Bible

 

Mateo 11

Studie

   

1 At nangyari, na nang matapos nang masabi ni Jesus ang kaniyang mga utos sa kaniyang labingdalawang alagad, ay umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila.

2 Nang marinig nga ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad,

3 At sinabi sa kaniya, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?

4 At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangaririnig at nangakikita:

5 Ang mga bulag ay nangakakakita, ang mga pilay ay nangakalalakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, at ang mga patay ay ibinabangon, at sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.

6 At mapalad ang sinomang hindi makasumpong ng anomang katitisuran sa akin.

7 At samantalang ang mga ito'y nagsisiyaon ng kanilang lakad, ay nagpasimula si Jesus na magsalita sa mga karamihan tungkol kay Juan, Ano ang nilabas ninyo upang masdan sa ilang? isang tambo na inuuga ng hangin?

8 Datapuwa't ano ang nilabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan? Narito, ang mga nagsisipanamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari.

9 Datapuwa't ano ang nilabas ninyo? upang makita ang isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at lalo pang higit kay sa isang propeta.

10 Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo.

11 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya.

12 At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas.

13 Sapagka't ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula.

14 At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya'y si Elias na paririto.

15 Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay makinig.

16 Datapuwa't sa ano ko itutulad ang lahing ito? Tulad sa mga batang nangakaupo sa mga pamilihan, na sinisigawan ang kanilang mga kasama.

17 At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis.

18 Sapagka't naparito si Juan na hindi kumakain o umiinom man, at sinasabi nila, Siya'y mayroong demonio.

19 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.

20 Nang magkagayo'y kaniyang pinasimulang sumbatan ang mga bayan na pinaggagawan niya ng lalong marami sa kaniyang mga gawang makapangyarihan, sapagka't hindi sila nangagsisi.

21 Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, Bethsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo, malaon na dising nangagsisi na may mga damit na magaspang at abo.

22 Nguni't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom, kay sa inyo.

23 At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka baga hanggang sa langit? ibababa ka hanggang sa Hades: sapagka't kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo'y ginawa, ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito.

24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw ng paghuhukom, kay sa iyo.

25 Nang panahong yaon ay sumagot si Jesus at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol:

26 Oo nga, Ama, sapagka't gayon ang nakalugod sa iyong paningin.

27 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.

28 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.

29 Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.

30 Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 4859

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

4859. 'And covered herself with a veil' means the truth was rendered obscure. This is clear from the meaning of 'covering oneself (that is, covering one's face) with a veil' as concealing and so rendering obscure truth which pretended to spring from good, as immediately above in 4858. Tamar did this so that she might become joined to Judah. For when brides first approached their bridegrooms they used to cover themselves with a veil, as one reads of Rebekah doing when she came to Isaac, Genesis 24:65, by which appearances of truth were meant, see 3207. 'A wife' means truth and 'a husband' good; but because truth as it really is does not show itself before it is joined to its good, therefore - to represent this reality - brides used to cover themselves with a veil when seen for the first time by their husbands. Here Tamar acted in a similar way, for she supposed that Shelah, Judah's son, should be her husband. But because she had not been given to him she then supposed that his father should perform the duty of a husband's brother instead. Therefore she covered herself with a veil as a bride would do. She did not cover herself as a whore would have done, though Judah supposed that this was what she was because in those times whores were likewise accustomed to cover their faces, as is evident from verse 15. The reason Judah supposed she was that kind of woman was that the Jewish nation, which is there meant by 'Judah', rated the internal truths of the representative Church as low as a whore. Therefore Judah was joined to her as though she were a whore; but Tamar's joining to him was not like that. Because internal truths could not be seen by that nation in any other way than this, the words used here 'she covered herself with a veil' therefore mean that truth was rendered obscure. The fact that the truth of the Church has been rendered obscure to members of that nation is also represented at the present day in their synagogues when they cover themselves with shawls or veils.

[2] Something similar was also represented by the skin on Moses' face shining when he came down from Mount Sinai, so that he covered himself with a veil every time he spoke to the people, Exodus 34:28-end. Moses represented the Word that is called the Law, see Preface to Chapter 18; and that is why sometimes the expression 'the Law and the Prophets' is used, as in Matthew 5:17; 11:13; 22:36, 40, and sometimes 'Moses and the Prophets', as in Luke 16:29, 31; 24:27, 44. The skin shining on his face represented the inner reality of the Word, for 'the face' means that which is internal, 358, 1999, 2434, 3527, 4066, 4796, 4797; for being spiritual, that inner reality dwells in the light of heaven. The veiling of his face every time he spoke to the people represented the fact that for members of that nation internal truth was covered and thus was rendered obscure so that they would not be exposed to any light at all from it.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.