De Bijbel

 

Jeremias 51

Studie

   

1 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magbabangon laban sa Babilonia, at laban sa nagsisitahan sa Lebcamai, ng manggigibang hangin.

2 At ako'y magsusugo sa Babilonia ng mga taga ibang lupa na papalisin siya; at kanilang wawalaan ang kaniyang lupain: sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay magiging laban sila sa kaniya sa palibot.

3 Laban sa kaniya na umaakma ay iakma ng mangbubusog ang kaniyang busog, at sa kaniya na nagmamataas sa kaniyang sapyaw: at huwag ninyong patawarin ang kaniyang mga binata; inyong lipuling lubos ang buo niyang hukbo.

4 At sila'y mangabubuwal na patay sa lupain ng mga Caldeo, at napalagpasan sa kaniyang mga lansangan.

5 Sapagka't ang Israel ay hindi pinababayaan, o ang Juda man, ng kaniyang Dios, ng Panginoon ng mga hukbo; bagaman ang kanilang lupain ay puno ng sala laban sa Banal ng Israel.

6 Tumakas ka na mula sa gitna ng Babilonia, at iligtas ng bawa't tao ang kaniyang buhay; huwag kayong mangahiwalay ng dahil sa kaniyang kasamaan: sapagka't panahon ng panghihiganti ng Panginoon; siya'y maglalapat sa kaniya ng kagantihan.

7 Ang Babilonia ay naging gintong tasa sa kamay ng Panginoon, na lumango sa buong lupa: ang mga bansa ay nagsiinom ng kaniyang alak; kaya't ang mga bansa ay nangaulol.

8 Ang Babilonia ay biglang nabuwal at napahamak: inyong tangisan siya, ikuha ninyo ng balsamo ang kaniyang sakit, baka sakaling siya'y mapagaling.

9 Ibig sana nating mapagaling ang Babilonia, nguni't siya'y hindi napagaling: pabayaan siya, at yumaon bawa't isa sa atin sa kanikaniyang sariling lupain; sapagka't ang kaniyang kahatulan ay umaabot hanggang sa langit, at nataas hanggang sa mga alapaap.

10 Inilabas ng Panginoon ang ating katuwiran: magsiparito kayo, at ating ipahayag sa Sion, ang gawa ng Panginoon nating Dios.

11 Inyong patalasin ang mga pana, inyong hawakang mahigpit ang mga kalasag; pinukaw ng Panginoon ang kalooban ng mga hari ng mga Medo; sapagka't ang kaniyang lalang ay laban sa Babilonia, upang sirain: sapagka't siyang panghihiganti ng Panginoon, panghihiganti ng kaniyang templo.

12 Mangagtaas kayo ng watawat laban sa mga kuta ng Babilonia, inyong patibayin ang bantayan, inyong lagyan ng mga bantay, kayo'y mangaghanda ng mga pangbakay: sapagka't ang Panginoon ay nagpanukala at gumawa rin naman ng kaniyang sinalita tungkol sa mga nananahan sa Babilonia.

13 Oh ikaw na tumatahan sa ibabaw ng maraming tubig, sagana sa mga kayamanan, ang iyong wakas ay dumating, ang sukat ng iyong kasakiman.

14 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang sarili, na sinasabi, Tunay na pupunuin kita ng mga tao, na parang balang; at sila'y mangaglalakas ng hiyaw laban sa iyo.

15 Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay iniladlad niya ang langit.

16 Paglalakas niya ng kaniyang tinig, nagkaroon ng kagulo ng tubig sa langit, at kaniyang pinailanglang ang mga singaw mula sa mga wakas ng lupa: kaniyang iginawa ng mga kidlat ang ulan, at inilabas ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.

17 Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ginto ay nalagay sa kahihiyan dahil sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay kasinungalingan, at walang hinga sa mga yaon.

18 Ang mga yaon ay walang kabuluhan, isang gawa ng karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon ay mangalilipol.

19 Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang naganyo sa lahat ng bagay; at ang Israel ay lipi ng kaniyang mana: ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan.

