Bible

 

Jeremias 50

Studie

   

1 Ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Babilonia, tungkol sa lupain ng mga Caldeo, sa pamamagitan ni Jeremias na propeta.

2 Inyong ipahayag sa gitna ng mga bansa, at inyong itanyag, at mangagtaas kayo ng watawat; inyong itanyag, at huwag ninyong ikubli: inyong sabihin, Ang Babilonia ay nasakop, si Bel ay nalagay sa kahihiyan, si Merodach ay nanglulupaypay; ang kaniyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan, ang kaniyang mga diosdiosan ay nanganglupaypay.

3 Sapagka't mula sa hilagaan ay sumasampa ang isang bansa laban sa kaniya, na sisira ng kaniyang lupain, at walang tatahan doon: sila'y nagsitakas, sila'y nagsiyaon, ang tao at gayon din ang hayop.

4 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ang mga anak ni Israel ay magsisidating, sila, at ang mga anak ni Juda na magkakasama: sila'y magsisiyaon ng kanilang lakad na nagsisiiyak, at hahanapin nila ang Panginoon nilang Dios.

5 Kanilang ipagtatanong ang daan ng Sion, na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa dakong yaon, na magsasabi, Magsiparito kayo, at lumakip kayo sa Panginoon sa walang hanggang tipan na hindi malilimutan.

6 Ang aking bayan ay naging gaya ng nawalang tupa: iniligaw sila ng kanilang mga pastor; sila'y inilihis sa mga bundok; sila'y nagsiparoon sa burol mula sa bundok; kanilang nalimutan ang kanilang pahingahang dako.

7 Sinasakmal sila ng lahat na nangakakasumpong sa kanila; at sinabi ng kanilang mga kaaway, Kami ay walang kasalanan, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon, na tatahanan ng kahatulan, sa makatuwid baga'y sa Panginoon, na pagasa ng kanilang mga magulang.

8 Magsitakas kayo mula sa gitna ng Babilonia, at kayo'y magsilabas mula sa lupain ng mga Caldeo, at kayo'y maging gaya ng mga kambing na lalake sa harap ng mga kawan.

9 Sapagka't, narito, aking patatayuin at pasasampahin laban sa Babilonia ang isang kapulungan ng mga dakilang bansa na mula sa hilagaang lupain; at sila'y magsisihanay laban sa kaniya; mula diya'y sasakupin siya; ang kanilang mga pana ay magiging gaya sa isang magilas na makapangyarihan; walang babalik na di may kabuluhan.

10 At ang Caldea ay magiging samsam: lahat na nagsisisamsam sa kaniya ay mangabubusog, sabi ng Panginoon.

11 Sapagka't kayo ay masasaya, sapagka't kayo'y nangagagalak, Oh kayong nagsisisamsam ng aking mana, sapagka't kayo'y malilikot na parang babaing guyang baka, na yumayapak ng trigo, at humahalinghing na parang mga malakas na kabayo;

12 Ang inyong ina ay mapapahiyang lubha; siyang nanganak sa inyo ay malilito: narito, siya'y magiging pinakahuli sa mga bansa, isang gubatan, isang tuyong lupain, isang ilang.

13 Dahil sa poot ng Panginoon ay hindi tatahanan, kundi magiging lubos na sira: bawa't magdaan sa Babilonia ay matitigilan, at susutsot dahil sa kaniyang lahat na pagkasalot.

14 Magsihanay kayo laban sa Babilonia sa palibot, kayong lahat na nagsisiakma ng busog; hilagpusan ninyo siya, huwag kayong manganghinayang ng mga pana: sapagka't siya'y nagkasala laban sa Panginoon.

15 Humiyaw ka laban sa kaniya sa palibot: siya'y sumuko sa kaniyang sarili; ang kaniyang mga sanggalangang dako ay nangabuwal, ang kaniyang mga kuta ay nangabagsak: sapagka't siyang kagantihan ng Panginoon: manghiganti kayo sa kaniya; kung ano ang kaniyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya.

16 Ihiwalay ninyo ang manghahasik sa Babilonia, at siyang pumipigil ng karit sa panahon ng pagaani: dahil sa takot sa mamimighating tabak ay babalik bawa't isa sa kaniyang bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.

17 Ang Israel ay parang nakalat na tupa; itinaboy siya ng mga leon: ang unang sumakmal sa kaniya ay ang hari sa Asiria; at si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay siyang huling bumali ng kaniyang mga buto.

