Bible

 

Levitico 4

Studie

   

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang sinoman ay magkakasala ng hindi sinasadya sa alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at gagawin ng sinoman sa kanila;

3 Kung ang pinahirang saserdote ang magkasala ng gayon na magdala ng sala sa bayan, ay maghahandog nga siya sa Panginoon dahil sa kaniyang kasalanan na ipinagkasala, ng isang guyang toro, na walang kapintasan, na pinakahandog dahil sa kasalanan.

4 At dadalhin niya ang toro sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng Panginoon: at ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng toro, at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon.

5 At ang pinahiran ng langis na saserdote ay kukuha ng dugo ng toro, at dadalhin sa tabernakulo ng kapisanan:

6 At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at magwiwisik na makapito ng dugo sa harap ng Panginoon, sa tapat ng tabing ng santuario.

7 At ang saserdote ay maglalagay ng dugong yaon sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana ng mabangong kamangyan sa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan: at lahat ng dugo ng toro ay ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

8 At aalisin ang lahat ng taba ng toro na handog dahil sa kasalanan; ang tabang nakakatakip sa lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,

9 At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin na kalakip ng mga bato,

10 Na gaya ng pagaalis ng sa toro na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: at susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambanang pagsusunugan ng handog.

11 At ang balat ng toro at ang buong laman pati ng ulo at ng mga hita, at ng lamang loob, at ng dumi,

12 Sa makatuwid baga'y ang buong toro ay ilalabas niya sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis, na pinagtatapunan ng mga abo, at doon susunugin sa apoy sa ibabaw ng kahoy: sa pinagtatapunan ng mga abo susunugin yaon.

13 At kung ang buong kapisanan ng Israel ay magkasala, at ang bagay ay malihim sa mga mata ng kapulungan, at sila'y nakagawa ng anoman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at naging salarin;

14 Pagka nakilala ang kasalanan ng kanilang ipinagkasala, ay maghahandog nga ang kapisanan ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan, at dadalhin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan.

15 At ipapatong ng mga matanda ng kapulungan, ang kanilang kamay sa ulo ng toro sa harap ng Panginoon: at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon.

16 At ang saserdoteng pinahiran ng langis ay magdadala ng dugo ng toro sa tabernakulo ng kapisanan:

17 At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at iwiwisik na makapito sa harap ng Panginoon, sa harap ng tabing.

18 At maglalagay siya ng dugo sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana na nasa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

19 At aalisin niya ang lahat ng taba niyaon, at susunugin niya sa ibabaw ng dambana.

20 Gayon ang gagawin niya sa toro; kung paano ang ginawa niya sa torong handog dahil sa kasalanan, ay gayon gagawin niya rito: at itutubos sa kanila ng saserdote, at patatawarin sila.

21 At ilalabas niya ang toro sa kampamento, at susunugin niya, na gaya ng pagkasunog sa unang toro: handog nga dahil sa kasalanan ng kapisanan.

22 Pagka ang isang pinuno ay nagkasala, at nakagawa ng hindi sinasadya sa alinman sa lahat ng bagay na iniutos ng Panginoon niyang Dios na huwag gawin, at siya'y naging salarin;

23 Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang ipinagkasala, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang lalaking kambing na walang kapintasan;

24 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing, at papatayin niya sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin sa harap ng Panginoon: handog nga dahil sa kasalanan.

25 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang dugo'y ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog.

26 At ang lahat ng taba niyaon ay susunugin niya sa dambana, na gaya ng taba ng hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan, at siya'y patatawarin.

27 At kung ang sinomang karaniwang tao sa bayan ay magkasala ng hindi sinasadya, sa paggawa sa alinman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at maging makasalanan;

28 Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang pinagkasalahan, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang babaing kambing na walang kapintasan, na dahil sa kaniyang kasalanang pinagkasalahan niya.

29 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan, at papatayin ang handog dahil sa kasalanan sa lagayan ng pagsusunugan ng handog.

30 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng dugo niyaon ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana.

31 At ang lahat ng taba niyaon ay kaniyang aalisin, na gaya ng pagaalis ng taba sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan; at susunugin ng saserdote sa dambana na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y patatawarin.

32 At kung kordero ang kaniyang dalhing pinakaalay na bilang handog dahil sa kasalanan, ay babaing walang kapintasan ang dadalhin niya.

