Bible

 

Genesis 8

Studie

   

1 At naalaala ng Dios si Noe, at ang lahat ng may buhay, at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan: at nagpahihip ang Dios ng isang hangin sa ibabaw ng lupa, at humupa ang tubig;

2 Natakpan din ang mga bukal ng kalaliman at ang mga dungawan ng langit, at napigil ang ulan sa langit;

3 At humupang patuloy ang tubig sa lupa; at kumati ang tubig pagkaraan ng isang daan at limang pung araw.

4 At sumadsad ang sasakyan nang ikapitong buwan, nang ikalabing pitong araw ng buwan, sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat.

5 At ang tubig ay nagpatuloy ng paghupa hanggang sa ikasangpung buwan: nang ikasangpung buwan, nang unang araw ng buwan, ay nakita ang mga taluktok ng mga bundok.

6 At nangyari, pagkaraan ng apat na pung araw, na binuksan ni Noe ang dungawan ng sasakyan na kaniyang ginawa:

7 At siya'y nagpalipad ng isang uwak, at ito'y nagparoo't parito hanggang sa natuyo ang tubig sa lupa.

8 At nagpalipad siya ng isang kalapati, upang tingnan kung humupa na ang tubig sa ibabaw ng lupa.

9 Datapuwa't hindi nakasumpong ang kalapati ng madapuan ng talampakan ng kaniyang paa, at nagbalik sa kaniya sa sasakyan, sapagka't ang tubig ay nangasa ibabaw pa ng buong lupa: at iniunat ang kaniyang kamay at hinawakan, at ipinasok niya sa sasakyan.

10 At naghintay pa ng muling pitong araw; at muling pinalipad ang kalapati sa labas ng sasakyan;

11 At ang kalapati ay nagbalik sa kaniya ng dakong hapon; at, narito't may dalang isang dahong sariwa ng olivo sa tuka: sa gayon ay naunawa ni Noe na humupa na ang tubig sa lupa.

12 At naghintay pang muli siya ng pitong araw; at pinalipad ang kalapati; at hindi na muling nagbalik pa sa kaniya.

13 At nangyari, nang taong ikaanim na raan at isa, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ay natuyo ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inalis ni Noe ang takip ng sasakyan at tumanaw siya, at, narito't ang ibabaw ng lupa ay tuyo.

14 At nang ikalawang buwan nang ikadalawang pu't pitong araw ng buwan, ay natuyo ang lupa.

15 At nagsalita ang Dios kay Noe, na sinasabi,

16 Lumunsad ka sa sasakyan, ikaw at ang iyong asawa, at ang iyong mga anak, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.

17 Ilabas mong kasama mo ang bawa't may buhay na kasama mo sa lahat ng laman, ang mga ibon, at ang mga hayop, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa; upang magsipanganak ng sagana sa lupa, at magpalaanakin, at mangagsidami sa ibabaw ng lupa.

18 At lumunsad si Noe, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak na kasama niya:

19 Ang bawa't hayop, bawa't umuusad, at bawa't ibon, anomang gumagalaw sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang angkan ay nangagsilunsad sa sasakyan.

20 At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon; at kumuha sa lahat na malinis na hayop, at sa lahat na malinis na ibon, at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana.

21 At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, Hindi ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao, sapagka't ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata; ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa.

22 Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 865

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

865. And he sent forth a raven, and it went forth, going and returning. That by this is signified that falsities still made disturbance, is evident from the signification of a raven and of “going forth, going and returning” concerning which more will be said hereafter. In this passage is described the second state of the man who is to be regenerated, after temptation, when the truths of faith, like the first dawning of light, begin to appear. Such is the nature of this state that falsities are continually making disturbance, so that it resembles the morning twilight, while somewhat of the obscurity of night still remains, as is here signified by a “raven.” Falsities with the spiritual man, especially before his regeneration, are like the dense spots of a cloud. The reason is that he can know nothing of the truth of faith except from what is revealed in the Word, where all things are stated in a general way; and generals are but as the spots of a cloud, for every general comprehends in it thousands and thousands of particulars, and each particular thousands and thousands of singulars, all generals being illustrated by the singulars of the particulars. These have never been so revealed to man, because they are both indescribable and inconceivable, and so can neither be acknowledged nor believed in; for they are contrary to the fallacies of the senses in which man is, and which he does not easily permit to be destroyed.

[2] It is altogether otherwise with the celestial man, who possesses perception from the Lord; for in him particulars and singulars of particulars can be insinuated. For example: that true marriage is that of one man with one wife; and that such marriage is representative of the heavenly marriage, and therefore heavenly happiness can be in it, but never in a marriage of one man with a plurality of wives. The spiritual man, who knows this from the Word of the Lord, acquiesces in it, and hence admits as a matter of conscience that marriage with more wives than one is a sin; but he knows no more. The celestial man however perceives thousands of things which confirm this general, so that marriage with more wives than one excites his abhorrence. As the spiritual man knows generals only, and has his conscience formed from these, and as the generals of the Word have been accommodated to the fallacies of the senses, it is evident that innumerable falsities, which cannot be dispersed, will adjoin and insinuate themselves into them. These falsities are here signified by “the raven which went forth, going and returning.”

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Foundation for the permission to use this translation.