging sa inyo'y isang alaala, at inyong ipagdidiwang na pinakapista sa Panginoon; sa buong panahon ng inyong lahi ay inyong ipagdidiwang na pinakapista na bilang tuntunin magpakailan man.

15 Pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura; sa unang araw ay inyong ihihiwalay sa inyong mga bahay ang lebadura; sapagka't sinomang kumain ng tinapay na may lebadura mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw ay ihihiwalay sa Israel, ang taong yaon.

16 At sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagkakatipon at sa ikapitong araw man ay magkakaroon ding kayo ng isang banal na pagkakatipon; walang anomang gawa na gagawin sa mga araw na iyan, liban na yaong nararapat kanin ng bawa't tao, na siya lamang maaaring gawin ninyo.

17 At iyong ipangingilin ang pista ng tinapay na walang lebadura; sapagka't sa araw ring ito kinuha ko ang inyong mga hukbo sa lupain ng Egipto: kaya't inyong ipangingilin ang araw na ito sa buong panahon ng inyong lahi, na bilang tuntunin magpakailan man.

18 Sa unang buwan ng ikalabing apat na araw ng buwan sa paglubog ng araw ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura, hanggang sa ikadalawang pu't isang araw ng buwan, sa paglubog ng araw.

19 Pitong araw, na walang masusumpungang lebadura sa inyong mga bahay: sapagka't sinomang kumain niyaong may lebadura, ay ihihiwalay sa kapisanan ng Israel, ang taong yaon, maging taga ibang lupa, o maging ipinanganak sa lupain.

20 Huwag kayong kakain ng anomang bagay na may lebadura; sa lahat ng inyong mga tahanan ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura.

21 Nang magkagayo'y ipinatawag ni Moises ang lahat ng matanda sa Israel, at sinabi sa kanila, Kayo'y lumabas at kumuha kayo ng mga kordero ayon sa inyo-inyong sangbahayan, at magpatay kayo ng kordero ng paskua.

22 At kayo'y kukuha ng isang bigkis na hisopo, at inyong babasain sa dugo, na nasa palanggana, at inyong papahiran ng dugo na nasa palanggana, ang itaas ng pinto at ang dalawang haligi ng pinto: at sinoman sa inyo ay huwag lalabas sa pinto ng kaniyang bahay hanggang sa kinaumagahan.

23 Sapagka't ang Panginoon ay daraan upang sugatan ang mga Egipcio; at pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto, ay lalampasan ng Panginoon ang pintong yaon, at hindi niya papayagan ang manunugat ay pumasok sa inyong mga bahay na sugatan kayo.

24 At inyong ipangingilin ang bagay na ito, na pinakatuntunin sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man.

25 At mangyayaring pagdating ninyo sa lupain na ibibigay sa inyo ng Panginoon, gaya ng kaniyang ipinangako, ay inyong tutuparin ang paglilingkod na ito.

26 At mangyayaring pagsasabi sa inyo ng inyong mga anak: Anong ibig ninyong sabihin sa paglilingkod na ito?

27 Na inyong sasabihin: Siyang paghahain sa paskua ng Panginoon, na kaniyang nilampasan ang mga bahay ng mga anak ni Israel sa Egipto, nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio, at iniligtas ang aming mga sangbahayan. At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba.

28 At ang mga anak ni Israel ay yumaon at ginawang gayon; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, ay gayong ginawa nila.

29 At nangyari sa hating gabi, na nilipol ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, mula sa panganay ni Faraon na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng bilanggo na nasa bilangguan; at lahat ng panganay sa mga hayop.

30 At si Faraon ay bumangon sa kinagabihan, siya at lahat ng kaniyang mga lingkod, at lahat ng mga Egipcio, at nagkaroon ng isang malakas na hiyawan sa Egipto; sapagka't walang bahay na di mayroong isang patay.

31 At kaniyang tinawag si Moises at si Aaron sa kinagabihan, at sinabi, Kayo'y bumangon, umalis kayo sa gitna ng aking bayan kayo at sangpu ng mga anak ni Israel; at kayo'y yumaong maglingkod sa Panginoon, gaya ng inyong sinabi.

32 Dalhin ninyo kapuwa ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan, gaya ng inyong sinabi, at kayo'y yumaon: at pagpalain din naman ninyo ako.