20 Ikaw ay aking pangbakang palakol at mga almas na pangdigma: at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga bansa; at sa pamamagitan mo ay sisira ako ng mga kaharian;

21 At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang kabayo at ang kaniyang sakay;

22 At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang karo at ang nakasakay roon; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang lalake at ang babae; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang matanda at ang bata: at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang binata at ang dalaga;

23 At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang pastor at ang kaniyang kawan; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mangbubukid at ang kaniyang tuwang na mga baka; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga tagapamahala at ang mga kinatawan.

24 At aking ilalapat sa Babilonia at sa lahat na nananahan sa Caldea ang buo nilang kasamaan na kanilang ginawa sa Sion sa inyong paningin, sabi ng Panginoon.

25 Narito, ako'y laban sa iyo, Oh mapangpahamak na bundok, sabi ng Panginoon, na gumigiba ng buong lupa; at aking iuunat ang aking kamay sa iyo, at pagugulungin kita mula sa malaking bato, at gagawin kitang bundok na sunog.

26 At hindi ka nila kukunan ng bato na panulok, o ng bato man na mga patibayan; kundi ikaw ay magiging sira magpakailan man, sabi ng Panginoon.

27 Mangagtaas kayo ng watawat sa lupain, inyong hipan ang pakakak sa gitna ng mga bansa, magsihanda ang mga bansa laban sa kaniya, pisanin laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat, ng Minmi, at ng Aschenaz: mangaghalal ng puno laban sa kaniya; pasampahin ang mga kabayo ng parang mga uod.

28 Magsihanda laban sa kaniya ang mga bansa, ang mga hari ng mga Medo, ang mga gobernador niyaon, at ang lahat na kinatawan niyaon, at ang buong lupain na kaniyang sakop.

29 At ang lupain ay manginginig at nasa paghihirap; sapagka't ang mga pasiya ng Panginoon laban sa Babilonia ay nananayo, upang sirain ang lupain ng Babilonia, na nawalan ng mananahan.

30 Ang mga makapangyarihan ng Babilonia ay nagsisiurong sa pakikipaglaban, sila'y nanatili sa kanilang mga katibayan; ang kanilang kapangyarihan ay nanglulupaypay; sila'y naging parang mga babae: ang kaniyang mga tahanang dako ay sinilaban; ang kaniyang mga halang ay nabali.

31 Ang isang utusan ay tatakbo upang sumalubong sa iba, at isang sugo upang sumalubong sa iba, upang ibalita sa hari sa Babilonia, na ang kaniyang bayan ay nasakop sa lahat ng sulok:

32 At ang mga tawiran ay nangasapol, at ang mga tambo ay nangasunog ng apoy, at ang mga lalaking mangdidigma ay nangatakot.

33 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ang anak na babae ng Babilonia ay parang giikan ng panahong yaon ng niyayapakan; sangdali na lamang, at ang panahon ng pagaani ay darating sa kaniya.

34 Nilamon ako ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, kaniyang pinisa ako, kaniyang ginawa akong sisidlan na walang laman, ako'y sinakmal niyang parang buwaya, kaniyang binusog ang kaniyang tiyan ng aking mga masarap na pagkain; kaniyang itinakuwil ako.

35 Ang karahasang ginawa sa akin at sa aking laman ay mahulog nawa sa Babilonia, sasabihin ng taga Sion; at, Ang dugo ko ay mahulog nawa sa mga nananahan sa Caldea, sasabihin ng Jerusalem.

36 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ipakikipaglaban ang iyong usap, at igaganti kita; at aking tutuyuin ang kaniyang dagat, at gagawin ko siyang bukal na tuyo.

37 At ang Babilonia ay magiging mga bunton, tahanang dako sa mga chakal, katigilan, at kasutsutan, na mawawalan ng mananahan.

38 Sila'y magsisiangal na magkakasama na parang mga batang leon; sila'y magsisiangal na parang mga anak ng leon.

39 Pagka sila'y nag-init, aking gagawin ang kanilang kapistahan, at akin silang lalanguhin, upang sila'y mangagalak, at patutulugin ng walang hanggang pagtulog, at huwag mangagising, sabi ng Panginoon.

40 Aking ibababa sila na parang mga kordero sa patayan, mga lalaking tupa na kasama ng mga kambing na lalake.

41 Ano't nasakop ang Sesach! at ang kapurihan ng buong lupa ay nagitla! ano't ang Babilonia ay naging kagibaan sa gitna ng mga bansa!

