Bible

 

Josue 8

Studie

   

1 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag kang matakot, ni manglumo: ipagsama mo ang buong bayang pangdigma, at bumangon ka, na sumampa ka sa Hai: tingnan mo, aking ibinigay sa iyong kamay ang hari sa Hai, at ang kaniyang bayan, at ang kaniyang siyudad, at ang kaniyang lupain;

2 At iyong gagawin sa Hai at sa kaniyang hari ang gaya ng iyong ginawa sa Jerico at sa kaniyang hari: ang samsam lamang doon, at ang mga hayop niyaon, ang iyong kukunin na pinakasamsam ninyo: lagyan mo ng mga bakay ang bayan sa likuran.

3 Sa gayo'y bumangon si Josue, at ang buong bayang pangdigma, upang sumampa sa Hai: at pumili si Josue ng tatlong pung libong lalake, na mga makapangyarihang lalaking matapang, at sinugo ng kinagabihan.

4 At iniutos niya sa kanila, na sinasabi, Narito, kayo'y babakay laban sa bayan, sa likuran ng bayan: huwag kayong lumayong totoo sa bayan kundi humanda kayo;

5 At ako, at ang buong bayan na kasama ko ay lalapit sa bayan. At mangyayari, na pagka sila'y lumabas laban sa amin gaya ng una, ay tatakas kami sa harap nila;

6 At sila'y lalabas na susunod sa amin, hanggang sa aming mailayo sila sa bayan, sapagka't kanilang sasabihin, Sila'y tumatakas sa harap natin, na gaya ng una; gayon kami tatakas sa harap nila:

7 At kayo'y babangon sa pagbakay, at inyong aariin ang bayan: sapagka't ibibigay ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.

8 At mangyayari, na pagka inyong nasakop ang bayan, ay inyong sisilaban ng apoy ang bayan; ayon sa salita ng Panginoon ay inyong gagawin: narito, aking iniutos sa inyo.

9 At pinapagpaalam sila ni Josue: at sila'y yumaon sa pagbakay, at lumagay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai, sa dakong kalunuran ng Hai: nguni't si Josue ay tumigil ng gabing yaon sa gitna ng bayan.

10 At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at binilang ang bayan, at sumampa siya at ang mga matanda ng Israel, sa unahan ng bayan, sa Hai.

11 At ang buong bayan, sa makatuwid baga'y ang mga taong pangdigma na kinasama niya, ay sumampa, at lumapit, at naparoon sa harap ng bayan, at humantong sa dakong hilagaan ng Hai: mayroon ngang isang libis sa pagitan niya at ng Hai.

12 At siya'y kumuha ng may limang libong lalake at inilagay niya silang bakay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai sa dakong kalunuran ng bayan.

13 Gayon inilagay nila ang bayan, ang buong hukbo na nasa hilagaan ng bayan, at ang kanilang mga bakay na nasa kalunuran ng bayan; at si Josue ay naparoon ng gabing yaon sa gitna ng libis.

14 At nangyari, nang makita ng hari sa Hai, na sila'y nagmadali at bumangong maaga, at ang mga lalake sa bayan ay lumabas laban sa Israel upang makipagbaka, siya at ang kaniyang buong bayan, sa kapanahunang takda, sa harap ng Araba, nguni't hindi niya talastas na may bakay laban sa kaniya sa likuran ng bayan.

15 At ginawa ni Josue at ng buong Israel na parang sila'y nadaig sa harap nila, at tumakas sa daan na ilang.

16 At ang lahat ng mga tao na nasa bayan ay pinisan upang humabol sa kanila: at kanilang hinabol si Josue, at nangalayo sa bayan.

17 At walang lalake na naiwan sa Hai o sa Beth-el, na hindi humabol sa Israel: at kanilang iniwang bukas ang bayan, at hinabol ang Israel.

18 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Iunat mo ang sibat na nasa iyong kamay sa dakong Hai; sapagka't aking ibibigay sa iyong kamay. At iniunat ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay sa dakong bayan.

