圣经文本

 

Genesis第19章

学习

   

1 At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa;

2 At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo'y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag.

3 At kaniyang pinakapilit sila; at sila'y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila'y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain.

4 Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot;

5 At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila.

6 At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya.

7 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan.

8 Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan.

9 At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan.

10 Datapuwa't iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan.

11 At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, ang munti't malaki: ano pa't sila'y nangayamot sa paghahanap ng pintuan.

12 At sinabi ng mga lalake kay Lot, Mayroon ka pa ritong kamaganakan? Ang iyong mga manugang, at ang iyong mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng iyong tinatangkilik sa bayan: ay ipagaalis mo sa dakong ito:

13 Sapagka't aming lilipulin ang dakong ito dahil sa napakalakas ang kanilang sigaw sa harap ng Panginoon; at kami ay sinugo ng Panginoon upang aming lipulin.

14 At si Lot ay lumabas, at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae, at sinabi, Magtindig kayo, magsialis kayo sa dakong ito; sapagka't gugunawin ng Panginoon ang bayan. Datapuwa't ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya.

15 At nang umumaga ay pinapagmadali ng mga anghel si Lot, na sinasabi, Magbangon ka, ipagsama mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae na narito, baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan.

16 Datapuwa't siya'y nagluluwat; at hinawakan ng mga lalake ang kaniyang kamay, at ang kamay ng kaniyang asawa, at ang kamay ng kaniyang dalawang anak na babae; sa habag sa kaniya ng Panginoon: at siya'y kanilang inilabas, at siya'y kanilang inilagay sa labas ng bayan.

17 At nangyari, na nang sila'y mailabas na nila, ay sinabi, Itakas mo ang iyong buhay; huwag kang lumingon o huminto man sa buong kapatagan; tumakas ka hanggang sa bundok, baka ikaw ay mamatay.

18 At sinabi sa kanila ni Lot, Huwag ganiyan, panginoon ko:

19 Narito, ngayo't ang lingkod mo ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, at pinakalaki mo ang iyong awang ipinakita sa akin sa pagliligtas ng aking buhay; at ako'y di makatatakas sa bundok, baka ako'y abutan ng sama, at ako'y mamatay.

20 Narito, ang bayang ito ay malapit takasan at maliit: Oh tulutan mong tumakas ako roon, (di ba yao'y maliit?) at mabubuhay ako.

21 At sinabi sa kaniya, Narito, sa bagay mang ito ay pinayagan din kita, na hindi ko gugunawin ang bayang iyong sinalita.

22 Magmadali ka, tumakas ka roon; sapagka't wala akong magagawa hanggang sa dumating ka roon. Kaya't ang pangalang itinawag sa bayang yaon ay Zoar.

23 Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar.

24 Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;

25 At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.

26 Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, at naging haliging asin.

27 At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon.

28 At siya'y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra, at sa buong lupain ng Kapatagan, at tumanaw, at narito, ang usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno.

29 At nangyari, na nang gunawin ng Dios ang mga bayan ng Kapatagan, na naalaala ng Dios si Abraham, at pinalabas si Lot, mula sa gitna ng pinaggunawan, nang gunawin ang mga bayan na kinatitirahan ni Lot.

30 At sumampa si Lot mula sa Zoar at tumira sa bundok, at ang kaniyang dalawang anak na babae na kasama niya; sapagka't siya'y natakot na tumira sa Zoar: at siya'y tumira sa isang yungib, siya at ang kaniyang dalawang anak na babae.

31 At sinabi ng panganay sa bunso: Ang ating ama ay matanda, at walang lalake sa lupa na sumiping sa atin, ayon sa ugali ng sangkalupaan:

32 Halika, painumin natin ng alak ang ating ama, at tayo'y sumiping sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama.

33 At pinainom nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at pumasok ang panganay at sumiping sa kaniyang ama; at hindi naalaman, ng ama nang siya'y mahiga ni nang siya'y magbangon.