42 Ang dagat ay umapaw sa Babilonia; siya'y natakpan ng karamihan ng mga alon niyaon.

43 Ang kaniyang mga bayan ay nasira, tuyong lupain at ilang, lupain na walang taong tumatahan, o dinaraanan man ng sinomang anak ng tao.

44 At ako'y maglalapat ng kahatulan kay Bel sa Babilonia, at aking ilalabas sa kaniyang bibig ang kaniyang nasakmal; at ang mga bansa ay hindi na bubugsong magkakasama pa sa kaniya: oo, ang kuta ng Babilonia ay mababagsak.

45 Bayan ko, magsilabas kayo sa kaniya, at lumigtas bawa't isa sa mabangis na galit ng Panginoon.

46 At huwag manganglupaypay ang inyong puso, o mangatakot man kayo sa balita na maririnig sa lupain; sapagka't ang balita ay darating na isang taon, at pagkatapos niyaon ay darating sa ibang taon ang isang balita, at ang pangdadahas sa lupain, pinuno laban sa pinuno.

47 Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, na ako'y maglalapat ng kahatulan sa mga larawang inanyuan sa Babilonia; at ang kaniyang buong lupain ay mapapahiya; at ang lahat ng mapapatay sa kaniya ay mangabubulagta sa gitna niya.

48 Kung magkagayo'y ang langit at ang lupa, at lahat na nandoon, magsisiawit dahil sa Babilonia sa kagalakan; sapagka't ang mga manglilipol ay darating sa kaniya mula sa hilagaan, sabi ng Panginoon.

49 Kung paanong ibinuwal ng Babilonia ang namatay sa Israel, gayon mabubuwal sa Babilonia ang namatay sa buong lupain.

50 Kayong nangakatanan sa tabak, magsiyaon kayo, huwag kayong magsitigil; inyong alalahanin ang Panginoon sa malayo, at pasukin ang inyong pagiisip ng Jerusalem.

51 Kami ay nangapahiya, sapagka't kami ay nangakarinig ng kakutyaan; kalituhan ay tumakip sa aming mga mukha: sapagka't ang mga taga ibang lupa ay pumasok sa mga santuario ng bahay ng Panginoon.

52 Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y maglalapat ng kahatulan sa kaniyang mga larawang inanyuan; at sa buong lupain niya ay dadaing ang nasugatan.

53 Bagaman ang Babilonia ay umilanglang hanggang sa langit, at bagaman kaniyang patibayin ang kataasan ng kaniyang kalakasan, gayon ma'y darating sa kaniya ang mga manglilipol na mula sa akin, sabi ng Panginoon.

54 Ang ingay ng hiyaw na mula sa Babilonia, at ng malaking paglipol na mula sa lupain ng mga Caldeo!

55 Sapagka't ang Panginoon ay nananamsam sa Babilonia, at nanglilipol doon ang dakilang tinig; at ang mga alon ng mga yaon ay nagsisihugong na parang maraming tubig; ang hugong ng kanilang kaingay ay lumabas:

56 Sapagka't ang manglilipol ay dumating doon, sa Babilonia, at ang mga makapangyarihang lalake niyaon ay nangahuli, ang kanilang mga busog ay nagkaputolputol: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng mga kagantihan, siya'y tunay na magbabayad.

57 At aking lalanguhin ang kaniyang mga prinsipe at ang kaniyang mga pantas, ang kaniyang mga gobernador at ang kaniyang mga kinatawan, at ang kaniyang mga makapangyarihan; at siya'y matutulog ng walang hanggang pagtulog, at hindi magigising, sabi ng Hari, na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo.

58 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang makapal na kuta ng Babilonia ay lubos na magigiba, at ang kaniyang mga mataas na pintuang-bayan ay masusunog ng apoy; at ang mga tao ay magpapagal sa walang kabuluhan, at ang mga bansa sa apoy; at sila'y mangapapagod.

59 Ang salita na iniutos ni Jeremias na propeta kay Seraias na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, ng siya'y pumaroon sa Babilonia na kasama ni Sedechias na hari sa Juda, nang ikaapat na taon ng kaniyang paghahari. Si Seraias nga ay punong bating.

