Bible

 

Genesis 28

Studie

   

1 At tinawag ni Isaac si Jacob, at siya'y binasbasan, at siya'y pinagbilinan, na sinabi sa kaniya, Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan.

2 Tumindig ka, pumaroon ka sa Padan-aram, sa bahay ni Bethuel, na ama ng iyong ina, at magasawa ka roon sa mga anak ni Laban, na kapatid na lalake ng iyong ina.

3 At ikaw ay pagpalain nawa ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay palaguin, at ikaw ay paramihin, upang ikaw ay maging kapisanan ng mga bayan;

4 At ibigay nawa sa iyo ang pagpapala kay Abraham, sa iyo, at sangpu sa iyong binhi; upang iyong ariin ang lupaing iyong pinaglakbayan, na ibinigay ng Dios kay Abraham.

5 At pinapagpaalam ni Isaac si Jacob: at naparoon siya sa Padan-aram kay Laban, anak ni Bethuel na taga Siria, na kapatid ni Rebeca, na ina ni Jacob at ni Esau.

6 Nakita nga ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob, at siya'y pinaparoon sa Padan-aram, upang doon magasawa; at nang siya'y basbasan ay ipinagbilin sa kaniya, na sinasabi, Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan.

7 At sumunod si Jacob sa kaniyang ama at sa kaniyang ina, at naparoon sa Padan-aram;

8 At nakita ni Esau na hindi nakalulugod ang mga anak ng Canaan kay Isaac na kaniyang ama;

9 At naparoon si Esau kay Ismael, at nagasawa kay Mahaleth, anak ni Ismael, na anak ni Abraham, na kapatid na babae ni Nabaioth, bukod pa sa mga asawang mayroon na siya.

10 At umalis si Jacob sa Beerseba at napasa dakong Haran.

11 At dumating sa isang dako, at nagparaan ng buong gabi roon, sapagka't lumubog na ang araw; at kumuha ng isa sa mga bato sa dakong yaon, at inilagay sa kaniyang ulunan, at nahiga sa dakong yaon upang matulog.

12 At nanaginip, at narito, ang isang hagdan, na ang puno ay nasa lupa, at ang dulo ay umaabot sa langit; at narito, ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon.

13 At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;

14 At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa, at kakalat ka sa kalunuran, at sa silanganan, at sa hilagaan, at sa timugan at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa.

15 At, narito't ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, at pababalikin kita sa lupaing ito sapagka't hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo.

16 At nagising si Jacob sa kaniyang panaginip, at nagsabi, Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman.

17 At siya'y natakot, at kaniyang sinabi, Kakilakilabot na dako ito! ito'y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.

18 At si Jacob ay bumangong maaga ng kinaumagahan, at kinuha ang batong kaniyang inilagay sa ulunan niya, at kaniyang itinayo na pinakaalaala, at kaniyang binuhusan ng langis sa ibabaw.

19 At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay Betel: datapuwa't ang pangalan ng bayan nang una ay Luz.

20 At si Jacob ay nagpanata, na sinasabi, Kung sasaakin ang Dios, at ako'y iingatan sa daang ito na aking nilalakaran, at ako'y bibigyan ng tinapay na makakain, at damit na maisusuot,

21 Na ano pa't ako'y makabalik na payapa sa bahay ng aking ama, ay ang Panginoon nga ang magiging aking Dios,

22 At ang batong ito na aking itinayo na pinakaalaala ay magiging bahay ng Dios; at sa lahat ng ibigay mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasangpung bahagi ay ibibigay ko sa iyo.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 4337

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

4337. THE INTERNAL SENSE

Where Jacob is referred to in previous chapters, the subject in the internal sense has been the acquisition of truth within the Natural, an acquisition which is made there so that such truth may be joined to good; for all truth exists for the sake of that end. In the internal sense 'Jacob' is that truth, and 'Esau' is the good to which it is joined. Before the two are joined together truth seems to occupy first place, but after they have been joined good in fact does so, see 3539, 3548, 3556, 3563, 3570, 3576, 3603, 3701, 3995.

This is also what is meant by Isaac's prophecy addressed to Esau,

By your sword you will live, and you will serve your brother; and it will be, when you have dominion over him, that you will break his yoke from your neck. Genesis 27:40.

That state foretold there is the actual subject now. And this is why in verses 5, 8, 13-14 of the present chapter Jacob calls Esau his lord and himself Esau's servant

[2] It should be recognized that 'Jacob' at this point represents the good of truth. But regarded in itself such good is simply truth, for as long as truth exists solely in the memory it is referred to as truth. But once it exists in the will and as a consequence in action it is called the good of truth, for the performance of truth is nothing else. Whatever proceeds from the will is called good since in essence the will consists in love and in affection flowing from love, and everything that is done from love and attendant affection is termed good. Nor is truth able to be joined to good which flows in by way of the internal man and is Divine in origin - which good is represented here by 'Esau' - until truth exists as truth in will and action, that is, as the good of truth. For good which flows in by way of the internal man and is Divine in origin flows into the will, and there meets the good of truth which has been introduced by way of the external man.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.