Bible

 

Ezekiel 28

Studie

   

1 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,

2 Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios;

3 Narito, ikaw ay lalong marunong kay Daniel; walang lihim na malilihim sa iyo;

4 Sa pamamagitan ng iyong karunungan, at ng iyong unawa, nagkaroon ka ng mga kayamanan, at nagkaroon ka ng ginto at pilak sa iyong mga ingatang-yaman;

5 Sa pamamagitan ng iyong dakilang karunungan at ng iyong pangangalakal ay napalago mo ang iyong mga kayamanan, at ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kayamanan;

6 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios,

7 Kaya't narito, ako'y magdadala ng mga taga ibang lupa sa iyo, na kakilakilabot sa mga bansa; at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan, at kanilang dudumhan ang iyong kaningningan.

8 Kanilang ibababa ka sa hukay; at ikaw ay mamamatay ng kamatayan niyaong nangapatay sa kalagitnaan ng mga dagat.

9 Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y Dios? nguni't ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo.

10 Ikaw ay mamamatay ng pagkamatay ng mga hindi tuli sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: sapagka't ako ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios.

11 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

12 Anak ng tao, panaghuyan mo ang hari sa Tiro, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, iyong tinatatakan ang kabuoan, na puno ng karunungan, at sakdal sa kagandahan.

13 Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda.

14 Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga.

15 Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.

16 Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya't inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga.

17 Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka.

18 Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan, sa kalikuan ng iyong pangangalakal, iyong nilapastangan ang iyong mga santuario: kaya't ako'y naglabas ng apoy sa gitna mo; sinupok ka, at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo.

19 Silang lahat na nangakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan, mangatitigilan dahil sa iyo: ikaw ay naging kakilakilabot, at ikaw ay hindi na mabubuhay pa.

20 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

21 Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa Sidon, at manghula ka laban doon,

22 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Sidon; at ako'y luluwalhati sa gitna mo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y naglapat ng kahatulan sa kaniya, at aariing banal sa kaniya.

23 Sapagka't ako'y magpaparating sa kaniya ng salot at dugo sa kaniyang mga lansangan; at ang mga may sugat ay mangabubuwal sa gitna niya, sa pamamagitan ng tabak, na nakaumang sa kaniya sa lahat ng dako; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

24 At hindi na magkakaroon pa ng dawag na nakakasalubsob sa sangbahayan ni Israel, o ng tinik mang mapangpahirap sa alin man sa nangasa palibot niya, na nagwalang kabuluhan sa kanila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios.

25 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka aking napisan ang sangbahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan, at ako'y aariing banal sa kanila sa paningin ng mga bansa, sila nga'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na kay Jacob.

26 At sila'y magsisitahang tiwasay roon, oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at mag-uubasan, at tatahang tiwasay, pagka ako'y nakapaglapat ng mga kahatulan sa lahat na nangagwawalang kabuluhan sa palibot nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios.

   

Ze Swedenborgových děl

 

True Christian Religion # 773

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 853  
  

773. The Lord's coming is for the formation of a new heaven from those who have believed in Him, and to inaugurate a new church from those who believe in Him from now on; these are the two purposes in His coming. The purpose of the actual creation of the universe was none other than the formation of a heaven of angels from human beings, one where all who believe in God might live in everlasting blessedness. For the Divine love, which is in God and in essence is God, could have no other aim; nor could the Divine wisdom, which is also in God and is God, produce any other result. It is because the creation of the universe had as its purpose a heaven of angels formed from the human race, and at the same time a church on earth, as the means by which a person may pass into heaven, and because the salvation of people, which depends upon people being born in the world, is thus a continuation of creation, that the Word in many passages speaks of creating, by which is meant forming for heaven; for example, in the following:

Create for me, God, a clean heart, and make new a steadfast spirit within me, Psalms 51:10.

You open your hand, and they are filled with good; you send forth your spirit, and they are created, Psalms 104:28, 30.

The people who are going to be created will praise Jah, Psalms 102:18.

Thus spoke Jehovah your Creator, Jacob, who formed you, Israel. I have redeemed you, I have called you by your 1 name, you are mine. Everyone who is called by my name, I have created him to my glory, Isaiah 43:1, 7.

They were prepared on the day you were created. You were perfect in your ways from the day you were created, until perversity was found in you, Ezekiel 28:13, 15.

This is said of the king of Tyre.

So that they may see, know, attend and understand, that the hand of Jehovah has done this, and the Holy One of Israel has created this, Isaiah 41:20.

From these passages it can be clear what create means in the following:

Jehovah creating the heavens and spreading out the earth, giving breath to the people upon it, and spirit to those that walk upon it, Isaiah 42:5; 45:12, 18.

Behold, I create a new heaven and a new earth. Rejoice for ever, what I am creating. Behold, I shall make Jerusalem an exultation, Isaiah 65:17-18.

Poznámky pod čarou:

1. The Latin has 'my name', but the verse is quoted elsewhere in this form.

  
/ 853  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.