60 At sinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat na kasamaan na darating sa Babilonia, ang lahat na salitang ito na nasusulat tungkol sa Babilonia.

61 At sinabi ni Jeremias kay Seraias, Pagdating mo sa Babilonia, iyo ngang tingnan na iyong basahin ang lahat na mga salitang ito,

62 At iyong sabihin, Oh Panginoon, ikaw ay nagsalita tungkol sa dakong ito, upang iyong ihiwalay, upang walang tumahan doon, maging tao o hayop man, kundi masisira magpakailan man.

63 At mangyayari, pagkatapos mong bumasa ng aklat na ito, na iyong tatalian ng bato, at ihahagis mo sa gitna ng Eufrates:

64 At iyong sasabihin, Ganito lulubog ang Babilonia, at hindi lilitaw uli dahil sa kasamaan na aking dadalhin sa kaniya; at sila'y mapapagod. Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias.

   

Van Swedenborgs Werken

 

Arcana Coelestia #9295

Bestudeer deze passage

  
/ 10837  
  

9295. This second feast, which was called 'the feast of the harvest of the firstfruits of works', also 'of the firstfruits of wheat' as well as 'the feast of weeks', means the planting of truth in good. This is clear from the establishment of it, spoken of in Moses as follows,

Say to the children of Israel, When you have come into the land which I am giving you, and you reap its harvest, you shall bring a sheaf of the firstfruits of your harvest to the priest, who shall wave the sheaf before Jehovah, so that you may be acceptable; on the day after the sabbath the priest shall wave it. And you shall offer on that day a he-lamb 1 as a burnt offering, also a minchah and a drink-offering. But you shall not eat bread or parched ears or green ones until that very day. After this you shall count for yourselves from the day after the sabbath, from the day you bring the sheaf of the wave-offering, seven sabbaths shall there be complete. Until the day after the seventh sabbath you shall count fifty days, and offer a new gift to Jehovah. You shall bring from your dwellings the bread of the wave-offering; it shall be baked with yeast, as firstfruits to Jehovah. Besides the bread you shall offer seven lambs, one young bull, and two rams, as a burnt offering, together with their minchah and drink-offering. Leviticus 23:10-21; Deuteronomy 16:9-12.

[2] No one can know what the meaning is of these details except from their internal sense. In that sense the seeds which are sown in the field are truths of faith which are planted in good. Harvest means their growing ripe when forms of good develop from them; for wheat and barley are forms of good, and ears containing them are truths accordingly linked to good. A sheaf is an ordered sequence and bringing together of such truths; for the truths have been arranged into sheaf-like groups. Waving means giving life to, for truths with a person are not living ones until they are rooted in good. The priest who waved the sheaf, that is, who gave life to forms of the good of truth, represented the Lord; for He is the Source of life in its entirety. Doing this on the day after the sabbath meant the holiness of goodness and truth joined together. Their not being permitted before then to eat bread, parched ears, or green ones meant not making the life of good their own before then, bread being the good of love, parched ears the good of charity, green ones the good of truth, and eating making one's own. The requirement that from then seven sabbaths were to be counted until the feast, which therefore was held on the fiftieth day, meant a complete planting of truth in good until the first phase of a new state. Bread made with yeast which was offered then meant good not as yet completely purified. The waving of it meant giving it life. The burnt offering of the lambs, young bull, and rams, together with minchah and drink-offerings meant worship of the Lord that has all the essential characteristics of that good. These are the things that are meant by this feast and what happened then. And from all this it is evident that a second state in deliverance from damnation was meant, which was a state when truth was planted in good.

[3] Since this feast was called the feast of the firstfruits of harvest one needs to know what 'harvest' means in the Word. In a broad sense 'the field' that contains the harvest means the whole human race or the whole world, in a less broad sense the Church, in a narrower sense a member of the Church, and in an even narrower sense the good present in a member of the Church since this good receives the truths of faith as the field receives seeds. From the meaning of 'the field' it is evident what 'harvest' means. That is to say, in the broadest sense it means the state of the whole human race in respect of its reception of good through truth, in a less broad sense the state of the Church in respect of the reception of the truths of faith in good, in a narrower sense the state of a member of the Church in respect of that reception, and in a still narrower sense the state of good in respect of the reception of truth, and so the planting of truth in good.

