Bible

 

Deuteronomio 7

Studie

   

1 Pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo, ang Hetheo, at ang Gergeseo at ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Pherezeo, at ang Heveo, at ang Jebuseo, na pitong bansang lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa iyo;

2 At pagka sila'y ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila:

3 Ni magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake.

4 Sapagka't kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila'y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo'y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin kang madali.

5 Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.

6 Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.

7 Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan:

8 Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto.

9 Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi;

10 At pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.

11 Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin.

12 At mangyayari, na sapagka't iyong dininig ang mga kahatulang ito, at iyong tinutupad at iyong ginaganap, ay tutuparin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang tipan, at igagawad ang kagandahang-loob, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang:

13 At kaniyang iibigin ka, at pagpapalain ka, at padadamihin ka: kaniya rin namang pagpapalain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis, ang karagdagan ng iyong mga bakahan, at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, upang ibigay sa iyo.

14 Magiging mapalad ka kay sa lahat ng mga bayan: walang magiging baog na babae o lalake sa inyo o sa inyong mga hayop.

15 At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa masamang sakit sa Egipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo.

16 At iyong lilipulin ang lahat ng mga bayan na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios; ang iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga dios; sapagka't magiging isang silo sa iyo.

17 Kung iyong sasabihin sa iyong puso, Ang mga bansang ito ay higit kay sa akin; paanong aking makakamtan sila?

18 Huwag kang matatakot sa kanila; iyong aalalahaning mabuti ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Faraon, at sa buong Egipto.

19 Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, at ang mga tanda, at ang mga kababalaghan, at ang makapangyarihang kamay, at ang unat na bisig, na ipinaglabas sa iyo ng Panginoon mong Dios: ay gayon ang gagawin ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bayan na iyong kinatatakutan.

20 Bukod dito'y susuguin sa kanila ng Panginoon mong Dios ang malaking putakti hanggang sa ang nangaiiwan, at nangagtatago ay mamatay sa harap mo.

21 Huwag kang masisindak sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, dakilang Dios at kakilakilabot.

22 At itataboy na untiunti ng Panginoon mong Dios ang mga bansang yaon sa harap mo: hindi mo malilipol silang paminsan, baka ang mga hayop sa parang ay kumapal sa iyo.

23 Kundi ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, at pagtataglayin sila ng isang malaking kalituhan hanggang sa sila'y mangalipol.

24 At kaniyang ibibigay ang kanilang mga hari sa iyong kamay, at iyong papawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit: walang lalaking makatatayo doon sa harap mo, hanggang sa iyong malipol sila.

25 Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay iyong susunugin sa apoy: huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios.

26 At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay, at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon: iyong lubos na kapopootan at iyong lubos na kasusuklaman, sapagka't itinalagang bagay.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 8931

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

8931. 'You have seen that I have spoken to you from heaven' means all things in the Word coming through influx from God by way of heaven. This is clear from the meaning of 'speaking from heaven', when done by Jehovah addressing members of the Church, who are represented by 'the children of Israel', 8930, as God's truth, or the Word coming from God by way of heaven. For what is spoken by Jehovah is God's truth, thus the Word existing within the Church; and what He speaks comes by way of heaven.

[2] It should be recognized that heaven does not exist in some fixed and exact location; that is, it is not up on high, as it is commonly thought to be. Rather heaven exists wherever the Divine is present. This being so, it exists with and within everyone possessing charity and faith, since charity and faith are what constitute heaven, because they are what come from the Divine. There also angels live. The truth that heaven is where the Divine, that is, the Lord, is present is evident from the fact that Mount Sinai, from which the Lord spoke, is called 'heaven' here. This also is the reason why 'Mount Sinai' means heaven, from which Divine Truth flows, 8805.

[3] The reason why all things in the Word are meant is that Jehovah or the Lord now begins to reveal the Word that is to serve the human race in what they teach and the way they live, first through Moses and later on through the Prophets. In order therefore that people might know that the Word came from the Divine by way of heaven, the Lord Himself was willing to come down and declare the Ten Commandments vocally, and in doing this to show that everything else which comes after them in the law, that is, in the Word, came in the same way through influx from the Divine by way of heaven.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 3364

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

3364. 'There was a famine in the land, in addition to the previous famine that occurred in the days of Abraham' means an absence of cognitions of faith. This is clear from the meaning of 'a famine' as an absence of cognitions, dealt with in 1460; and that an absence of cognitions of faith is meant is evident from what follows next - from the representation of 'Abimelech' and from the meaning of 'Gerar' as the things that belong to faith. 'The famine in the days of Abraham', which is mentioned in Chapter 12:10, and is dealt with in 1460, was an absence of cognitions that belong to the natural man, whereas the famine referred to here is an absence of cognitions that belong to the rational man. This is why it is said that 'there was a famine in the land, in addition to the previous famine that occurred in the days of Abraham'.

[2] The subject here in the internal sense is that the Lord received all matters of doctrine concerning faith from His own Divine; for no matter of doctrine exists, not even the smallest, that does not come from the Lord, for the Lord is doctrine itself. This is why the Lord is called the Word, for the Word is doctrine. But because everything in the Lord is Divine, and the Divine cannot be comprehended by any created being, matters of doctrine which come from the Lord, in that they present themselves before created beings, are not therefore wholly Divine truths but appearances of truth. All the same, appearances do include Divine truths within them, and because they include them, appearances also are called truths. These appearances are the subject in this chapter.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.