圣经文本

 

Genesis第12章

学习

   

1 Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo:

2 At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran:

3 At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.

4 Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran.

5 Isinama ni Abram si Sarai na kaniyang asawa, at si Lot na anak ng kaniyang kapatid, at ang lahat ng pag-aaring kanilang natipon at ang mga taong kanilang nakuha sa Haran; at nagsialis upang pasa lupain ng Canaan; at dumating sa lupain ng Canaan.

6 At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem, hanggang sa punong encina ng More. At noo'y nasa lupaing yaon ang Cananeo,

7 At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.

8 At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kaniyang tolda, na nasa kalunuran ang Bethel, at nasa silanganan ang Hai: at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at sinambitla ang pangalan ng Panginoon.

9 At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan.

10 At nagkagutom sa lupaing yaon: at bumaba si Abram na nasok sa Egipto, upang manirahan doon; sapagka't mahigpit ang kagutom sa lupain.

11 At nangyari, nang siya'y malapit nang papasok sa Egipto, ay sinabi niya kay Sarai na kaniyang asawa, Narito, ngayon, talastas kong ikaw ay magandang babae sa tingin:

12 At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio, ay kanilang sasabihin, Ito'y kaniyang asawa; at ako'y kanilang papatayin, datapuwa't kanilang ililigtas kang buhay.

13 Isinasamo ko sa iyo, na sabihin mong ikaw ay aking kapatid, upang ako'y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang kaluluwa ko'y mabuhay dahil sa iyo.

14 At nangyari, nang pumasok si Abram sa Egipto, nakita ng mga Egipcio, na ang babae ay napakaganda.

15 At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon, at kanilang pinuri siya kay Faraon: at dinala ang babae sa bahay ni Faraon.

16 At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya: at nagkaroon si Abram ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga asno, at ng mga aliping lalake at mga alilang babae, at ng mga asna, at ng mga kamelyo,

17 At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan, ng malaking pagsalot dahil kay Sarai na asawa ni Abram.

18 At tinawag ni Faraon si Abram, at sinabi, Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo ipinahayag sa akin na siya'y iyong asawa?

19 Bakit sinabi mong siya'y aking kapatid? na ano pa't siya'y aking kinuha upang maging asawa: ngayon nga'y nariyan ang iyong asawa; siya'y kunin mo at yumaon ka.

20 At nagbilin si Faraon sa mga tao tungkol sa kaniya: at siya'y kanilang inihatid sa daan, at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang pag-aari.

   

来自斯威登堡的著作

 

Arcana Coelestia#1480

学习本章节

  
/10837  
  

1480. 'That the Egyptians saw the woman, that she was very beautiful' means that the knowledge which is comprised of cognitions is to itself highly pleasing. This is clear from what has been stated above at verse 11, to the effect that in childhood knowledge is of such a nature. Within knowledge an inclination so to speak exists - for that inclination is innate in man - which disposes it first of all to take pleasure in knowing just for the sake of knowing, and with no other end in view. This is so with everyone: his spirit takes great delight in knowing, so that it scarcely desires anything better, knowledge being its food by which it is sustained and renewed, as the external man is by earthly food. And this which nourishes his spirit is communicated to the external man to the end that the external man may be adapted so as to serve the internal. These foods exist consecutively, in the following order: Celestial food consists in every good of love and charity received from the Lord, while spiritual food consists in every truth of faith; these are the kinds of food by which angels live. From these comes the food - also celestial and spiritual, but of a lower angelic degree - by which angelic spirits live. And from this again comes celestial and spiritual food of a still lower degree, which is that of reason and from this of knowledge, by which good spirits live. Last of all comes bodily food, which is proper to man while he lives in the body. All these foods correspond to one another in a remarkable manner. From this it is also evident why and how knowledge is to itself most pleasing, for that pleasure is as appetite and taste; therefore also eating with man corresponds in the world of spirits to facts, and appetite and taste themselves to the intense desire for facts, as is clear from experience which will in the Lord's Divine mercy be presented further on.

  
/10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.