Bible

 

Obadias 1

Studie

1 Ang pangitain ni Obadias. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom, Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.

2 Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak.

3 Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa?

4 Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.

5 Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas?

6 Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago!

7 Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: walang paguunawa sa kaniya.

8 Di ko baga lilipulin sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau?

9 At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.

10 Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.

11 Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila.

12 Huwag ka ngang magmasid sa araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis.

13 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan.

14 At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.

15 Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.

16 Sapagka't kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay.

17 Nguni't sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pag-aari.

18 At ang sangbahayan ni Jacob ay magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.

19 At silang sa Timugan, ay mangagaari ng bundok ng Esau, at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.

20 At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan.

21 At ang mga tagapagligtas ay magsisisampa sa bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at ang kaharian ay magiging sa Panginoon.

Ze Swedenborgových děl

 

Apocalypse Explained # 1005

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 1232  
  

1005. Verse 15. Behold I come as a thief, signifies the Lord's coming and the Last Judgment at that time. This is evident from the signification of "coming as a thief" as being, in reference to the Lord, His coming and the Last Judgment at that time, as elsewhere in the Word (as Matthew 6:19-20; 24:42-43; Obad. verse Obadiah 1:5; Joel 2:9; Hosea 7:1). This is the signification of "coming as a thief," because taking away the knowledges of good and truth, and devastating the church, as a thief takes away wealth and robs a house, is attributed to the Lord; also because the church is then in night and in darkness, that is, in falsities from evil, and the last state of the church is called "night," and the falsities of evil that then prevail are called "darkness," and a thief comes in the night when it is dark. This is why the Lord's coming and the Last Judgment are compared to a thief (See above, n. 193).

(Continuation respecting the Sixth Commandment)

[2] That adultery is hell, and consequently an abomination, anyone can perceive from the idea of the mixture of diverse seed in the womb of one woman, for in man's seed there lies hidden the inmost of his life, and thus the rudiment of a new life; and for this reason it is holy. To make this common with the inmosts and rudiments of others, as is done in adulteries, is profane. This is why adultery is hell, and why hell in general is called adultery. And as from such a mixture nothing but corruption, also from a spiritual origin, can exist, it follows that adultery is an abomination.

[3] Consequently in the brothels that are in hell, foulnesses of every kind appear; and when light out of heaven is let into them, adulteresses are seen lying with adulterers, like swine in filth itself; and what is wonderful, like swine they are in their delights when they are in the midst of filth. But these brothels are kept closed, because when they are opened a stench is exhaled that excites vomiting. It is otherwise in chaste marriages. In these the life of the husband adds itself through the seed to the life of the wife; and from this there is inmost conjunction, by which they become not two, but one flesh. And according to conjunction by means of that, conjugial love increases, and with it every good of heaven.

  
/ 1232  
  

Thanks to the Swedenborg Foundation for their permission to use this translation.