33 At pinapagmadali ng mga Egipcio, ang bayan, na madaliang pinaalis sila sa lupain; sapagka't kanilang sinabi, Kaming lahat ay patay na.

34 At dinala ng bayan ang kanilang masa bago humilab, na nababalot ang kanilang mga masa sa kanikanilang damit sa ibabaw ng kanikanilang balikat.

35 At ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa salita ni Moises; at sila'y humingi sa mga Egipcio ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto, at mga damit:

36 At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan sa paningin ng mga Egipcio, ano pa't ibinigay sa kanila anomang hingin nila. At kanilang hinubaran ang mga Egipcio.

37 At ang angkan ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses hanggang sa Succoth, na may anim na raang libong lalake na naglakad, bukod pa ang mga bata.

38 At isang karamihang samasama ang sumampa rin namang kasabay nila; at mga kawan, at mga bakahan, na napakaraming hayop.

39 At kanilang nilutong mga munting tinapay na walang lebadura ang masa na kanilang kinuha sa Egipto, sapagka't hindi pa humihilab, sapagka't sila'y itinaboy sa Egipto, at hindi sila nakatigil o nakapaghanda man ng anomang pagkain.

40 Ang pakikipamayan nga ng mga anak ni Israel, na ipinakipamayan nila sa Egipto, ay apat na raan at tatlong pung taon.

41 At nangyari sa katapusan ng apat na raan at tatlong pung taon, ng araw ding yaon ay nangyari, na ang lahat ng mga hukbo ng Panginoon ay umalis sa lupain ng Egipto.

42 Ito ay isang gabing pangingilin sa Panginoon dahil sa paglalabas niya sa kanila sa lupain ng Egipto: ito ay yaong gabi ng Panginoon na ipangingilin ng lahat ng mga anak ni Israel sa buong panahon ng kanilang lahi.

43 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Ito ang tuntunin sa paskua: walang sinomang taga ibang lupa na kakain niyaon:

44 Datapuwa't ang alipin ng bawa't lalake na nabili ng salapi, pagkatuli sa kaniya'y makakakain nga niyaon.

45 Ang nakikipamayan at ang alilang binabayaran ay hindi kakain niyaon.

46 Sa isang bahay kakanin; huwag kang magdadala ng laman sa labas ng bahay, ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon.

47 Ipangingilin ng buong kapisanan ng Israel.

48 At pagka ang isang taga ibang lupa ay makikipamayan kasama mo, at mangingilin ng paskua sa Panginoon, ay tuliin lahat ang kaniyang mga lalake at saka siya lumapit at ipangilin: at siya'y magiging parang ipinanganak sa lupain ninyo; datapuwa't sinomang di tuli ay hindi makakakain niyaon.

49 Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain, at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo.

50 Gayon ginawa ng lahat ng mga anak ni Israel; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, gayon nila ginawa.

51 At nangyari nang araw ding yaon, na kinuha ng Panginoon ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo.

   

Од делата на Сведенборг

 

Arcana Coelestia #7950

Проучи го овој пасус

  
/ 10837  
  

7950. 'Even to the firstborn of the prisoner who was in the dungeon' means falsified truths of faith that occupy the last place of all. This is clear from the meaning of 'the firstborn in the land of Egypt' as faith separated from charity, as just above in 7948, and so also falsified truth of faith, dealt with below; and from the meaning of 'the prisoner who is in the dungeon' as those who occupy the last place of all, for his firstborn is placed at the opposite end of the scale from 'Pharaoh's firstborn who was to sit on his throne', which means falsified truth of faith that occupies the first place, 7779, 7949. 'The prisoner who is in the dungeon' is used to mean in the spiritual sense closest to the actual words one who thinks only on the level of his physical senses, and so is in utterly thick darkness so far as matters of truth and good are concerned; for he does not even possess the ability to perceive, as those who think on a more internal level of the senses do. This is the reason why those who occupy the last place of all are meant.

