Bible

 

Levitico 6

Studie

   

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

2 Kung ang sinoman ay magkasala, at sumuway sa Panginoon, na magbulaan sa kaniyang kapuwa tungkol sa isang habilin, o sa isang sanla, o sa nakaw, o pumighati sa kaniyang kapuwa,

3 O nakasumpong ng nawala, at ipagkaila at sumumpa ng kasinungalingan; sa alin man sa lahat ng ito na ginawa ng tao ng pinagkakasalahan:

4 Ay mangyayari nga, na kung siya'y nagkasala at naging salarin, na isasauli niya ang ninakaw, o ang nakuha sa pagpighati, o ang habiling inihabilin sa kaniya, o ang bagay na nawala sa kaniyang nasumpungan,

5 O anomang bagay na kaniyang sinumpaan ng kabulaanan; na isasauli niyang buo, at daragdagan pa niya ng ikalimang bahagi niyaon: sa may-ari ibibigay niya sa araw na pagkasumpong sa kaniya na siya'y may kasalanan.

6 At dadalhin niya sa Panginoon ang kaniyang handog dahil sa pagkakasala, isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga, at ibibigay sa saserdote na pinakahandog dahil sa pagkakasala:

7 At itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon; at siya'y patatawarin tungkol sa alin mang kaniyang nagawa, na kaniyang pinagkasalahan.

8 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

9 Iutos mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na iyong sabihin, Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin: ang handog na susunugin ay malalagay sa ibabaw ng pinagsusunugan sa ibabaw ng dambana, buong gabi hanggang umaga; at ang apoy sa dambana ay papananatilihing nagniningas doon.

10 At isusuot ng saserdote ang kaniyang kasuutang lino, at ang kaniyang mga salawal na kayong lino at itatakip niya sa kaniyang katawan; at dadamputin niya ang mga abo ng handog na susunugin na sinunog sa apoy sa ibabaw ng dambana, at ilalagay niya sa tabi ng dambana.

11 At maghuhubad siya ng kaniyang mga suot, at magbibihis ng ibang mga kasuutan, at ilalabas ang mga abo sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis.

12 At ang apoy sa ibabaw ng dambana ay papananatilihing nagniningas doon, hindi papatayin; at ang saserdote ay magsusunog ng kahoy sa ibabaw niyaon tuwing umaga: at aayusin niya sa ibabaw niyaon ang handog na susunugin, at susunugin sa ibabaw niyaon ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

13 Ang apoy ay papananatilihing nagniningas sa ibabaw ng dambana; hindi papatayin.

14 At ito ang kautusan tungkol sa handog na harina: ihahandog ng mga anak ni Aaron sa harap ng Panginoon, sa harap ng dambana.

15 At kukuha siya niyaon ng kaniyang dakot, ng mainam na harina sa handog na harina, at ng langis niyaon, at ng lahat na kamangyan, na nasa ibabaw ng handog na harina, at kaniyang susunugin sa ibabaw ng dambana, na pinakamasarap na amoy, na alaala niyaon sa Panginoon.

16 At ang labis sa handog ay kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak: walang lebadurang kakanin sa dakong banal; sa looban ng tabernakulo ng kapisanan kakanin nila.

17 Hindi lulutuing may lebadura. Aking ibinigay sa kanilang pinakabahagi nila, sa mga handog sa akin na pinaraan sa apoy; kabanalbanalang bagay nga, na gaya ng handog dahil sa kasalanan, at gaya ng handog dahil sa pagkakasala.

18 Bawa't lalake sa mga anak ni Aaron ay kakain niyaon na pinakabahagi nila magpakailan man, sa buong panahon ng inyong lahi, sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; sinomang humipo ng mga iyan ay magiging banal.

19 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

20 Ito ang alay ni Aaron at ng kaniyang mga anak na kanilang ihahandog sa Panginoon sa araw na siya'y pahiran ng langis; ang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog na harina magpakailan man, ang kalahati ay sa umaga at ang kalahati ay sa hapon.

21 Sa kawali ihahandang may langis; pagkatigmak niyaon dadalhin mo: lutong putolputol na ihaharap mo ang handog na harina na pinaka masarap na amoy sa Panginoon.

