圣经文本

 

Genesis第45章

学习

   

1 Nang magkagayon ay hindi nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya; at sumigaw, Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap. At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid.

2 At siya'y umiyak ng malakas: at narinig ng mga Egipcio, at narinig ng sangbahayan ni Faraon.

3 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, Ako'y si Jose; buhay pa ba ang aking ama? At ang kaniyang mga kapatid ay hindi mangakasagot sa kaniya: sapagka't sila'y nagugulumihanan sa kaniyang harap.

4 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, Lumapit kayo sa akin, isinasamo ko sa inyo. At sila'y lumapit. At kaniyang sinabi: Ako'y si Jose na inyong kapatid, na inyong ipinagbili upang dalhin sa Egipto.

5 At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagka't sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay.

6 Sapagka't may dalawang taon nang ang kagutom ay nasa lupain; at may limang taon pang hindi magkakaroon ng pagbubukid, o pagaani man.

7 At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas.

8 Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios: at kaniya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa buo niyang bahay, at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto.

9 Magmadali kayo, at pumaroon kayo sa aking ama, at sabihin ninyo sa kaniya: Ganito ang sabi ng iyong anak na si Jose: Ginawa akong panginoon ng Dios sa buong Egipto: pumarito ka sa akin, huwag kang magluwat.

10 At ikaw ay tatahan sa lupain ng Gosen, at malalapit ka sa akin, ikaw at ang iyong mga anak, at ang mga anak ng iyong mga anak, at ang iyong mga kawan, at ang iyong mga bakahan, at ang iyong buong tinatangkilik.

11 At doo'y kakandilihin kita; sapagka't may limang taong kagutom pa; baka ikaw ay madukha, ikaw at ang iyong sangbahayan, at ang lahat ng iyo.

12 At, narito, nakikita ng inyong mga mata at ng mga mata ng aking kapatid na si Benjamin, na ang aking bibig ang nagsasalita sa inyo.

13 At inyong sasaysayin sa aking ama ang aking buong kaluwalhatian sa Egipto, at ang inyong buong nakita; at kayo'y magmamadali at inyong ibababa rito ang aking ama.

14 At siya'y humilig sa leeg ng kaniyang kapatid na si Benjamin, at umiyak; at si Benjamin ay umiyak sa ibabaw ng kaniyang leeg.

15 At kaniyang hinagkan ang lahat niyang kapatid, at umiyak sa kanila: at pagkatapos ay nakipagsalitaan sa kaniya ang kaniyang mga kapatid.

16 At ang kabantugang yaon ay naibalita sa sangbahayan ni Faraon, na sinasabi, Nagsidating ang mga kapatid ni Jose: at ikinalugod ni Faraon, at ng kaniyang mga lingkod.

17 At sinabi ni Faraon kay Jose, Sabihin mo sa iyong mga kapatid, Ito'y gawin ninyo: pasanan ninyo ang inyong mga hayop, at kayo'y yumaon, umuwi sa lupain ng Canaan;

18 At dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sangbahayan, at pumarito kayo sa akin: at aking ibibigay sa inyo ang pinakamabuti sa lupain ng Egipto, at kakanin ninyo ang katabaan ng lupain.

19 Ngayo'y inuutusan ka, ito'y gawin ninyo; kumuha kayo ng mga kariton sa lupain ng Egipto para sa inyong mga bata, at sa inyong mga asawa, at dalhin ninyo rito ang inyong ama, at kayo'y pumarito.

20 Huwag din ninyong lingapin ang inyong pag-aari; dahil sa ang buti ng buong lupain ng Egipto ay inyo.

21 At ginawang gayon ng mga anak ni Israel: at binigyan sila ni Jose ng mga kariton, ayon sa utos ni Faraon, at sila'y binigyan ng mababaon sa daan.

22 Sa kanilang lahat ay nagbigay siya ng mga pangpalit na bihisan; nguni't kay Benjamin ay nagbigay siya ng tatlong daang putol na pilak, at limang pangpalit na bihisan.

23 At sa kaniyang ama ay nagpadala siya ng ganitong paraan; sangpung asnong may pasang mabuting mga bagay sa Egipto, at sangpung asna na may pasang trigo at tinapay at pagkain ng kaniyang ama sa daan.

24 Sa ganito ay kaniyang pinapagpaalam ang kaniyang mga kapatid, at sila'y yumaon: at kaniyang sinabi sa kanila, Huwag kayong magkaaalit sa daan.

25 At sila'y sumumpa mula sa Egipto, at naparoon sa lupain ng Canaan, kay Jacob na kanilang ama.

26 At kanilang isinaysay sa kaniya, na sinasabi, Si Jose ay buhay pa, at siya'y puno sa buong lupain ng Egipto. At ang kaniyang puso ay nanglupaypay, sapagka't di niya pinaniwalaan sila.

27 At kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat ng salita ni Jose, na kaniyang sinabi sa kanila: nang kaniyang makita ang mga karitong ipinadala ni Jose upang dalhin sa kaniya, ay nagsauli ang diwa ni Jacob na kanilang ama.

28 At sinabi ni Israel, Siya na; si Jose na aking anak ay buhay pa: ako'y paroroon at titingnan ko siya, bago ako mamatay.

   

来自斯威登堡的著作

 

Arcana Coelestia#5962

学习本章节

  
/10837  
  

5962. 'And he sent his brothers away, and they went' means a concealment from view. This is clear from the meaning of 'sending away as removing them from himself, consequently his ceasing for that reason to be present with them any longer; and from the meaning of 'going' or going away as living, also living further away from, and abandoning too, dealt with in 3335, 3416, 3690, 4882, 5493, 5696, thus becoming concealed from view. The fact that a removal from the internal celestial and so a concealment of it is referred to now is clear from what follows in the internal sense.

[2] Anyone who does not know the nature of the state of life experienced by spirits and angels in heaven cannot know why a concealment of truth and good is referred to now, when immediately before this they had had the light of truth and good shining on them. The heavenly state is such that spirits and angels pass through morning, midday, and evening, also twilight and morning again, and so on. For them it is morning when the Lord is present, blessing them with evident happiness; and at this time they enjoy a perception of good. Midday has come when they dwell in the light of truths; and it is evening when they are removed from them, in which case the Lord seems to them to be more remote and to be concealed from them. All in heaven undergo and pass through these alternating states; without them they cannot be led to ever greater perfection. For those alternating states establish contrasts for them, and from those contrasts they gain more perfect perception, for from those contrasts they know what does not constitute happiness since they know from them what is not good and what is not true.

[3] It is astonishing, and rightly so, that one state never is or ever will be exactly like another, also that one spirit or angel does not pass through changes of state that are the same as those of another, for the reason that with respect to good and truth one spirit or angel is not exactly like another, even as no one person's face is identical to another's. Even so the Lord makes a unified whole out of those varying individuals. It is a general rule that every whole which has any specific character is made up of varying parts which are brought, as if through agreement and harmony with one another, into such a state of unanimity that they all present themselves as a unified whole. In heaven the unified whole which results or rather the process of being unified is effected by means of love and charity; see also 3241, 3267, 3744, 3745, 3986, 4005, 4149, 5598. In the Word the concealment meant by 'Joseph sent away his brothers, and they went' is called evening, which among the angels has come when they do not perceive that the Lord is present. For heaven possesses a constant perception of the Lord's presence; but when angels pass through a state in which they lack that perception they do not, as before, feel an affection for good or see truth. This causes them distress, but shortly after that, twilight comes, and so morning.

  
/10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.