Bible

 

Daniel 2

Studie

   

1 At nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog.

2 Nang magkagayo'y ipinatawag ng hari ang mga mahiko, at ang mga enkantador, at ang mga manghuhula, at ang mga Caldeo, upang saysayin sa hari ang kaniyang mga panaginip. Sa gayo'y nagsipasok sila at sila'y nagsiharap sa hari.

3 At sinabi ng hari sa kanila, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at ang aking Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip.

4 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.

5 Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y pagpuputolputulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan.

6 Nguni't kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan: kaya't ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon.

7 Sila'y nagsisagot na ikalawa, at nangagsabi, Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.

8 Ang hari ay sumagot, at nagsabi. Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagka't inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay.

9 Nguni't kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka't kayo'y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya't saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon.

10 Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari, at nangagsabi, Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari, palibhasa'y walang hari, panginoon, o pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o Caldeo.

11 At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, liban ang mga dios, na ang tahanan ay hindi kasama ng tao.

12 Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa Babilonia.

13 Sa gayo'y itinanyag ang pasiya, at ang mga pantas na tao ay papatayin; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin.

14 Nang magkagayo'y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari, na lumabas upang patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia;

15 Siya'y sumagot, at nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari, Bakit ang pasiya ay totoong madalian mula sa hari? Nang magkagayo'y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay Daniel.

16 At si Daniel ay pumasok, at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon, at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.

17 Nang magkagayo'y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kaniyang mga kasama:

18 Upang sila'y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito; upang si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga pantas na tao sa Babilonia.

19 Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit.

20 Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya.

21 At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa;

22 Siya'y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay tumatahang kasama niya.

23 Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari.

24 Kaya't pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; siya'y naparoon, at nagsabi sa kaniya ng ganito, Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; dalhin mo ako sa harap ng hari, at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.

25 Nang magkagayo'y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari, at nagsabing ganito sa kaniya, Ako'y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag sa Juda, na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan.

26 Ang hari ay sumagot, at nagsabi kay Daniel, na ang pangalan ay Beltsasar, Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon?

27 Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man.

28 Nguni't may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito:

29 Tungkol sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan, kung ano ang mangyayari sa panahong darating; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari.

30 Nguni't tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay, kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso.

31 Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot.

32 Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso,

33 Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto.

34 Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag.

35 Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa.

36 Ito ang panaginip; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari.

37 Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari, na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian;

38 At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: ikaw ang ulo na ginto.

39 At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo; at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa.

40 At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik.

41 At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto.

42 At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok.

43 At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik.

44 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.

45 Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat.

46 Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya.

47 Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito.

48 Nang magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia, at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia.

49 At si Daniel ay humiling sa hari, at kaniyang inihalal, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Coronis (An Appendix to True Christian Religion) # 37

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 60  
  

37. "On a time, when I was meditating on conjugial love, the desire seized my mind of knowing what that love had been like with those who lived in the Golden Age, and what, afterwards, in the succeeding ones which are called the Silver, Copper and Iron ages. And, as I knew that all who lived well in those ages are in the heavens, I prayed to the Lord that it might be permitted me to speak with them and be instructed.

"And, lo! an angel stood by me, and said, 'I am sent by the Lord to be your guide and companion; and I will lead and accompany you, first, to those who lived in the first era, or Age, which is called the Golden.' (The Golden Age is the same as the age of the Most Ancient Church, which is meant by the head of fine gold, on the statue seen by Nebuchadnezzar in a dream - Dan. 2:32- of which we have spoken before.) The angel said, 'The way to them is laborious; it lies through a dense wood, which no one can traverse unless a guide be given him by the Lord.'

[2] "I was in the spirit, and prepared myself for the journey, and we turned our faces to the east; and as we proceeded, I saw a mountain, whose summit towered beyond the region of the clouds. We crossed a great desert, and reached a wood crowded with all kinds of trees, and dark by reason of the dense growth thereof, of which the angel told me beforehand. But that wood was intersected by numerous narrow paths. The angel said that these were so many windings of error, and that unless the eyes were opened by the Lord, and the olive-trees girt about with vine tendrils seen, and the steps led from olive-tree to olive-tree, the traveller would stray into Tartarus. This wood is of such a nature, to the end that the approach may be guarded; for no other race but the primeval one dwells on that mountain.