[4] All this shows what 'harvest' means in the following places, as in Matthew,

He who sows the good seed is the Son of Man; the field is the world; the seed is the sons of the kingdom; the tares are the sons of the kingdom of the evil one; 2 the enemy who sows them is the devil; but the harvest is the close of the age, while the harvesters are the angels. Matthew 13:37-39.

'The good seed' is the truths of faith received from the Lord; 'the Son of Man' is the Lord in respect of the Church's truths; 'the world' which 'the field' stands for is the entire human race; 'the sons of the kingdom' whom 'the seed' stands for are the Church's truths of faith; 'the sons of the kingdom of the evil one' whom 'the tares' stand for are the Church's falsities of faith; 'the devil' whom 'the enemy' stands for and who sows them is hell; 'the close of the age' which 'the harvest' stands for is the final state of the Church in respect of the reception of the truths of faith in good; and 'the angels' whom 'the harvesters' stand for are truths from the Lord. That such things are meant by those words spoken by the Lord may be recognized from their internal sense indicated throughout this explanation of them. All this also shows the manner in which the Lord spoke when He was in the world, namely by the use of images that carried a spiritual meaning, and the reason why He did so was in order that the Word might exist not only for the world but also for heaven.

[5] In Revelation,

An angel came out of the temple, crying with a loud voice to him who sat on the cloud, Thrust in 3 your sickle and reap, for the hour of harvesting has come for you; for the harvest of the earth has become dry. The one sitting on the cloud therefore thrust 4 his sickle into the earth, and the earth was harvested. Revelation 14:15-16.

'The harvest' here also stands for the final state of the Church in respect of the reception of the truths of faith in good. In Joel,

The priests have been mourning, the ministers of Jehovah. The field has been devastated, the land has been mourning because the grain has been laid waste, the new wine has failed, the oil languishes. Farmers have been put to shame, vinedressers have wailed over the wheat and over the barley, for the reason that the harvest of the field has perished. Joel 1:9-11.

This describes the ruination of the Church in respect of truths of faith and forms of the good of charity by means of such things as belong to the field, vineyard, and olive-grove. The Church itself is 'the field', and its final state, which the Lord called 'the close of the age', is 'the harvest'.

[6] In the same prophet,

Send out the sickle, for the harvest is ripe. Come, go down, for the winepress is full, the vats overflow - for great is their wickedness. Joel 3:13.

Here also 'the harvest' means the close of the age or final state of a Church laid waste. In Jeremiah,

Cut off the sower from Babel, and the one handling the sickle in the time of harvest. Jeremiah 50:16.

In the same prophet,

The daughter of Babel is like a threshing-floor; it is time to thresh her. Only a little while, and the time of harvest comes [to her]. Jeremiah 51:33.

'The time of harvest' stands for the final state of the Church there.

[7] In Isaiah,

Wail, O ships of Tarshish! For Tyre has been laid waste, so that there is no house nor anyone to go in. The inhabitants of the island are silent, O merchant of Sidon passing over the sea; they have replenished you. And through the great waters the seed of Shihor is the harvest of the Nile, her produce, to be the merchandise of nations. Isaiah 23:1-3.

The holy things of the Church that are described in these verses cannot be known to anyone except from the internal sense. Everyone knows that the holy things of heaven and of the Church are present throughout the Word, and that for this reason the Word is holy. The literal sense of those verses describes things connected with the commerce of Tyre and Sidon, but without a holy and more internal sense those descriptions are not holy. What their meaning is in this more internal sense is evident if they are brought to the surface. 'Ships of Tarshish' are doctrinal teachings about truth and good; 'Tyre and Sidon' are cognitions or knowledge of goodness and truth; 'no house, so that there is not anyone to go in' means that there is no longer any good in which truth can be planted; 'the inhabitants of the island who are silent' are more remote forms of good; 'the seed of Shihor' is true factual knowledge; and 'the harvest of the Nile, her produce' is good resulting from that knowledge, outside the Church.

Voetnoten:

1. literally, son of a lamb

2. The Latin means the sons of that of the evil one. Swedenborg derives this wording from the Latin Bible of Sebastian Schmidt. The Greek means simply the sons of the evil one.

3. literally, Send

4. literally, sent

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.