Bible

 

Jeremias 17

Studie

   

1 Ang kasalanan ng Juda ay nasulat ng panulat na bakal, at ng dulo ng diamante: nakintal sa kanilang puso, at sa mga sungay ng inyong mga dambana;

2 Habang naaalaala ng kanilang mga anak ang kanilang mga dambana at ang kanilang mga Asera sa tabi ng mga sariwang puno ng kahoy sa mga mataas na burol.

3 Oh aking bundok sa parang, aking ibibigay sa pagkasamsam ang iyong mga tinatangkilik sa lahat ng iyong lupa at ang lahat ng iyong mga kayamanan, at ang iyong mga mataas na dako, dahil sa kasalanan, sa lahat ng iyong hangganan.

4 At ikaw, sa makatuwid baga'y ang iyong sarili, mawawalaan ka ng iyong mana na ibinigay ko sa iyo; at paglilingkurin kita sa iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala: sapagka't pinapagningas ninyo ang aking galit na magniningas magpakailan man.

5 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.

6 Sapagka't siya'y magiging gaya ng kugon sa ilang, at hindi makakakita pagka ang mabuti ay dumarating, kundi tatahan sa mga tuyong dako sa ilang, lupaing maalat at hindi tinatahanan.

7 Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon.

8 Sapagka't siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at naguugat sa tabi ng ilog, at hindi matatakot pagka ang init ay dumarating, kundi ang kaniyang dahon ay magiging sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyu, o maglilikat man ng pagbubunga.

9 Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?

10 Akong Panginoon, ay sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain.

11 Kung paanong lumilimlim ang pugo sa mga itlog na hindi kaniya, gayon siya nagtatangkilik ng mga kayamanan, at hindi sa pamamagitan ng matuwid; sa kaniyang mga kaarawan ay iiwan niya yaon, at sa kaniyang wakas ay nagiging mangmang siya.

12 Ang maluwalhating luklukan, na naitaas mula nang pasimula, ay siyang dako ng aming santuario.

13 Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, na bukal ng buhay na tubig.

14 Iyong pagalingin ako, Oh Panginoon, at gagaling ako; iyong iligtas ako, at maliligtas ako: sapagka't ikaw ang aking kapurihan.

15 Narito, kanilang sinasabi sa akin, Saan nandoon ang salita ng Panginoon? paratingin ngayon.

16 Sa ganang akin, ay hindi ako nagmadali sa pagpapakapastor sa pagsunod sa iyo; o ninasa ko man ang kaabaabang kaarawan: iyong nalalaman: ang lumabas sa aking mga labi ay nasa harap ng iyong mukha.

17 Huwag maging kakilabutan sa akin: ikaw ang aking kanlungan sa araw ng kasakunaan.

18 Mangapahiya sila sa nagsisiusig sa akin, nguni't huwag akong mapahiya; manganglupaypay sila, nguni't huwag akong manglupaypay; datnan sila ng araw ng kasakunaan, at ipahamak sila ng ibayong pagkapahamak.

19 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa pintuang-bayan ng mga anak ng bayan, na pinapasukan, at nilalabasan ng mga hari sa Juda, at sa lahat ng pintuang-bayan ng Jerusalem;

20 At iyong sabihin sa kanila, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga hari sa Juda, at ng buong Juda, at ng lahat na nananahan sa Jerusalem, na nagsisipasok sa pintuang-bayang ito:

21 Ganito ang sabi ng Panginoon, Mangagingat kayo sa inyong sarili, at huwag kayong mangagdala ng pasan sa araw ng sabbath, o mangagpasok man sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem;

22 Huwag din kayong maglabas ng pasan sa inyong mga bahay sa araw ng sabbath, o magsigawa man kayo ng anomang gawain: kundi inyong ipangilin ang araw ng sabbath, gaya ng iniutos ko sa inyong mga magulang.

23 Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig, at huwag makatanggap ng turo.

