Bible

 

Ezekiel 44

Studie

   

1 Nang magkagayo'y ibinalik niya ako sa daan ng pintuan sa labas ng santuario, na nakaharap sa dakong silanganan; at ito'y nasara.

2 At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang pintuang-daang ito ay sasarhan, hindi bubuksan, o papasukan man ng sinoman, sapagka't pinasukan ng Panginoon, ng Dios ng Israel; kaya't ito'y masasara.

3 Tungkol sa prinsipe, siya'y mauupo roon na pinaka prinsipe upang kumain ng tinapay sa harap ng Panginoon; siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at lalabas sa daan ding yaon.

4 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay: at ako'y tumingin, at, narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon: at nasubasob ako.

5 At ang Panginoon ay nagsabi sa akin, Anak ng tao, tandaan mong mabuti, at masdan mo ng iyong mga mata, at pakinggan mo ng iyong mga pakinig ang lahat na aking sinasabi sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng kautusan doon; at tandaan mong mabuti ang pasukan ng bahay sangpu ng bawa't labasan sa santuario.

6 At iyong sasabihin sa mapanghimagsik, sa makatuwid baga'y sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Oh kayong sangbahayan ni Israel, mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam,

7 Sa inyong pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang malagay sa aking santuario, na lapastanganin yaon, sa makatuwid baga'y ang aking bahay, pagka inyong inihahandog ang aking tinapay, ang taba at ang dugo, at sinira nila ang aking tipan, upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam.

8 At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay; kundi kayo'y nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili.

9 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Walang taga ibang lupa, na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman na papasok sa aking santuario, kahit sinomang taga ibang lupa na nasa gitna ng mga anak ni Israel.

10 Nguni't ang mga Levita na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan.

11 Gayon ma'y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario, na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay, at magsisipangasiwa sa bahay: kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan, at sila'y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila.

12 Sapagka't kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan, at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel; kaya't itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila, sabi ng Panginoong Dios, at dadanasin nila ang kanilang kasamaan.

13 At hindi sila magsisilapit sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin, o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko, sa mga bagay na kabanalbanalan; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan, at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa.

14 Gayon ma'y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay, para sa buong paglilingkod doon, at sa lahat na gagawin doon.

15 Nguni't ang mga saserdoteng Levita na mga anak na lalake ni Sadoc, na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, sila'y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin; at sila'y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo, sabi ng Panginoong Dios:

16 Sila'y magsisipasok sa aking santuario, at sila'y magsisilapit sa aking dulang, upang magsipangasiwa sa akin, at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa akin.

17 At mangyayari, na pagka sila'y magsisipasok sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, susuutan sila ng mga kayong linong kasuutan; at walang lanang dadaiti sa kanila, samantalang sila'y nagsisipangasiwa sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, at sa loob.

18 Sila'y mangagpupugong ng kayong lino sa kanilang mga ulo, at mangagtatapi ng kayong lino sa kanilang mga balakang; hindi sila mangagbibigkis ng anomang nakapagpapapawis.

19 At pagka kanilang lalabasin ang mga tao sa looban sa labas, ng bahay, kanilang huhubarin ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa, at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid; at mangagsusuot sila ng ibang mga kasuutan, upang huwag nilang banalin ang mga tao ng kanilang mga kasuutan.

20 Ni aahitan man nila ang kanilang mga ulo, ni titiisin man ang kanilang buhok ay humaba; kanila lamang gugupitan ang kanilang mga ulo.

21 Ni iinom ng alak ang sinomang saserdote pagka sila'y magsisipasok sa lalong loob na looban.

22 Ni mangagaasawa man sa babaing bao, o sa inihiwalay man: kundi sila'y magaasawa ng mga dalaga sa lahi ng sangbahayan ni Israel, o ng babaing bao na nabao sa saserdote.

23 At kanilang ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan, at ipakikilala nila sa kanila ang marumi at malinis.

24 At sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol; ayon sa aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan: at kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga palatuntunan sa lahat kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang aking mga sabbath.

25 At hindi sila magsisilapit sa alin mang patay na tao na mangagpakahawa; nguni't sa ama, o sa ina, o sa anak na lalake, o babae, sa kapatid na lalake, o babae na hindi nagkaasawa, maaaring mangagpakahawa sila.

26 At pagkatapos na siya'y malinis, sila'y bibilang sa kaniya ng pitong araw.

27 At sa kaarawan na siya'y pumasok sa santuario, sa lalong loob na looban upang mangasiwa sa santuario, siya'y maghahandog ng kaniyang handog dahil sa kasalanan, sabi ng Panginoong Dios.