[2] The reason why 'the firstborn in the land of Egypt' means falsified truth of faith is that 'the firstborn of Egypt' is faith separated from charity, 7948; and those with this kind of faith are in nothing but complete and utter darkness so far as truths of faith are concerned. They cannot be in any light, and so cannot at all perceive what truth is or whether something is true. This is because all spiritual light comes from the Lord through good, that is, through charity. For the good of charity is like a flame from which light radiates, since good comes of love, and love is spiritual fire, the source of enlightenment. Anyone who imagines that people leading an evil life can also receive enlightenment in the truths of faith is very much mistaken. Their state may be such that they are able to produce proofs, that is, they may be able to prove the teachings of their Church, sometimes with skill and ingenuity; yet they are not able to see whether the things they prove are true or not. The fact that even falsity can be proved so adroitly that it seems to be the truth, and that a person is wise not when he can prove that something is right but when he can see whether it is, see 4741, 5033, 6865, 7011, 7680.

[3] Therefore a person whose life is sunk in evil is steeped in falsity arising from his evil; and no matter how well he knows what is true he does not believe it. Sometimes he thinks he does, but he is mistaken. He will be allowed to know in the next life that he does not believe it, when his perceiving is made to conform to his desiring. When that is done he will disown the truth, oppose it, and spurn it, and will acknowledge its opposite - falsity - as the truth. This now explains why those who are governed by faith separated from charity cannot help falsifying the truths of faith.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.

Од делата на Сведенборг

 

Arcana Coelestia #7778

Проучи го овој пасус

  
/ 10837  
  

7778. 'And all the firstborn in the land of Egypt will die' means the damnation of faith separated from charity. This is clear from the meaning of 'dying' as damnation, dealt with in 5407, 6119; and from the meaning of 'the firstborn' as the Church's faith through which charity comes, dealt with in 352, 2435, 6344, 7035. But 'the firstborn in the land of Egypt' is faith devoid of charity, about which see above in 7766.

[2] As regards faith devoid of charity, there is more to be said. Faith that is devoid of charity is not faith but merely knowledge of such things as constitute faith. For the truths of faith look to charity as their ultimate end in view, and later on proceed from charity as their first end in view. From this it is evident that the things which constitute faith do not exist with those who have no charity, even though they have a knowledge of the truths of faith, as is well known. This knowledge is what they call faith. And when they use the facts they know about the truth and good of faith to support falsities and evils, they no longer have the truths and forms of the good of faith because these come to be like the falsities and evils that such truths and forms of good serve. For now the very falsities and evils which they support are seen in them.

[3] Things that constitute genuine faith look upwards to heaven and the Lord, whereas those that constitute faith separated from charity look downwards - and when they support evils and falsities - to hell, from which too it is evident that faith separated from charity is not faith. All this goes to show what is meant by the damnation of faith separated from charity, that is to say, of the truth of faith when falsified and the good of faith when adulterated. For when truth has been falsified it is no longer truth but falsity, and when good has been adulterated it is no longer good but evil; and faith itself is no longer faith composed of truth and good but of falsity and evil, no matter what it looks and sounds like to outward appearance. Furthermore, and this is an arcanum, the character of anyone's faith is determined by the character of his life. If therefore his life is damned, so is his faith; for it is a faith composed of falsity when his life is a life of evil. It is not apparent in the world that this is so, but it is made plain in the next life. When the evil in that life are deprived of the truth and good they know there then emerge from evils the falsities which have lain hidden with those people.

[4] With some evil people a certain kind of conviction exists that the truth of faith is the truth; and this conviction too is thought to be faith. But it is not faith since it is induced by the intent to make it serve as the means by which wealth, important positions, and reputation can be acquired. As long as the truths they know are serving as the means to that end they love them for the sake of an evil intent. But when they no longer serve in that way they are abandoned, indeed are regarded as falsities. The term 'persuasive faith' is used to describe this kind of conviction, and it is what is meant by the Lord's words in Matthew,

Many will say to Me on that day, Lord, Lord, did we not prophesy though Your name, and through Your name cast out demons, and do many mighty works in Your name? But then I will confess to them, I do not know you; depart from Me, you workers of iniquity. Matthew 7:22-23.

The same kind of faith is also meant by 'lamps without oil' with the five foolish virgins, who also said, Lord, Lord, open to us. But He replying said, Truly, I say to you, I do not know you. Matthew 25:11-12.

The truths of faith are meant by 'lamps', and the good of charity by 'oil', so that 'lamps without oil' are truths of faith devoid of the good of charity.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.