22 At ang saserdoteng pinahiran ng langis na mahahalili sa kaniya, na mula sa gitna ng kaniyang mga anak ay maghahandog niyaon: ayon sa palatuntunang walang hanggan ay susunuging lahat sa Panginoon.

23 At bawa't handog na harina ng saserdote ay susunuging lahat: hindi kakanin.

24 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

25 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sabihin, Ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa kasalanan: sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa kasalanan, sa harap ng Panginoon; kabanalbanalang bagay nga.

26 Ang saserdoteng maghandog niyaon dahil sa kasalanan ay kakain niyaon: sa dakong banal kakanin, sa looban ng tabernakulo ng kapisanan.

27 Anomang humipo ng laman niyaon ay magiging banal: at pagka pumilansik ang dugo sa alin mang damit, ay lalabhan mo yaong napilansikan sa dakong banal.

28 Datapuwa't ang sisidlang lupa na pinaglutuan ay babasagin: at kung niluto sa sisidlang tanso ay lilinisin at babanlawan ng tubig.

29 Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon: bagay ngang kabanalbanalan.

30 At hindi kakanin ang anomang handog dahil sa kasalanan, kung may dugo niyao'y ipinasok sa tabernakulo ng kapisanan upang ipangtubos sa dakong banal: sa apoy nga susunugin.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 10039

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

10039. 'It is a sin [offering]' means that which has been purified in this manner from evils and falsities. This is clear from the meaning of 'sin', when this word is used to mean a sacrifice, as purification from evils and falsities. For in the original language, when sacrifices are the subject, sin is used to mean a sacrifice for sin; and by sacrifice purification from evils and falsities is meant, 9990, 9991. The fact that in the Word a sacrifice for sin is called a sin [offering], see Leviticus 4:3, 8, 14, 20-21, 24-25, 29, 33-34; 5:6, 8-9; 6:17, 25-26, 30, and elsewhere.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 9990

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

9990. 'Take one young bull, a son of the herd' means purification of the natural or external man. This is clear from the meaning of 'a young bull' as the good of innocence and charity in the natural or external man, dealt with in 9391. And since the words 'a son of the herd' are used, the truth of that good is also meant, truth being meant by 'a son', and the natural level by 'the herd'. For the meaning of 'a son' as truth, see 489, 491, 533, 2623, 3373, 9807, and for that of 'the herd' as the natural level, 2566, 5913, 8937. The reason why purification of the natural or external man is meant here by 'a young bull, a son of the herd' is that the animal was offered in sacrifice, and sacrifices were signs of purification from evils and falsities, or expiation, in this instance purification from evils and falsities present in the natural or external man. But purification in the spiritual or internal man is meant by the burnt offering of a ram.

[2] To know what each kind of burnt offering or sacrifice represented one must first know that in a human being there is the external and the internal, and that in each there is that which belongs to truth and that which belongs to good. Therefore when a person is to be regenerated he must be regenerated as to the external and as to the internal, and in each as to truth and as to good. But before a person can be regenerated he must be purified from evils and from falsities, for these stand in the way. Purifications of the external man were represented by burnt offerings and sacrifices of oxen, young bulls, and he-goats, but purifications of the internal man by burnt offerings and sacrifices of rams, kids, and she-goats, and purification of the internal itself, or that which is inmost, by those of lambs. Consequently from the actual animals offered in sacrifice one may see what kind of purification or expiation was being represented.

[3] The reason for saying 'was being represented' is that burnt offerings and sacrifices did not purify or expiate a person, but merely served to represent purification or expiation. For is there anyone who fails to recognize that such offerings of animals do not take away any evil or falsity at all that is present with a person? - see the places in the Word quoted in 2180. The reason why those offerings did not take evil or falsity away, but merely represented such a removal of it, was that only a representative of the Church was established among the Israelite and Jewish nation, which served to join them to heaven, and through heaven to the Lord, see what has been shown on this subject in the places referred to in 9320 (end), 9380. But what was represented specifically by burnt offerings and sacrifices of young bulls, rams, and lambs, will be seen in what follows in the present chapter, since they are the subject there.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.