19 At ang bakay ay bumangong bigla sa kanilang dako, at sila'y tumakbo pagkaunat niya ng kaniyang kamay, at pumasok sa bayan at sinakop at sila'y nagmadali at sinilaban ang bayan.

20 At nang lumingon ang mga lalake sa Hai sa likuran nila, ay kanilang nakita, at, narito, ang usok ng bayan ay napaiilanglang sa langit, at wala silang kapangyarihan na makatakas sa daang ito o sa daang yaon: at ang bayan na tumakas sa ilang ay pumihit sa mga manghahabol.

21 At nang makita ni Josue at ng buong Israel na nasakop ng bakay ang bayan at ang usok ng bayan ay napaiilanglang, ay nagsibalik nga uli sila at pinatay ang mga lalake sa Hai.

22 At ang iba'y lumabas sa bayan laban sa kanila, na anopa't sila'y nasa gitna ng Israel, na ang iba'y sa dakong ito, at ang iba'y sa dakong yaon: at sinaktan nila sila, na anopa't wala silang iniwan sa kanila na nalabi o nakatanan.

23 At ang hari sa Hai ay hinuli nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.

24 At nangyari, nang matapos ng Israel na mapatay sa parang ang lahat ng mga taga Hai, sa ilang na kanilang pinaghabulan sa kanila, at mangabuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, hanggang sa nalipol nila sila, ay bumalik ang buong Israel sa Hai, at sinugatan ng talim ng tabak.

25 At ang lahat na nabuwal ng araw na yaon, lalake at gayon din ang babae ay labing dalawang libo, lahat ng mga tao sa Hai.

26 Sapagka't hindi iniurong ni Josue ang kaniyang kamay na kaniyang ipinag-unat ng sibat hanggang sa kaniyang nalipol na lubos ang lahat ng mga taga Hai.

27 Ang hayop lamang at ang samsam sa bayan na yaon ang kinuha ng Israel na pinakasamsam, ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang iniutos kay Josue.

28 Gayon sinunog ni Josue ang Hai, at pinapaging isang bunton magpakailan man na isang kagibaan, hanggang sa araw na ito.

29 At ibinitin niya ang hari sa Hai sa isang punong kahoy hanggang sa kinahapunan: at sa paglubog ng araw ay iniutos ni Josue, at ibinaba nila ang kaniyang bangkay sa punong kahoy at inihagis sa pasukan ng pintuan ng bayan, at binuntunan ng malaking bunton ng mga bato, hanggang sa araw na ito.

30 Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Josue ng isang dambana ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa bundok ng Ebal,

31 Gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, sa mga anak ni Israel, gaya ng nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises, na isang dambana na hindi hinitsurahang mga bato, na hindi pinagbuhatan ng sinomang tao ng bakal: at kanilang pinaghandugan sa Panginoon ng mga handog na susunugin, at pinaghainan ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

32 At siya'y sumulat doon sa mga bato ng isang salin ng kautusan ni Moises na kaniyang sinulat, sa harap ng mga anak ni Israel.

33 At ang buong Israel, at ang kanilang mga matanda at mga pinuno at ang kanilang mga hukom, ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita, na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa na gaya rin ng mga taga-roon; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel.

34 At pagkatapos ay kaniyang binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.

35 Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng mga babae, at ng mga bata, at ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila.

   

Komentář

 

Lances

  

In Isaiah 2:4, this signifies truths of use in spiritual warfare, which with regeneration, prepare for the reception of truths from good. (Arcana Coelestia 1664[3], 5895) 'Lances' also signify combating truths.