28 At sila'y mangagkakaroon ng mana; ako'y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pag-aari sa Israel; ako'y kanilang pag-aari.

29 Sila'y magsisikain ng handog na harina, at ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog dahil sa pagkakasala; at bawa't bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila.

30 At ang una sa lahat na unang bunga ng bawa't bagay, at lahat na alay na bawa't bagay, sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote: inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay.

31 Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anomang bagay na namamatay sa kaniyang sarili, o nalapa, maging ibon o hayop man.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Apocalypse Revealed # 191

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 962  
  

191. "'I will make him a pillar in the temple of My God.'" This symbolically means that the truths they possess, springing from goodness derived from the Lord, sustain the Lord's church in heaven.

A temple symbolizes the church, and the temple of My God symbolizes the Lord's church in heaven. It is apparent from this that a pillar symbolizes what sustains and stabilizes the church, and that is the Divine truth in the Word.

In the highest sense, a temple symbolizes the Lord in respect to His Divine humanity, particularly in respect to Divine truth. In a representative sense, however, a temple symbolizes the Lord's church in heaven, and so also the Lord's church in the world.

That a temple in the highest sense symbolizes the Lord in respect to His Divine humanity, and particularly in respect to Divine truth, is apparent from the following passages:

(Jesus said to the Jews,) "Destroy this temple, and in three days I will raise it up." ...He was speaking of the temple of His body. (John 2:19, 21)

I saw no temple in (the New Jerusalem), for the Lord God Almighty and the Lamb are its temple. (Revelation 21:22)

Behold..., the Lord, whom you seek, will suddenly come to His temple, and the messenger of the covenant, whom you desire. (Malachi 3:1)

I will bow myself toward Your holy temple... (Psalms 138:2)

...I will look again toward Your holy temple... And my prayer went to You, to Your holy temple. (Jonah 2:4, 7)

Jehovah is in His holy temple. (Habakkuk 2:20)

The holy temple of Jehovah or of the Lord is His Divine humanity, for it is to this that people bow, look to, and pray, and not to the temple merely, as the temple is not, in itself, holy. It is called a holy temple, because holiness is predicated of Divine truth (no. 173).

"The temple that sanctifies the gold" in Matthew 23:16-17 means nothing else than the Lord's Divine humanity.

[2] That a temple in a representative sense symbolizes the Lord's church in heaven, is apparent from the following passages:

(The) voice (of Jehovah) from the temple...! (Isaiah 66:6)

...a loud voice came out of the temple of heaven... (Revelation 16:17)

The temple of God was opened in heaven, and the ark of His covenant was seen in His temple. (Revelation 11:19)

...the temple of the tabernacle of the testimony in heaven was opened. And out of the temple came the seven angels... And the temple was filled with smoke from the glory of God... (Revelation 15:5-6, 8)

I called upon Jehovah, and cried out to my God; He heard my voice from His temple... (Psalms 18:6)

I saw the Lord sitting on a throne, high and lofty, and His skirts filled the temple. (Isaiah 6:1)

[3] That a temple symbolizes the church in the world is apparent from these passages:

Our holy... temple... has become a conflagration... (Isaiah 64:11)

I will shake all nations..., that I may fill this house with glory... The glory of this latter house shall be greater than the former... (Haggai 2:7, 9)

The new temple in Ezekiel 40; 41; 42; 43; 44; 45; 46; 47; 48 describes a church to be established by the Lord. A church is also meant in Revelation 11:1 by the temple that the angel measured. So likewise elsewhere, as in Isaiah 44:28, Jeremiah 7:2-4, 9-11, Zechariah 8:9.

...the disciples (of Jesus) came up to show Him the buildings of the temple. And Jesus said to them, ."..Assuredly, I say to you, not one stone shall be left... upon another, that shall not be demolished." (Matthew 24:1-2)

The temple here symbolizes the church today; and its demolition means, symbolically, that not one stone would be left upon another. This symbolizes the end of that church, when not any truth would remain. For when the disciples spoke with the Lord about the temple, the Lord foretold the consecutive states of this church, even to its last one, or the end of the age; and the end of the age means the final period of the church, which is the one that exists today. This was represented by the destruction of that temple to its foundations.

[4] A temple has these three symbolic meanings, namely the Lord, the church in heaven, and the church in the world. Because these three are bound up together, they cannot be separated. Consequently one cannot be meant without the other. Therefore anyone who divorces the church in the world from the church in heaven, or the one or the other from the Lord, is without the truth.

The temple here means the church in heaven, because reference to the church in the world follows after this (no. 194).

  
/ 962  
  

Many thanks to the General Church of the New Jerusalem, and to Rev. N.B. Rogers, translator, for the permission to use this translation.