Bible

 

Joel 2

Studie

   

1 Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na;

2 Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.

3 Isang apoy ang sumusupok sa harap nila; at sa likuran nila'y isang liyab ang sumusunog: ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila, at sa likuran nila'y isang sirang ilang; oo, at walang nakatanan sa kanila.

4 Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo; at kung paano ang mga mangangabayo, gayon sila nagsisitakbo.

5 Parang ingay ng mga karo sa mga taluktok ng mga bundok nagsisilukso sila, parang hugong ng liyab ng apoy na sumusupok sa dayami, parang isang matibay na bayan na humahanay sa pagbabaka.

6 Sa kanilang harapan ay nangahihirapan ang mga bayan; lahat ng mukha ay nangamumutla.

7 Sila'y nagsisitakbong parang mga malakas na lalake; sila'y nagsisipagalambitin sa kuta na parang mga lalaking mangdidigma; at sila'y nagsisilakad bawa't isa ng kanikaniyang mga lakad, at hindi nila binabago ang kanilang mga hanay.

8 Ni nagtutulakan mang isa'y isa; sila'y lumalakad bawa't isa sa kanikaniyang landas; at sila'y magsisisagupa sa mga almas, at hindi sila malalansag.

9 Kanilang nilulukso ang bayan; kanilang tinatakbo ang kuta; kanilang pinagaalambitinan ang mga bahay; sila'y nagsisipasok sa mga dungawan na parang magnanakaw.

10 Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:

11 At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at sinong makatatahan?

12 Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:

13 At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.

14 Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, at magsisisi, at magiiwan ng isang pagpapala sa likuran niya, ng handog na harina, at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios?

15 Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;

16 Tipunin ninyo ang bayan, banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid.

17 Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios?

18 Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan.

19 At ang Panginoon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang bayan, Narito, ako'y magdadala sa inyo ng trigo, at alak, at langis, at inyong kabubusugan; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa;

20 Kundi aking ihihiwalay na malayo sa inyo ang hukbo sa hilagaan, at aking itataboy siya sa isang lupaing basal at sira, ang kaniyang unaha'y sa dagat silanganan, at ang kaniyang pinakahuling bahagi ay sa dagat kanluran; at ang kaniyang baho ay aalingasaw, at ang masamang amoy ay iilanglang, sapagka't siya'y gumawa ng mga malaking bagay.

21 Huwag kang matakot, Oh lupain, ikaw ay matuwa at magalak; sapagka't ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay.

22 Huwag kayong mangatakot, kayong mga hayop sa parang; sapagka't ang mga pastulan sa ilang ay lumalago, sapagka't ang punong kahoy ay nagbubunga, ang puno ng higos at ang puno ng ubas ay nagbubunga.

23 Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan.

24 At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo, at ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis.

25 At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo.

26 At kayo'y magsisikaing sagana, at mangabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios, na gumawa ng kababalaghan sa inyo; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man.

27 At inyong malalaman na ako'y nasa gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Dios, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.

28 At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:

29 At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu.

30 At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok.

31 Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.

32 At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 598

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

598. 'He found grace in Jehovah's eyes' means that the Lord foresaw that the human race could in that way be saved. The mercy of the Lord entails and looks to the salvation of the whole human race; and so does His grace. Consequently, the salvation of the human race is meant. 'Noah' means not only a new Church but also the faith of that Church, which was a faith that inhered in charity. The Lord accordingly foresaw that it would be possible for the human race to be saved by means of faith that inhered in charity. Such faith will be dealt with later on.

[2] In the Word however a distinction is made between mercy and grace, a distinction which depends in fact on differences in those who are their recipients. Mercy applies to those who are celestial, but grace to those who are spiritual, for celestial people acknowledge nothing other than mercy, while spiritual acknowledge hardly anything other than grace. Celestial people do not know what grace is, while the spiritual scarcely know what mercy is, for they make mercy and grace to be one and the same. The reason for the difference springs from each one's humility. People in whom there is humility of heart plead for the Lord's mercy, but those in whom there is humility of mind (cogitatio) seek His grace. Or if the latter do plead for mercy they do so in a state of temptation or with the lips only and not with the heart. Since the new Church called Noah was not celestial but spiritual, it is not said to have found mercy but to have found grace in Jehovah's eyes.

[3] The distinction made in the Word between mercy and grace is clear from very many places where Jehovah is said to be merciful and gracious, as in Psalms 103:8; 111:4; 112:4; Joel 2:13. The same distinction is made elsewhere, as in Jeremiah,

Thus said Jehovah, The people which were left of the sword found grace in the wilderness, when He went to give rest to Israel. From afar Jehovah appeared to me. I have loved you with an everlasting love; therefore I have drawn you with mercy. Jeremiah 31:2-3.

Here 'grace' has reference to what is spiritual and 'mercy' to what is celestial. In Isaiah,

Therefore Jehovah will wait to grant you grace, and therefore He will exalt Himself to be merciful to you. Isaiah 30:18.

Here similarly 'grace' has regard to what is spiritual and 'mercy' to what is celestial. And further on [in Genesis] where Lot is addressing the angels,

Behold now, Your servant has found grace in Your eyes, and You have magnified Your mercy which You have shown to me in causing my soul to live. Genesis 19:19.

Here also it is clear that since he is spoken of as 'having found grace in Your eyes' grace has regard to spiritual things which are matters of faith or of the understanding. And since the expressions 'to have magnified mercy' and 'to have caused my soul to live' are used, it is equally clear that mercy has regard to celestial things, which are matters of love or of the will.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.