Bible

 

Numero 23

Studie

   

1 At sinabi ni Balaam kay Balac, Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.

2 At ginawa ni Balac gaya ng sinalita ni Balaam; at si Balac at si Balaam ay naghandog sa bawa't dambana ng isang toro at ng isang tupang lalake.

3 At sinabi ni Balaam kay Balac, Tumayo ka sa tabi ng iyong handog na susunugin, at ako'y yayaon; marahil ang Panginoon ay paririto na sasalubungin ako: at anomang bagay na kaniyang ipakita sa akin ay aking sasaysayin sa iyo. At siya'y naparoon sa isang dakong mataas na walang tanim.

4 At sinalubong ng Dios si Balaam: at sinabi niya sa kaniya, Aking inihanda ang pitong dambana, at aking inihandog ang isang toro at ang isang tupang lalake sa bawa't dambana.

5 At nilagyan ng Panginoon ng salita ang bibig ni Balaam, at sinabi: Bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.

6 At siya'y bumalik sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, siya at ang lahat ng mga prinsipe sa Moab.

7 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac, Niyang hari sa Moab, na mula sa mga bundok ng Silanganan: Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob. At parito ka, laitin mo ang Israel.

8 Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios? At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon?

9 Sapagka't mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya, At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan: Narito, siya'y isang bayang tatahang magisa, At hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa.

10 Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob, O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel? Mamatay nawa ako ng kamatayan ng matuwid, At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya!

11 At sinabi ni Balac kay Balaam, Anong ginawa mo sa akin? Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking mga kaaway, at, narito, iyong pinagpala silang totoo.

12 At siya'y sumagot, at nagsabi, Hindi ba nararapat na aking pagingatang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon?

13 At sinabi sa kaniya ni Balac, Isinasamo ko sa iyo, na sumama ka sa akin sa ibang dako, na iyong pagkakakitaan sa kanila; ang iyo lamang makikita ay ang kahulihulihang bahagi nila, at hindi mo makikita silang lahat: at sumpain mo sila sa akin mula roon.

14 At dinala niya siya sa parang ng Sophim, sa taluktok ng Pisga, at nagtayo roon ng pitong dambana, at naghandog ng isang toro, at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.

15 At kaniyang sinabi kay Balac, Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, samantalang aking sinasalubong ang Panginoon doon.

16 At sinalubong ng Panginoon si Balaam, at pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig, at sinabi, bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.

17 At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya. At sinabi sa kaniya ni Balac, Anong sinalita ng Panginoon?

18 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi, Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin; Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor:

19 Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?

20 Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala: At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago.

21 Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob, Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel: Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya, At ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila.

22 Dios ang naglalabas sa kanila sa Egipto; Siya'y may lakas na gaya ng mabangis na toro.

23 Tunay na walang enkanto laban sa Jacob, Ni panghuhula laban sa Israel: Ngayo'y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel, Anong ginawa ng Dios!

24 Narito, ang bayan ay tumitindig na parang isang leong babae, At parang isang leon na nagpakataas: Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli, At makainom ng dugo ng napatay.

25 At sinabi ni Balac kay Balaam, Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain.

26 Nguni't si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac, Di ba isinaysay ko sa iyo, na sinasabi, Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon, ay siya kong nararapat gawin?

27 At sinabi ni Balac kay Balaam, Halika ngayon, ipagsasama kita sa ibang dako; marahil ay kalulugdan ng Dios na iyong sumpain sila sa akin mula roon.

28 At ipinagsama ni Balac si Balaam sa taluktok ng Peor, na nakatungo sa ilang.

29 At sinabi ni Balaam kay Balac, Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.

30 At ginawa ni Balac gaya ng sinabi ni Balaam, at naghandog ng isang toro at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 4281

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

4281. 'The hollow of Jacob's thigh was out of joint as he wrestled with him' means that in the descendants of Jacob that conjunction had been thoroughly damaged and the two loves pulled apart. This becomes clear from the meaning of 'wrestling' in this sense as being pulled apart and so suffering damage. It is evident from what has been stated above in 4280 that 'the hollow of the thigh' means a joining together; and that 'Jacob' in the Word means not only Jacob but also all his descendants is clear from very many places, such as Numbers 23:7, 10, 21, 23; 24:5, 17, 19; Deuteronomy 33:10; Isaiah 40:27; 43:1, 22; 44:1-2, 21; 48:12; 59:20; Jeremiah 10:16, 25; 30:7, 10, 18; 31:7, 11; 46:27-28; Hosea 10:11; Amos 7:2; Micah 2:12; 3:8; Psalms 14:7; 24:6; 59:13; 78:5; 99:4; and in other places.

[2] Jacob and his descendants were by nature such that with them celestial and spiritual love could not be joined to natural good, that is, the internal or spiritual man could not be joined to the external or natural man. This is evident from the details told in the Word concerning that nation. For they neither knew nor wished to know what the internal or spiritual man was, and therefore that matter was not revealed to them. In fact it was their belief that nothing existed with man apart from the external and natural. Nor in all their worship did they have anything else in mind, so that Divine worship with them was wholly idolatrous; for once internal worship is separated from external, it is nothing but idolatrous. The Church which was established among them was not in fact a Church but only a representative of the Church, for which reason that Church is called a representative Church. For it was possible for a representative of the Church to exist among such people, see 1361, 3670, 4208.

[3] Indeed in representations no attention is paid to the person who represents, only to the thing represented by him. Consequently not only persons represented Divine, celestial, or spiritual things, but also inanimate objects, such as Aaron's garments, the ark, the altar, the oxen and sheep which used to be sacrificed, the lampstand with its lamps, the bread of the presence on the table of gold, the oil with which they were anointed, the frankincense, and other objects like these. This was why their kings, bad ones no less than the good, represented the Lord's kingship, and why their high priests, bad ones no less than the good, represented the things that belong to the Lord's Divine priesthood, when they performed their own function in external form according to the prescribed rules and commands. In order therefore that among them a representative of the Church might come into existence they were provided through plainly visible revelation with such prescribed rules and such laws as would be entirely representative. Therefore as long as they kept to them and strictly complied with them, those people were able to play a representative role. But when they deviated from them into the prescribed rules and laws of other nations, and in particular to the worship of another god, they deprived themselves of their ability to play that representative role. For this reason they were coerced by external means - which were captivities, calamities, threats, and miracles - into obeying laws and prescribed rules that were truly representative, not by internal means, as those people are whose external worship has internal within it. These are the considerations that are meant in the internal historical sense by the words 'the hollow of Jacob's thigh was out of joint', which sense has regard to Jacob and his descendants.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.