24 At mangyayari, kung kayo'y mangakinig na maingat sa akin, sabi ng Panginoon, na huwag magpasok ng pasan sa mga pintuan ng bayang ito sa araw ng sabbath, kundi ipangilin ang araw ng sabbath, upang huwag gawan ng anomang gawain;

25 Kung magkagayo'y magsisipasok sa mga pintuan ng bayang ito ang mga hari at mga prinsipe na nangauupo sa luklukan ni David, na nangakakaro at nangakakabayo, sila at ang kanilang mga pangulo, ang mga lalake ng Juda, at ang mga taga Jerusalem; at ang bayang ito ay mananatili magpakailan man.

26 At sila'y manganggagaling sa mga bayan ng Juda, at sa mga palibot ng Jerusalem, at sa lupain ng Benjamin, at sa mababang lupain, at sa mga bundok, at sa Timugan, na magdadala ng mga handog na susunugin, at ng mga hain, at ng mga alay, at ng kamangyan, at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon.

27 Nguni't kung hindi ninyo didinggin ako upang ipangilin ang araw ng sabbath, at huwag mangagdala ng pasan at pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y magsusulsol ako ng apoy sa mga pintuang-bayan niyaon, at pupugnawin niyaon ang mga palacio sa Jerusalem, at hindi mapapatay.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Apocalypse Revealed # 400

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 962  
  

400. And they were cast down to the earth, and a third of the trees were burned up. This symbolically means that in people concerned with the internal elements of the church and caught up in faith alone, all affection for truth and perception of truth, which make a person a person of the church, had perished.

To be shown that the earth to which the hail and fire mingled with blood were cast down symbolizes the church among people concerned with its internal elements and caught up in faith alone, and that these are the clergy, see no. 398 above. A third part symbolizes everything in relation to truth, as a fourth part symbolizes everything in relation to goodness (no. 322). That the number three symbolizes all, completeness, and totally, will be seen in no. 505 below. A third part or a third consequently has the same symbolism.

To be burned up means, symbolically, to perish - in this case to perish by falsity springing from a hellish love, which is what is meant by hail and fire mingled with blood, as just explained in no. 399 above.

A tree symbolizes a person. And because a person is human by virtue of the affection of his will and the perception of his intellect, these also are therefore symbolized by a tree.

There is as well a correspondence between a person and a tree. Consequently in heaven one sees paradisal parks formed of trees that correspond to the affections and resulting perceptions of angels. And elsewhere, in hell, there are forests formed of trees that bear harmful fruit, in accordance with their correspondence to the lusts and resulting thoughts of the inhabitants there.

That trees in general symbolize people in respect to their affections and consequently perceptions can be seen from the following passages:

All the trees of the field shall know that I, Jehovah, bring low the tall tree and raise up the low tree, and dry up the green tree and make the dry tree burgeon. (Ezekiel 17:24)

Blessed is the man who trusts in Jehovah... He shall be like a tree planted by the waters... Nor will He cease from bearing fruit. (Jeremiah 17:7-8)

Blessed is the man...(whose) delight is in the law... He shall be like a tree planted by rivers of water, that brings forth its fruit in its season... (Psalms 1:1-3)

Praise Jehovah... you fruitful trees... (Psalms 148:7-9)

Satiated are the trees of Jehovah... (Psalms 104:16)

...the ax is laid to the root of the tree... ...every tree which does not bear good fruit will be cut down... (Matthew 3:10; cf. 7:16-20)

Either make the tree good and its fruit good, or else make the tree rotten and its fruit rotten; for a tree is known by its fruit. (Matthew 12:33, cf. Luke 6:43-44)

...I will kindle a fire..., (which) shall devour every green tree and every dry tree... (Ezekiel 20:47)

Since a tree symbolizes a person, therefore it was a statute that the fruit of a tree serving for food in the land of Canaan be uncircumcised (Leviticus 19:23-25). Furthermore, that when the people besieged a city, they not take an axe to any tree bearing good fruit (Deuteronomy 20:19-20). And still other regulations, which we do not cite here owing to their number.

  
/ 962  
  

Many thanks to the General Church of the New Jerusalem, and to Rev. N.B. Rogers, translator, for the permission to use this translation.