Biblija

 

Ezekiel 33

Studija

   

1 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

2 Anak ng tao, salitain mo sa mga anak ng iyong bayan, at sabihin mo sa kanila, Pagka aking dinala ang tabak sa lupain, kung ang bayan ng lupain ay kumuha ng isang lalake sa gitna nila, at ilagay na pinakabantay nila;

3 Kung, pagkakita niya ng tabak na dumarating sa lupain, kaniyang hipan ang pakakak, at magbigay alam sa bayan;

4 Sinoman ngang makarinig ng tunog ng pakakak, at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya, ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo.

5 Narinig niya ang tunog ng pakakak, at hindi pinansin; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya; sapagka't kung siya'y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay.

6 Nguni't kung makita ng bantay na dumarating ang tabak, at hindi humihip ng pakakak, at ang bayan ay hindi napagbigyang alam, at ang tabak ay dumating, at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila; siya'y nahiwalay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay.

7 Sa gayo'y ikaw, anak ng tao, ay inilagay ko na bantay sa sangbahayan ni Israel; kaya't dinggin mo ang salita sa aking bibig, at magbigay alam ka sa kanila sa ganang akin.

8 Pagka aking sinabi sa masama, Oh masamang tao, ikaw ay walang pagsalang mamamatay, at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng kaniyang lakad: ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay.

9 Gayon ma'y kung iyong bigyang alam ang masama ng kaniyang lakad upang humiwalay, at hindi niya hiniwalayan ang kaniyang lakad; mamamatay siya sa kaniyang kasamaan, nguni't iniligtas mo ang iyong kaluluwa.

10 At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang inyong sinasalita, na sinasabi, Ang aming pagsalangsang, at ang aming mga kasalanan ay nangasa amin, at aming pinanglulupaypayan; paano ngang kami ay mangabubuhay?

11 Sabihin mo sa kanila, Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel?

12 At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan, Ang katuwiran ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kaniya sa kaarawan ng kaniyang pagsalangsang; at tungkol sa kasamaan ng masama, hindi niya kabubuwalan sa araw na kaniyang hiwalayan ang kaniyang kasamaan; ni ikabubuhay man ng matuwid ang kaniyang katuwiran sa araw na siya'y magkasala.

13 Pagka aking sasabihin sa matuwid na siya'y walang pagsalang mabubuhay; kung siya'y tumiwala sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, anoman sa kaniyang mga matuwid na gawa ay hindi aalalahanin; kundi sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa doon siya mamamatay.

14 Muli, pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; kung kaniyang iwan ang kaniyang kasalanan, at gawin ang tapat at matuwid;

15 Kung isauli ng masama ang sanla, ibigay uli ang kinuha sa pagnanakaw, lumakad sa palatuntunan ng buhay, na di gumawa ng kasamaan, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.

16 Wala sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang nagawa na aalalahanin laban sa kaniya; kaniyang ginawa ang tapat at matuwid; siya'y walang pagsalang mabubuhay.

17 Gayon ma'y sinabi ng mga anak ng iyong bayan, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid: nguni't tungkol sa kanila, ay hindi matuwid ang kanilang lakad.

18 Pagka iniwan ng matuwid ang kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, kaniyang ikamamatay yaon.

19 At kung hiwalayan ng masama ang kaniyang kasamaan, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ikabubuhay yaon.

20 Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, aking hahatulan kayo bawa't isa, ayon sa kaniyang mga lakad.

21 At nangyari, nang ikalabing dalawang taon ng ating pagkabihag, nang ikasangpung buwan; nang ikalimang araw ng buwan, na isa na nakatanan mula sa Jerusalem ay naparoon sa akin, na nagsasabi, Ang bayan ay nasaktan.

22 Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan, bago dumating ang nakatanan; at ibinuka niya ang aking bibig, hanggang sa siya'y dumating sa akin nang kinaumagahan; at ang aking bibig ay nabuka at hindi na ako pipi.

23 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

24 Anak ng tao, ang nagsisitahan sa mga gibang dakong yaon ng lupain ng Israel, ay nangagsasalita, na sinasabi, Si Abraham ay iisa, at kaniyang minana ang lupain: nguni't tayo'y marami; ang lupain ay ibinigay sa ating pinakamana.

25 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo'y nagsisikain ng may dugo, at itinataas ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diosdiosan, at nagbububo ng dugo: at inyo bagang aariin ang lupain?

26 Kayo'y nagsisitayo sa inyong tabak, kayo'y nagsisigawa ng kasuklamsuklam, at nanirang puri bawa't isa sa inyo ng asawa ng kaniyang kapuwa: at inyo bagang aariin ang lupain?

27 Sabihin mong ganito sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Buhay ako, walang pagsalang silang nangasa mga ibang dako ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at siyang nasa luwal na parang ay ibibigay ko sa mga hayop upang lamunin, at silang nangasa mga katibayan at sa mga yungib ay mangamamatay sa salot.