18 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang kaniyang lupain, gaya ng aking pagkaparusa sa hari sa Asiria.

19 At aking dadalhin uli ang Israel sa kaniyang pastulan, at siya'y sasabsab sa Carmel at sa Basan, at ang kaniyang kalooban ay masisiyahan sa mga burol ng Ephraim at sa Galaad.

20 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ang kasamaan ng Israel ay mauusig, at hindi magkakaroon ng anoman; at ang mga kasalanan ng Juda, at hindi sila masusumpungan: sapagka't aking patatawarin sila na aking iniiwan na pinakalabi.

21 Sumampa ka laban sa lupain ng Merathaim, laban doon, at laban sa mga nananahan sa Pekod: pumatay ka at manglipol na lubos na manunod sa kanila, sabi ng Panginoon, at iyong gawin ang ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo.

22 Ang hugong ng pagbabaka ay nasa lupain, at ang malaking kapahamakan.

23 Ano't naputol at nabali ang pamukpok ng buong lupa! ano't ang Babilonia ay nasira sa gitna ng mga bansa!

24 Pinaglagyan kita ng silo, at ikaw naman ay nahuli, Oh Babilonia, at hindi mo ginunita: ikaw ay nasumpungan at nahuli rin, sapagka't ikaw ay nakipagtalo laban sa Panginoon.

25 Binuksan ng Panginoon ang kaniyang lalagyan ng almas, at inilabas ang mga almas ng kaniyang pagkagalit; sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay may gawang gagawin sa lupain ng mga Caldeo.

26 Magsiparoon kayo laban sa kaniya, mula sa kahulihulihang hangganan; inyong buksan ang kaniyang mga kamalig; inyong ihagis na parang mga bunton, at siya'y inyong siraing lubos; huwag maiwanan siya ng anoman.

27 Inyong patayin ang lahat niyang mga toro; pababain sila sa patayan: sa aba nila! sapagka't ang kanilang araw ay dumating, ang araw ng pagdalaw sa kanila.

28 Inyong dinggin ang tinig nila na nagsisitakas at nagsisitahan mula sa lupain ng Babilonia, upang maghayag sa Sion ng kagantihan ng Panginoon nating Dios, ng kagantihan ng kaniyang templo.

29 Inyong pisanin ang mga mamamana laban sa Babilonia, silang lahat na nangagaakma ng busog; magsitayo kayo laban sa kaniya sa palibot; huwag bayaang mangakatanan: inyong gantihin siya ayon sa kaniyang gawa; ayon sa lahat niyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya; sapagka't siya'y naging palalo laban sa Panginoon, laban sa Banal ng Israel.

30 Kaya't mabubuwal ang kaniyang mga binata sa kaniyang mga lansangan, at ang lahat niyang lalaking mangdidigma ay madadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon.

31 Narito, ako'y laban sa iyo, Oh ikaw na palalo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo; sapagka't ang iyong kaarawan ay dumating, ang panahon na dadalawin kita.

32 At ang palalo ay matitisod at mabubuwal, at walang magbabangon sa kaniya; at ako'y magpapaningas ng apoy sa kaniyang mga bayan, at pupugnawin niyaon ang lahat na nangasa palibot niya.

33 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang mga anak ni Israel at ang mga anak ni Juda ay napipighating magkasama; at lahat na nagsikuhang bihag sa kanila ay hinahawakang mahigpit sila; ayaw pawalan sila.

34 Ang Manunubos sa kanila ay malakas; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan: kaniyang ipakikipaglabang maigi ang kanilang usap, upang mabigyan niya ng kapahingahan ang lupa, at bagabagin ang mga nananahan sa Babilonia.

35 Ang tabak ay nasa mga Caldeo, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan sa Babilonia, at sa kaniyang mga prinsipe, at sa kaniyang mga pantas.

36 Ang tabak ay nasa mga hambog, at sila'y mangahahangal, ang tabak ay nasa kaniyang mga makapangyarihan, at sila'y manganglulupaypay.

37 Ang tabak ay nasa kanilang mga kabayo, at sa kanilang mga karo, at sa buong bayang halohalo na nasa gitna niya; at sila'y magiging parang mga babae; isang tabak ay nasa kaniyang mga kayamanan, at mangananakaw;

38 Ang pagkatuyo ay nasa kaniyang tubig, at mangatutuyo; sapagka't lupain ng mga larawang inanyuan, at sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan.

