1
Nang magkagayo'y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig, na nagsasabi, Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan , na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay .
2
At narito, anim na lalake ay nagsipanggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan , na nalalagay sa dako ng hilagaan, na bawa't isa 'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay ; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. At sila'y nagsipasok, at nagsitayo sa siping ng tansong dambana.
3
At ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay umilanglang mula sa kerubin , na kinapapatungan, hanggang sa pintuan ng bahay : at kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran.
4
At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan , sa gitna ng Jerusalem , at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon.
5
At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata , o kayo man ay mahabag;
6
Lipulin ninyong lubos ang matanda , ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae ; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay .
7
At sinabi niya sa kanila, Lapastanganin ninyo ang bahay , at punuin ninyo ng patay ang mga looban: magsilabas kayo. At sila'y nagsilabas, at nanakit sa bayan .
8
At nangyari, habang sila'y nananakit, at ako'y naiwan, na ako'y nasubasob, at sumigaw ako, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! iyo bagang lilipulin ang buong nalabi sa Israel , sa iyong pagbubugso ng iyong kapusukan sa Jerusalem ?
9
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel at ni Juda ay totoong malaki , at ang lupain ay puno ng dugo , at ang bayan ay puno ng kasuwailan: sapagka't kanilang sinasabi, Pinabayaan ng Panginoon ang lupa , at hindi nakikita ng Panginoon .
10
At tungkol sa akin naman, ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako, kundi aking ipadadanas ang kanilang lakad sa kanilang ulo .
11
At, narito, ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran, nagbalita ng bagay; na sinabi, Aking ginawa na gaya ng iniutos mo sa akin.