Bible

 

Ezekiel 37

Studie

   

1 Ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao'y puno ng mga buto.

2 At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo.

3 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam.

4 Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon.

5 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay.

6 At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

7 Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin: at habang ako'y nanghuhula, may naghinugong, at, narito, isang lindol; at ang mga buto ay nangagkalapit, buto sa kaniyang buto.

8 At ako'y tumingin, at, narito, may mga litid sa mga yaon, at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw; nguni't walang hininga sa kanila.

9 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay.

10 Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin, at ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila'y nangabuhay, at nagsitayo ng kanilang mga paa, isang totoong malaking pulutong.

11 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel: narito, kanilang sinasabi, Ang ating mga buto ay natuyo, at ang ating pagasa ay nawala; tayo'y lubos na nahiwalay.

12 Kaya't manghula ka, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking bubuksan ang inyong mga libingan, at aking pasasampahin kayo mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko; at aking dadalhin kayo sa lupain ng Israel.

13 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binuksan ang inyong libingan, at aking pinasampa kayo na mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko.

14 At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon.

15 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi:

16 At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng isang tungkod, at sulatan mo sa ibabaw, Sa Juda at sa mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama: saka kumuha ka ng ibang tungkod, at iyong sulatan: Sa Jose, na siyang tungkod ng Ephraim, at sa buong sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama:

17 At iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod, upang maging isa sa iyong kamay.

18 At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa iyo, na mangagsasabi, Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan ng mga ito?

19 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang tungkod ng Jose, na nasa kamay ng Ephraim, at ang mga lipi ng Israel na kaniyang mga kasama: at akin silang isasama roon, sa tungkod ng Juda, at gagawin ko silang isang tungkod, at sila'y magiging isa sa aking kamay.

20 At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo sa harap ng kanilang mga mata.

21 At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain:

22 At gagawin ko silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian;

23 At hindi na naman mapapahamak pa sila ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios.

24 At ang aking lingkod na si David ay magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.

25 At sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, magpakailan man: at si David na aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.

26 Bukod dito'y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man.

27 Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.

28 At malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 1888

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

1888. To illustrate that the sense of the letter of the Word is representative of Divine arcana and is the receptacle of, and thus the storehouse containing, celestial and spiritual things which are the Lord's, let two examples be taken, which will consequently reveal the position with all else The first example shows that David is not used to mean David but the Lord, the second that names mean nothing other than real things. Of David the following is said in Ezekiel,

My servant David will be King over them, and they will all have one Shepherd. They will dwell in the land, they, and their sons, and their sons' sons even for ever. And David my servant will be their Prince for ever. Ezekiel 37:24-25.

And in Hosea,

The children of Israel will return and seek Jehovah their God, and David their king. Hosea 3:5.

These promises were written by prophets who lived later than David, yet it is explicitly stated by them that he 'will be' their king and prince. From this it may become clear to anyone that in the internal sense David means the Lord. The same applies in all other places, including the historical descriptions, where David is referred to by name.

[2] As regards the names of kingdoms, regions, cities, and men meaning real things, this becomes quite clear in the Prophets. Take this single example in Isaiah,

Thus said the Lord, Jehovih Zebaoth, Do not be afraid - O My people, inhabitant of Zion - of Asshur; he will smite you with a rod, and he will lift up the staff over you in the way of Egypt. Jehovah Zebaoth will lift up the scourge over him, as when Midian was smitten in the rock of Horeb, and his rod will be over the sea, and he will lift it up in the way of Egypt. He will come against Aiath; he will pass over into Migron; he will command his arms towards Michmash. They will cross the Mabarah. Geba will be a lodging-place for us. Hormah 1 will tremble. Gibeah of Saul will flee. Make a noise with your voice, O daughter of Gallim. Hearken, O Laish. Wail, O Anathoth. Madmenah will wander about. The inhabitants of Gebim will gather themselves together. This very day he is in Nob to stay. The mountain of the daughter of Zion, the hill of Jerusalem, will shake her fist. He will cut down the entangled boughs of the wood with an axe, and Lebanon will fall by a majestic one. Isaiah 10:24, 26-34.

[3] These verses include little more than mere names, which would not make any sense at all if, without exception, those names did not mean real things; and if the mind remained fixed on those names, no acknowledgement that it was the Word of the Lord would ever be made. But who is going to believe that all those names in the internal sense contain arcana of heaven? Or that through them the state of people is described who endeavour by means of reasonings based on facts to penetrate the mysteries of faith? Or that by means of each name some particular aspect of that state is described? Or that those reasonings are dispersed by the Lord by means of the celestial things of love and the spiritual things of faith? That 'Asshur' means reasoning, which is the subject in these verses from Isaiah, becomes quite clear from what has been shown regarding 'Asshur' in 119, 1186; and that 'Egypt' means factual knowledge, from what has been shown in 1164, 1165, 1462. See these paragraphs and consider whether or not this is true. It is the same with all other names, and with individual expressions.

Poznámky pod čarou:

1. Swedenborg appears to have copied Hormah from the Schmidius Latin Bible. The Hebrew is Haramah which is generally rendered Ramah in Latin and English versions.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.