33 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan, at papatayin na pinakahandog dahil sa kasalanan, sa pinagpapatayan ng handog na susunugin.

34 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana:

35 At ang lahat ng taba ay kaniyang aalisin, gaya ng pagkaalis ng taba sa kordero na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan; at susunugin ng saserdote sa dambana, sa ibabaw ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kasalanan na kaniyang pinagkasalahan; at siya'y patatawarin.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 10208

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

10208. 'And Aaron shall make expiation on its horns' means purification from evils by means of the truths of faith which spring from the good of love. This is clear from the meaning of 'making expiation' as purifying from evils, dealt with in 9506; from the representation of 'Aaron' as the Lord in respect of Divine Good, and in respect of the work of salvation, dealt with in 9806, 9946, 10017; and from the meaning of 'horns' as powers, dealt with in 10182, and also outer levels, 10186. The reason why purification by means of the truths of faith which spring from the good of love is meant is that expiation was made by means of blood, and 'blood' means the truth of faith emanating from the good of love, 4735, 7317, 7326, 7846, 7850, 7877, 9127, 9393, 10026, 10033, 10047; and all purification from evils is accomplished by means of the truths of faith that spring from the good of love, 2799, 5954(end), 7044, 7918, 9088. The fact that expiations were made by the blood on the horns of the altar of burnt offering and the altar of incense is clear in Leviticus 4:3, 7, 18, 25, 30, 34; 16:18.

[2] The altars were expiated in this way because holy things were polluted by the sins of the people. The people represented the Church; therefore those places which were the Church's, called its sanctuaries, such as the altar and the tent, together with their contents, were defiled whenever those people were guilty of sin; for those sanctuaries were places belonging to the Church. This is also made clear in Moses,

You shall separate the children of Israel from their uncleanness, in order that they may not die in their uncleanness when they pollute My dwelling-place which is in their midst. Leviticus 15:31.

And in another place,

Aaron shall expiate the holy place from the uncleanness of the children of Israel. Thus shall he expiate the holy sanctuary, and the tent of meeting, and the altar. Leviticus 16:16, 33.

[3] The implications of all this are that those things which are called the holy things of the Church are not holy unless they are received with holy respect; for unless they are received with that respect what is Divine does not flow into them. Anything holy that exists with people is holy only by virtue of what is Divine flowing into it; sacred shrines for example, the altars there, and the bread and wine for the Holy Supper are made holy solely by the presence of the Lord. Therefore if the Lord is unable to be present there on account of the people's sins, those things have no holiness because they lack what is Divine. Furthermore the holy things of the Church are rendered unholy by sins because sins take what is Divine away from them.

[4] This then is the reason why sanctuaries are said to have been polluted by the uncleanness of the people and why those places therefore had to be expiated annually. The reason why the expiations were made with blood on the horns of the altars and not on the altars themselves was that the horns were the extremities of them, and nothing of a person has been purified unless the extremities or what is outermost has been purified. For inner things flow into those that are outermost, but the state of the outermost conditions the inflow. Consequently if what is outermost has been perverted the things within become perverted; for when those inner things flow into outermost ones, the recipient forms into which they descend are conditioned by the state in which the outermost things exist. The situation is like that when the eye is in bad condition; the power of sight which comes from within sees things only as that eye-condition will allow. Or it is like that when the arms are in bad shape; the powers which come from within exert themselves only as that condition will allow. Consequently if the natural man has been perverted the spiritual lacks the opportunity to function properly within the natural man, and this is why the spiritual or internal man is closed.

[5] But see what has been shown already on these matters, namely the following;

If a person is to be purified the natural or external man must be purified, see the places referred to in 9325(end).

This is because the path that all influx takes is from the internal to the external, and not vice versa, 5119, 6322.

For it is on the natural level within a person that influx from the spiritual world reaches its destination, 5651.

The outward aspects of a person have been formed to serve the inward, 5947, 9216, 9828.

Thus the external man must be altogether subject to the internal, 5786, 6275, 6284, 6299.

This is because the internal man is in heaven and the external man is in the world, 3167, 10156.

And the external man by himself or left to himself alone acts contrary to the internal, 3913, 3928.

In addition to all this, see 9701-9709 stating what the internal man is and what the external man is.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.