(Odkazy: Apocalypse Explained 557)

Ze Swedenborgových děl

 

Apocalypse Explained # 557

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 1232  
  

557. Verse 9. (Revelation 9:9) And they had breastplates as iron breastplates, signifies the persuasions with which they gird themselves for combats, against which the truths of the rational-spiritual man prevail not. This is evident from the signification of "breastplates" (or coats of mail), as being defenses against evils and falsities in combats, but here defenses of evils and falsities against goods and truths, because this treats of those who are in the falsities of evil in opposition to truths. Here "breastplates" signify persuasions, because sensual men who are in the falsities of evil, who are here described, do not fight against truths from reason, for they do not see truths, but falsities only, and are therefore in the persuasion that falsities are truths, consequently they fight solely from the persuasion of falsity, and with them this persuasion is such that the truths brought forth by the spiritual-rational man are of no avail, for they are repelled as a sword is from a breastplate or coat of mail. So "breastplates as iron breastplates" signify persuasions against which truths are of no avail. That the persuasiveness with such is so infatuating and suffocating that the spiritual-rational is of no avail against it may be seen above (n. 544, 549, 556). Moreover, breastplates or coats of mail, cover that part of the body called the breast or thorax, and this signifies the spiritual affection of truth; also all affection is contained in the sound which comes forth from the breast with the speech. But those who are here signified by "locusts," who are such sensual men as are in falsities, have no other affection than that of the love of self, and because that affection is full of self-confidence and full of the persuasion that their falsity is truth, and because that affection is in the sound which comes forth from the breast with the speech, so the locusts appeared in "breastplates which were as iron breastplates." Moreover, "iron" signifies truth in ultimates, and likewise falsity there, and at the same time what is hard; and the persuasiveness that they have causes the falsity to be so hard that the truths opposed to it rebound, as if they were of no account or avail. Because the persuasion of sensual men who are in falsities from self-confidence is such, and with spirits is so powerful that it suffocates and extinguishes the rational of other spirits with whom they converse in the world of spirits, it is severely prohibited, and those who make use of it are sent among spirits where they are distressed even to swooning by other spirits by means of still stronger persuasions, and this until they desist.

[2] Because breastplates or coats of mail were in use in wars, and to put them on signified to gird oneself for war and thus to fight, therefore in the Word those who were girt for fighting are said to have put on coats of mail. Thus in Jeremiah:

Harness the horses, and go up, ye horsemen; and stand ye forth in helmets; furbish the spears, and put on the coats of mail (46 Jeremiah 46:4).

These words do not mean the combat of one army against another, but the combat of the spiritual-rational man against the natural man who, from knowledges [scientifica] falsely applied, fights against truths and goods. For this is said of the army of Pharaoh king of Egypt, whom the king of Babylon smote, and "Pharaoh king of Egypt" means such a natural man, and "the king of Babylon," near the Euphrates, means the spiritual-rational man, therefore "Harness the horses, go up, ye horsemen, and stand ye forth in helmets; furbish the spears, and put on the coats of mail," signifies such things as relate to the combat of the spiritual-rational man against the natural man who is in falsities; "horses" mean the things of the understanding, "chariots to which they were harnessed" the things of doctrine, "horsemen" the intelligent, "helmets" the things of reason, "spears" truths combating, and "coats of mail" force and strength in fighting and resisting. A "coat of mail" has this meaning because it girds the breast, and from the breast through the arms is all the strength in fighting and resisting.

[3] In the same:

Against Babylon let him bend, let him that bendeth bend his bow; against her he shall lift himself up in his coat of mail (Jeremiah 51:3).

Here, too, "coat of mail" stands for the power to fight and resist. In Isaiah:

He put on righteousness as a coat of mail, and the helmet of salvation upon His head (Isaiah 59:17).

This treats of the Lord, and of the subjugation of the hells by Him; and "righteousness as a coat of mail" signifies the zeal for rescuing the faithful from hell and the Divine love of saving the human race; and as it was from the zeal of Divine love and power therefrom that the Lord fought and conquered, so righteousness is called a "coat of mail;" while the "helmet of salvation" signifies Divine truth from Divine good, by means of which is salvation, for a "helmet" has a similar signification as the head, because it is worn on the head; that the "head" in reference to the Lord signifies Divine truth and Divine wisdom will be seen in what follows.

  
/ 1232  
  

Thanks to the Swedenborg Foundation for their permission to use this translation.