28 At aking gagawing sira ang lupain at katigilan; at ang kahambugan ng kaniyang lakas ay maglilikat; at ang mga bundok ng Israel ay mangasisira, na walang dadaan.

29 Kung magkagayo'y malalaman nila na ako ang Panginoon, pagka aking ginawang sira at katigilan ang lupain, dahil sa lahat nilang kasuklamsuklam na kanilang nagawa.

30 At tungkol sa iyo, anak ng tao, pinagsasalitaanan ka pa ng mga anak ng iyong bayan sa siping ng mga pader at sa mga pintuan ng mga bahay, at nangagsasalitaan na bawa't isa'y sa kaniyang kapatid, na sinasabi, Pumarito ka, isinasamo ko sa iyo, at dinggin mo kung ano ang salita na nanggagaling sa Panginoon.

31 At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating, at sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan, at kanilang dinidinig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa; sapagka't sila'y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig, nguni't ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang.

32 At, narito, ikaw ay parang masayang awit sa kanila na may maligayang tinig, at nakatutugtog na mabuti sa panugtog; sapagka't kanilang naririnig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa.

33 At pagka ito'y nangyari, (narito, nangyayari,) kanila ngang malalaman na isang propeta ay napasa gitna nila.

   

Iz Swedenborgovih djela

 

Apocalypse Explained #649

Proučite ovaj odlomak

  
/ 1232  
  

649. Verse 7. And when they shall have finished their testimony, signifies in the end of the church, when the Divine of the Lord is no longer acknowledged, and thence there is no longer any good of love or truth of doctrine. This is evident from the signification of "testimony," as being the acknowledgment of the Divine in the Lord, and thence of the good of love and truth of doctrine (of which presently), and from the signification of "to finish it," as being to bring to an end; and as this comes to an end at the end of the church; "to finish" here signifies the end of the church; and as there is then no longer any acknowledgment of the Divine in the Lord, there is therefore no good of love or truth of doctrine.

[2] That this is the signification of "testimony," can be seen from what has been thus far said about "the two witnesses," namely, that by them the good of love and charity and the truth of doctrine and faith are meant, because these are what especially testify concerning the Lord, for they are from the Lord, and are His with man; therefore "their testimony" signifies preaching concerning these. That "testimony" here signifies the acknowledgment of the Divine in the Lord is evident from what follows in Revelation:

That the testimony of Jesus is the spirit of prophecy (Revelation 19:10).

For unless a man acknowledges this from the heart, and believes it from spiritual faith, he can have no ability to receive the good of love or the truth of doctrine.

[3] At the end of the church indeed the Lord is preached, and from doctrine a Divine is also attributed to Him like the Divine of the Father; yet scarcely anyone thinks of His Divine, for the reason that they place it above or outside of His Human; therefore they do not look to the Lord when they look to His Divine, but to the Father as to another, and yet the Divine that is called the Father is in the Lord, as He Himself teaches in John 10:30, 38; 14:7. For this reason men think of the Lord in the same way as they think of a common man, and from that thought their faith flows, however much they may say with the lips that they believe in His Divine. Let anyone explore, if he can, the idea of his thought about the Lord, whether it be not such. But when it is such man cannot be conjoined to the Lord by faith and love, nor through conjunction receive any good of love or truth of faith. This, then, is why there is at the end of the church no acknowledgment of the Lord, that is, of the Divine in the Lord and from the Lord. It is believed that there is an acknowledgment of the Divine of the Lord, because such is the doctrine of the church; but so long as His Divine is separated from His Human, His Divine is yet not acknowledged interiorly but only exteriorly, and to acknowledge exteriorly is to acknowledge with the mouth only and not with the heart, or in speech only and not in faith.

[4] That this is so can be seen from Christians in the other life, where the thoughts of the heart are manifested. When they are permitted to speak from doctrine and from what they have heard from preaching they attribute a Divine to the Lord, and call it their belief; but when their interior thought and faith are explored they have no other idea of the Lord than as of a common man who has no Divine. It is man's interior thought that is the source of his faith; and as such is the thought and consequent faith of man's spirit, there is plainly no acknowledgment of the Divine in the Lord and from the Lord in the Christian world at the end of the church. In other words, there is an external acknowledgment of the Divine of the Lord, but no internal, and an external acknowledgment is of the natural man alone, while internal acknowledgment is of his very spirit; and after death the external acknowledgment is put to sleep, while the internal is the acknowledgment of his spirit. From this it can in some measure be seen how what follows is to be understood, namely, "the beast that cometh up out of the abyss shall overcome and kill the two witnesses," and their "bodies shall be seen upon the street of the city that is called Sodom and Egypt," and afterwards that "the spirit of life entered into them."

  
/ 1232  
  

Thanks to the Swedenborg Foundation for their permission to use this translation.

Biblija

 

Jeremiah 12:4

Studija

       

4 How long shall the land mourn, and the herbs of the whole country wither? for the wickedness of those who dwell therein, the animals are consumed, and the birds; because they said, He shall not see our latter end.