39 Kaya't ang mga mabangis na hayop sa ilang sangpu ng mga lobo ay magsisitahan doon, at ang avestruz ay tatahan doon: at hindi na matatahanan kailan pa man; ni matatahanan sa sali't saling lahi.

40 Kung paanong sinira ng Dios ang Sodoma at Gomorra at ang mga kalapit bayan ng mga yaon, sabi ng Panginoon, gayon hindi tatahan doon ang sinoman, o tatahan man doon ang sinomang anak ng tao.

41 Narito, isang bayan ay dumarating na mula sa hilagaan; at isang malaking bansa, at maraming hari ay mangahihikayat mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa.

42 Kanilang iniaakma ang busog at ang sibat; sila'y mababagsik, at walang awa; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay na parang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo, Oh anak na babae ng Babilonia.

43 Nabalitaan ng hari sa Babilonia ang kabantugan nila, at ang kaniyang mga kamay ay nanghihina: pagdadalamhati ay humawak sa kaniya, at paghihirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.

44 Narito, ang kaaway ay sasampa na parang leon mula sa kapalaluan ng Jordan laban sa matibay na tahanan: nguni't bigla kong palalayasin sila sa kaniya; at ang mapili, siya kong ihahalal sa kaniya: sapagka't sinong gaya ko? at sinong magtatakda sa akin ng panahon? at sino ang pastor na tatayo sa harap ko?

45 Kaya't inyong dinggin ang payo ng Panginoon, na kaniyang ipinayo laban sa Babilonia; at ang kaniyang mga pasiyang ipinasiya niya, laban sa lupain ng mga Caldeo: Tunay na kanilang itataboy ang mga maliit sa kawan; tunay na kaniyang ipapahamak ang kanilang tahanan pati sila.

46 Sa ingay ng pagsakop sa Babilonia, ay nayayanig ang lupa, at ang hiyaw ay naririnig sa mga bansa.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Doctrine of the Sacred Scripture # 51

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 118  
  

51. 1. The Word is not understood apart from doctrine. That is because the Word in its literal sense consists of nothing but correspondent forms, in order for spiritual and celestial concepts to be present in it at the same time, and for each word to be a containing vessel and buttress of those concepts. In some places in the literal sense, therefore, we find not naked truths, but truths clothed, which we call appearances of truth. Many of these truths, too, are accommodated to the comprehension of simple folk, who do not elevate their thoughts above the kinds of things they see before their eyes. And some of them seem to involve contradictions, even though there is no contradiction in the Word when seen in its true light.

Moreover, in some places in the Prophets, we find also collections of place names and the names of people from which it is impossible to elicit any meaning, as from those passages presented in no. 15 above.

Since that is the nature of the Word in its literal sense, it can be seen therefore that it cannot be understood apart from doctrine.

[2] But let instances serve to illustrate this:

We are told that Jehovah repents (Exodus 32:12, 14, Jonah 3:9, 4:2). We are also told that Jehovah does not repent (Numbers 23:19, 1 Samuel 15:29). Without doctrine these declarations are not brought into accord.

We are told that Jehovah visits the iniquity of the fathers upon the children to the third and fourth generation (Numbers 14:18). And we are told that the father shall not die for the son, nor the son for the father, but everyone for his own sin (Deuteronomy 24:16). In the light of doctrine these declarations do not conflict, but are in harmony.

[3] Jesus says,

Ask, and it will be given to you; seek, and you will find; knock, and it will be opened to you. Everyone...who asks receives, and he who seeks finds, and to him who knocks it will be opened. (Matthew 7:7-8, cf. 21:21-22)

Without doctrine one might believe that everyone receives what he asks for. But doctrine teaches us to believe that a person is given whatever he asks for, not on his own, but in response to the Lord. For this, too, the Lord teaches:

If you abide in Me, and My words abide in you, you will ask what you will, and it shall be done for you. (John 15:7)

[4] The Lord says,

Blessed are the poor, for (theirs) is the kingdom of God. (Luke 6:20)

Without doctrine one could think that heaven is for the poor and not for the rich. But doctrine teaches us that the poor in spirit are meant, for the Lord says,

Blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven. (Matthew 5:3)

[5] The Lord says,

Judge not, that you be not judged. ...with what judgment you judge, you will be judged. (Matthew 7:1-2, cf. Luke 6:37)

Without doctrine this injunction could be used to assert that one must not say of evil that it is evil, thus that one must not judge an evil person to be evil. But in the light of doctrine one is permitted to judge, only to do so justly. For the Lord says, “judge with righteous judgment” (John 7:24).

