Biblija

 

Exodo 33

Studija

   

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, sumampa ka mula rito, ikaw at ang bayan na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto, na patungo kayo sa lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na aking sinasabi, Sa iyong binhi ay aking ibibigay.

2 At aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo: at aking palalayasin ang Cananeo, ang Amorrheo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo:

3 Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot: sapagka't hindi ako sasampa sa gitna mo; sapagka't ikaw ay bayang may matigas na ulo; baka ikaw ay aking lipulin sa daan.

4 At nang marinig ng bayan ang masasamang balitang ito, ay nanangis sila: at walang taong nagsuot ng kaniyang mga pahiyas.

5 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo sa mga anak ni Israel, Kayo'y isang bayang may matigas na ulo: kung ako'y sumampa sa gitna mo na sangdali, ay lilipulin kita: kaya't ngayo'y alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang aking maalaman kung anong aking gagawin sa iyo.

6 At ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb.

7 Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento, na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon, Tabernakulo ng kapisanan. At nangyari na bawa't magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan, na nasa labas ng kampamento.

8 At nangyari, pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda, na ang buong bayan ay bumabangon at tumatayo, bawa't lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda.

9 At nangyari, pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises.

10 At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, na bawa't isa'y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda.

11 At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.

12 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.

13 Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay iyong bayan.

14 At kaniyang sinabi, Ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan.

15 At sinabi niya sa kaniya, Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito.

16 Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa?

17 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.

18 At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.

19 At kaniyang sinabi, Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan.

20 At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay.

21 At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan:

22 At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan:

23 At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha ay hindi makikita.

   

Biblija

 

Genesis 50:24

Studija

       

24 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.

Iz Swedenborgovih djela

 

Arcana Coelestia #5057

Proučite ovaj odlomak

  
/ 10837  
  

5057. I once saw a mortar, standing by which there was a man who had an instrument made of iron. In his delusion the man thought he was pounding human beings in the mortar, tormenting them dreadfully. He took great delight in what he was doing, and that delight was communicated to me to enable me to know the nature of it and how strong it was in people of his kind. It was a hellish delight, and angels told me that it was the kind that reigned among the descendants of Jacob. These never felt more delighted than when they could treat gentile nations in a cruel fashion, exposing those they had slain to be devoured by wild animals and by birds, cutting up with saws and axes those who were still alive, and making them pass through the brickkiln, 2 Samuel 12:31, also striking little children and hurling them to the ground. No one has ever been commanded to behave in these ways, nor has anyone ever been permitted to do so other than the kind of people in whom the nerve in the thigh has been put out of joint, 5051. Such spirits live beneath the right heel, where the adulterers who are also cruel dwell.

[2] In view of this it is astonishing that anyone should ever believe that that nation was chosen or elected in preference to any other one. Believing that they were so elected many people go on to convince themselves of the idea that one's life is of no consequence at all but that election and consequent acceptance into heaven is attributable to mercy alone, irrespective of the life one has led. Yet anyone of sound reason can see that to think in that way is to think contrary to the Divine. The Divine is mercy itself, and therefore if the attainment of heaven were attributable to mercy alone irrespective of the life one leads, all would be accepted, no matter how many these might be. To thrust anyone down into hell to suffer torment there, when it was possible for him to be received into heaven, would not be mercy but the opposite of mercy, and to elect one in preference to another would not be righteousness but the opposite of righteousness.

[3] Consequently those who have believed and convinced themselves of the idea that some have been elected and the rest have not been elected, also of the idea that admittance into heaven is attributable solely to mercy regardless of the life they have led, have been for the most part the kind of people who have led evil lives. These are told, as I have also heard and seen on several occasions, that the Lord never refuses anyone entrance into heaven, and that if they like they can find this out from experience. They are therefore raised up into some community of heaven whose inhabitants have led their lives under the influence of an affection for good, that is, they have led charitable lives. But when those raised up arrive there they begin, being evil, to suffer pain and inner torment because their life is contrary to that of heaven. And when heavenly light shines on them they look in that light like devils that are almost wholly devoid of human appearance. Some have sunken faces; some are all teeth, looking like crates; and some, who are different again, look like monsters. Thus they are horrified at themselves and hurl themselves headfirst into hell; and the deeper they can go, the better it is for them.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.