[3] "After we entered the wood, our eyes were opened, and we saw here and there the olive-trees entwined with vines, from which hung bunches of grapes of a dark-blue colour, and the olive-trees were arranged in perpetual windings; wherefore, we walked round and round as they came into view; and at length we saw a grove of lofty cedars, and some eagles on their branches. When he saw these, the angel said, 'Now we are on the mountain, not far from its summit.'

And we went on; and lo! behind the grove was a circular plain, where were feeding male and female lambs, which were forms representative of the state of innocence and peace of the inhabitants of the mountain.

"We crossed this plain, and lo! there were seen thousands and thousands of tents to the front, and at the sides in every direction, as far as the sight could reach. And the angel said, 'Now we are in the camp where dwell the armies of the Lord Jehovih, for so they call themselves and their habitations. These most ancient people, while they were in the world, dwelt in tents; for which reason they also dwell in them now.' But I said, 'Let us bend our way to the south, where the wiser of them dwell, that we may meet some one with whom we may enter into conversation.'

[4] "On the way, I saw at a distance three boys and three girls sitting at the door of their tent; but as we drew near, both the boys and the girls were seen as men and women of medium height. And the angel said, 'All the inhabitants of this mountain appear at a distance as young children, because they are in the state of innocence, and early childhood is the appearance of innocence.'

"On seeing us, the three men (viri) ran towards us, and said, 'Whence are you, and how have you come hither? your faces are not of the faces belonging to this mountain.'

"But the angel replied, and told the means by which we obtained access through the wood, and the reason of our coming.

"On hearing this, one of the three men invited and conducted us into his tent. The man was clad in a coat of a purple colour, and a tunic of white wool; and his wife was dressed in a crimson robe, and had, underneath, a vest of fine embroidered linen.

[5] "But inasmuch as the desire of knowing about the marriages of the most ancient people was in my mind, I looked at the husband and the wife by turns, and observed as it were a unity of their souls in their faces; and I said, 'You two are one.

"And the man answered, 'We are one; her life is in me and mine in her. We are two bodies, but one soul. There is between us a union like that of the two tents in the breast, which are called the heart and the lungs; she is the substance of my heart, and I am her lungs; but as by heart we here mean love, and by lungs wisdom-we understand the latter by the former on account of correspondence-she is the love of my wisdom, and I am the wisdom of her love. Hence, as you said, there is the appearance of the unity of our souls in our faces. Hence, it is as impossible to us, here, to look in lust upon the wife of a companion, as it is to look at the light of our heaven from the shade of Tartarus.'

"And the angel said to me, 'You hear now the speech of these angels, that it is the speech of wisdom, because they speak from causes.'

[6] "After this conversation, I saw a great light on a hill among the tents, and I asked, 'Whence is that light?'

"He said, 'From the sanctuary of our tabernacle of worship.'

"I enquired whether it was allowed to approach; and he said that it was. Then I drew near, and saw the tabernacle exactly according to the description without and within, of the Tabernacle which was set up for the Sons of Israel in the wilderness, the form of which was shown to Moses on Mount Sinai (Exod. 25:40; 26:30). I asked, further, 'What is there within, in its sanctuary, whence so great a light proceeds?'

"And he answered, 'There is a tablet, on which is written, "THE COVENANT BETWEEN THE LORD JEHOVIH AND HEAVEN."' He said no more.

"Then, also, I questioned them about the LORD JEHOVIH, whom they worship; and I said, 'Is He not God the Father, the Creator of the universe?'

"And they replied, 'He is; but, by the Lord Jehovih we understand Jehovah in His Human; for we are not able to look upon Jehovah in His inmost Divinity, except through His Human': and then they explained what they understood, and also what at this day they understand, by the

Seed of the woman trampling the serpent's head (Gen. 3:15);

namely, that the Lord Jehovih would come into the world, and redeem and save all who believed on Him, and who would believe thereafter.

"When we had finished this conversation, the man ran to his tent, and returned with a pomegranate in which was a vast number of golden seeds, which he presented to me, and I brought away: this was a token that we had been with those who lived in the Golden Age." [See the little work on CONJUGIAL LOVE , n. 75.] - For an account of the heavens of the remaining Churches which succeeded the Most Ancient, in their order, see in the same little work on CONJUGIAL LOVE (n. 76-82).

  
/ 60  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.