Biblija

 

Genesis 26

Studija

   

1 At nagkagutom sa lupain, bukod sa unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.

2 At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag kang bumaba sa Egipto; matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo:

3 Matira ka sa lupaing ito, at ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka't sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama;

4 At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;

5 Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.

6 At tumahan si Isaac sa Gerar.

7 At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa; at sinabi niya, Siya'y aking kapatid; sapagka't natakot na sabihin, Siya'y aking asawa: baka ako'y patayin, aniya, ng mga taong tagarito, dahil kay Rebeca; dahil sa siya'y may magandang anyo.

8 At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa.

9 At tinawag ni Abimelech si Isaac, at sa kaniya'y sinabi, Narito, tunay na siya'y iyong asawa: at bakit sinabi mo, Siya'y aking kapatid? At sumagot sa kaniya si Isaac, Sapagka't sinabi ko, Baka ako'y mamatay dahil sa kaniya.

10 At sinabi ni Abimelech, Ano itong ginawa mo sa amin? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa, at sa gayon ay pinapagkasala mo kami.

11 At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan, na sinabi, Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin.

12 At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon, at umani siya ng taong yaon, ng tigisang daan at pinagpala siya ng Panginoon.

13 At naging dakila ang lalake at lalo't lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila.

14 At siya'y may tinatangkilik na mga kawan, at mga tinatangkilik na mga bakahan, at malaking sangbahayan: at kinainggitan siya ng mga Filisteo.

15 Lahat ng mga balon ngang hinukay ng mga bataan ng kaniyang ama, nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama, ay pinagtabunan ng mga Filisteo, na mga pinuno ng lupa.

16 At sinabi ni Abimelech kay Isaac; Humiwalay ka sa amin, sapagka't ikaw ay makapupong matibay kay sa amin.

17 At umalis si Isaac doon, at humantong sa libis ng Gerar, at tumahan doon.

18 At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama; sapagka't pinagtabunan ng mga Filisteo, pagkamatay ni Abraham: at kaniyang mga pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama.

19 At humukay sa libis ang mga bataan ni Isaac, at nangakasumpong doon ng isang balon ng tubig na bumubukal.

20 At nakipagtalo ang mga pastor ni Gerar sa mga pastor ni Isaac, na sinasabi, Amin ang tubig; at kaniyang tinawag ang pangalan ng balon, na Esec; sapagka't ipinakipagkaalit sa kaniya.

21 At sila'y humukay ng ibang balon; at kanilang pinagtalunan din: at kaniyang tinawag ang pangalan na Sitnah.

22 At bumunot siya roon, at humukay ng ibang balon; at hindi nila pinagtalunan: at kaniyang tinawag ang pangalan na Rehoboth; at kaniyang sinabi, Sapagka't ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan, at lalago tayo sa lupain.

23 At mula roon ay umahon siya sa Beerseba.

24 At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod.

25 At si Isaac ay nagtayo roon ng isang dambana, at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon, at itinindig niya roon ang kaniyang tolda: at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon.

26 Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo.

27 At sinabi sa kanila ni Isaac, Bakit kayo naparirito sa akin, dangang kayo'y nangapopoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa inyo?

28 At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo:

29 Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon.

30 At pinaghandaan niya sila, at sila'y nagkainan at naginuman.

31 At sila'y gumising ng madaling araw, at sila'y nagpanumpaan: at sila'y pinagpaalam ni Isaac, at nagsialis na payapa sa kaniya.

32 At nangyari, nang araw ding yaon, na nagsidating ang mga bataan ni Isaac, at siya'y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay, at sinabi sa kaniya, Nakasumpong kami ng tubig.

33 At tinawag niyang Seba: kaya't ang pangalan ng bayang yaon ay Beerseba hanggang ngayon.

34 At nang si Esau ay may apat na pung taon ay nagasawa kay Judit, na anak ni Beeri na Heteo, at kay Basemat na anak ni Elon na Heteo:

35 At sila'y nakasama ng loob kay Isaac at kay Rebeca.

   

Iz Swedenborgovih djela

 

Arcana Coelestia #3573

Proučite ovaj odlomak

  
/ 10837  
  

3573. And kiss me my son. That this signifies whether it can be united, is evident from the signification of “kissing;” as being unition and conjunction from affection. “Kissing,” which is an outward thing, signifies nothing else than the affection of conjunction, which is an inward thing; they also correspond. As is evident from what has been said above, the subject here treated of in the supreme sense is the glorification of the natural in the Lord, that is, how the Lord made the natural in Himself Divine; but in the representative sense the subject is the regeneration of the natural in man, thus the conjunction of the natural with the rational; for the natural is not regenerated until it has been conjoined with the rational. This conjunction is effected by the immediate and mediate influx of the rational into the good and truth of the natural; that is to say, from the good of the rational immediately into the good of the natural, and through this into the truth of the natural; and mediately through the truth of the rational into the truth of the natural, and thence into the good of the natural-which conjunctions are here treated of.

[2] These conjunctions are impossible except by means provided by the Divine, and indeed by such as are utterly unknown to man, and of which he can scarcely have any idea by means of the things of the world’s light, that is, which are of the natural lumen with him; but only by means of the things which are of the light of heaven, that is, which are of rational light. Nevertheless all these means have been disclosed in the internal sense of the Word, and are manifest before those who are in that sense, thus before the angels, who see and perceive innumerable things on this subject, of which scarcely one can be unfolded and explained in a manner suited to the apprehension of man.

[3] But from effects and the signs thereof it is in some measure manifest to man how the case is with this conjunction; for the rational mind (that is, man’s interior will and understanding) ought to represent itself in the natural mind just as this mind represents itself in the face and its expressions, insomuch that as the face is the countenance of the natural man, so the natural mind should be the countenance of the rational mind. When the conjunction has been effected, as is the case with those who have been regenerated, then whatever man interiorly wills and thinks in his rational presents itself conspicuously in his natural, and this latter presents itself conspicuously in his face. Such a face have the angels; and such a face had the most ancient people who were celestial men, for they were not at all afraid that others should know their ends and intentions, inasmuch as they willed nothing but good; for he who suffers himself to be led by the Lord never intends or thinks anything else. When the state is of this character, then the rational as to good conjoins itself immediately with the good of the natural, and through this with its truths; and also mediately through the truth that is conjoined with itself in the rational with the truth of the natural, and through this with the good therein; and in this way the conjunction becomes indissoluble.

[4] But how far man is at this day removed from this state, thus from the heavenly state, may be seen from the fact that it is believed to be of civil prudence to speak, to act, and also to express by the countenance, something else than what one thinks and intends, and even to dispose the natural mind in such a manner that together with its face it may act contrary to the things which it interiorly thinks and wills from an end of evil. To the most ancient people this was an enormous wickedness, and such persons were cast out from their society as devils. From these things, as from effects and their signs, it is evident in what consists the conjunction of the rational or internal of man as to good and truth with his natural or external man; and thus what is the quality of a man-angel, and what the quality of a man-devil.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Foundation for the permission to use this translation.