[6] Jesus says,

...do not be called teacher; for one is your teacher, the Christ.... Do not call anyone on earth your father; for one...in heaven is your Father. And do not be called masters; for one is your master, the Christ. (Matthew 23:8-10)

Without doctrine it would not be lawful to call anyone teacher, father, or master. But we know from doctrine that it is lawful in a natural sense, but not in a spiritual sense.

[7] Jesus said to His disciples,

...when the Son of man sits on the throne of His glory, you...will also sit on twelve thrones, judging the twelve tribes of Israel. (Matthew 19:28)

One could conclude from these words that the Lord’s disciples will also sit in judgment, when in fact they can judge no one. Doctrine, therefore, must reveal this mystery by showing that the Lord alone, who is omniscient and knows the hearts of all, will judge, and that His twelve disciples mean the church in respect to all the truths and goods it has from the Lord through the Word. Doctrine concludes from this that those truths and goods will judge everyone, in accordance with the Lord’s words in John 3:17-18, 12:47-48.

[8] Someone who reads the Word apart from doctrine does not know how the declarations made in the Prophets regarding the Jewish nation and Jerusalem hang together, that the church in that nation and its seat in that city will remain to eternity, as in the following places:

...Jehovah...will visit His flock, the house of Judah, and will make them as His glorious horse in battle. From him comes the cornerstone, from him the tent peg, and from him the bow of war.... (Zechariah 10:3-4, 6-7)

...behold, I am coming to dwell in your midst.... And Jehovah will make Judah His inheritance..., and will again choose Jerusalem. (Zechariah 2:10-12)

It will come to pass in that day that the mountains shall drip with new wine, and the hills flow with milk.... But Judah shall abide forever, and Jerusalem from generation to generation. (Joel 3:18-20)

Behold, the days are coming..., that I will sow the house of Israel and the house of Judah with the seed of man..., when I will make a new covenant with the house of Israel and with the house of Judah.... And this is the covenant that I will make...: I will put My law among them, and write it on their hearts; and I will be their God, and they shall be My people. (Jeremiah 31:27, 31, 33)

In that day ten men from every language of the nations shall grasp the sleeve of a Jewish man, saying, “Let us go with you, for we have heard that God is with you.” (Zechariah 8:22-23)

And so on elsewhere, as in Isaiah 44:24, 26, 49:22-23, 65:9, 66:20, 22; Jeremiah 3:18, 23:5, 50:19-20; Nahum 1:15; Malachi 3:4. The subject in these places is the Lord’s advent, and the church’s then remaining to eternity.

[9] The opposite, however, is said in a number of other places, of which we will cite only the following: I will hide My face from them, I will see what their posterity will be, for they are a perverse generation, children in whom is no faith.... I would have said, “I will cast them into the farthest corners, I will make the memory of them to cease from among men.” ....For they are a nation void of counsel, nor is there any understanding in them.... ...their vine is of the vine of Sodom and of the fields of Gomorrah; their grapes are grapes of gall, their clusters are bitter. Their wine is the venom of dragons, and the cruel poison of asps. Is this not laid up in store with Me, sealed up among My treasures? Vengeance is Mine, and retribution. (Deuteronomy 32:20-35)

This is said of that same nation. And the like elsewhere, as in Isaiah 3:1-2, 8, 5:3-6; Deuteronomy 9:5-6; Matthew 12:39, 23:27-28; John 8:44. And everywhere in Jeremiah and Ezekiel.

But these declarations that appear contradictory will be seen to be in harmony in the light of doctrine, which teaches that Israel and Judah in the Word do not mean Israel and Judah, but the church in both senses — in one sense that it has been destroyed, and in the other that the Lord is going to establish it.

Other passages like these occur in the Word, which make clearly apparent that the Word is not understood apart from doctrine.

  
/ 118  
  

Thanks to the General Church of the New Jerusalem, and to Rev. N.B. Rogers, translator, for the permission to use this translation.