34 At nangyari nang kinabukasan, na sinabi ng panganay sa bunso. Narito, ako'y sumiping kagabi sa aking ama; painumin din natin ng alak sa gabing ito; at pumasok ka, at sumiping ka sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama.

35 At pinainom din nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at nagtindig ang bunso, at sumiping sa ama; at hindi naalaman ng ama nang siya'y mahiga, ni nang siya'y magbangon.

36 Sa ganito'y kapuwa nagdalangtao ang mga anak ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama.

37 At nanganak ang panganay ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang ngalang Moab: na siya ngang ama ng mga Moabita, hanggang sa araw na ito.

38 At ang bunso ay nanganak din ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalang Ben-ammi: na siya ngang ama ng mga anak ni Ammon, hanggang ngayon.

   

来自斯威登堡的著作

 

Arcana Coelestia#2363

学习本章节

  
/10837  
  

2363. 'Let me now bring them out to you' means blessedness from these, that is to say, from the affections for good and for truth. This is clear from the meaning of these words when they have reference to the affections meant here by 'daughters'. As regards what is actually involved in all this - that is to say, in the reality that blessedness and happiness lie solely within the affection for good and for truth - all are completely ignorant who are immersed in and take delight in evil. The blessedness lying within the affection for good and for truth is seen by them either as something that does not exist, or as something dreary. By some it is seen to be something painful, or even deadly. This is so with the genii and spirits in hell. They imagine and believe that if the joy belonging to self-love and love of the world were withdrawn from them, and consequently the joy belonging to evils resulting from those loves, no life would be left to them. But when they are shown that such a withdrawal is the starting-point to life itself, bringing blessedness and happiness within, they experience a certain sadness at the loss of their own joy. And when they are brought into the company of others whose lives are such, pain and torment take hold of them. In addition they also start to feel at the same time within themselves something death-like and dreadfully hellish. For this reason they refer to heaven, where that blessedness and happiness reside, as their hell, and insofar as they are able to remove and hide themselves from the Lord's face they go as far away as they can.

[2] Nevertheless everything that is blessed and happy lies in the affection for the good which flows from love and charity, and in the affection for truth that constitutes faith, insofar as such truth leads on to that good. This becomes clear from the fact that heaven, that is, angelic life, lies in everything blessed and happy and also from the fact that its influence is felt from things that are inmost, since it flows in from the Lord by way of inmost things, see 540, 541, 545. At the same time wisdom and intelligence enter in and fill the inner recesses of the mind itself, kindling good with heavenly flame and truth with heavenly light. And this is accompanied by a perception of blessing and happiness which can only be called indescribable. People who have entered this state perceive how empty, how dreary, and how deplorable the life is of those who are subject to evils resulting from self-love and love of the world.

[3] So that anyone may recognize the nature of this life, that is to say, the life of self-love and love of the world, or what amounts to the same, the life that goes with arrogance, greed, envy, hatred, revenge, ruthlessness, and adultery, let him who has the ability to do so caricature for himself some of these evils. Or if he is able, let him paint a picture that accords with the ideas he can get of it from experience, knowledge, and reason. He will in that case see, insofar as his drawing or painting of it is accurate, how shocking those evils are and that they are devilish forms with nothing human in them. After death all who perceive joy in such evils become devilish forms such as these. And the greater their joy the more dreadful those forms are.

[4] But on the other hand if he caricatures love and charity for himself or also finds an expression of it for himself in some outward form, he will see, insofar as his drawing or portrayal is accurate, that it is an angelic form full of blessed and beautiful things, which has what is heavenly and Divine within it. Can anyone believe that those two forms are able to exist side by side, or that the devilish form can be thrown off and transformed into one of charity, and that this can be achieved by means of faith to which the life is contrary? For after death everyone's life, or what amounts to the same, his affection, remains. At that time the nature of affection determines the nature of all his thought, and consequently his faith, which manifests itself as it had existed in his heart.

  
/10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.