Ang Katapusan og Sanglibutan at ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon

    | By Rev. Merlita Rogers
     

Ang sermon sa umagang ito ay tungkol sa Katapusan ng Sanglibutan at ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon sa balat ng lupa.

Maraming mga Iglesia ang naniniwala na ang daigdig na ito ay matatapos at ang Panginoon ay darating upang Siyang maghari dito sa sangkalupaan. Nang nakaraang taon , bago lumipat ang taong 2013, pinaguusapan sa umpukan ng mga tao na malapit na, ang katapusan ng sanglibutan at ang pagdating ang Panginoon. Karamihan ng mga tao noong year 2000 siguradong-sigurado sila na darating na ang Panginoon; subalit ang Panginoon ay hindi nila nakita na dumating. At simula ng taong 2000, tuwing lilipat ang bagong taon, samakatwid baga ay tuwing buwan ng Enero, ay maraming naghahanda (ready) na darating na ang Panginoon; subalit ang Panginoon na kanilang hinihintay na darating at makikita nila ng mukhaan ay hindi dumating. Kung gayon, mali ba ang hula tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon? Mali ba ang Kasulatan?

Ang Banal na Kasulatan ay mula sa Panginoon na kung gayon ang mga nilalaman ay mga katotohanan. Ang pangunawa ng mga tao sa mahihiwagang salita ng Panginoon, ang may kamalian.

Ang pinagsasaligan ng maraming manananampalata sa kanilang paghihintay ay nasusulat sa Mga Gawa (1:11) at sa Mateo (24:29-30)

Sa Manga Gawa (1:11) ay ganito ang sinasabi; "Kayong manga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit. Itong si Jesus na tinanggap sa langit mula sa inyo ay pariritong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit."

Sa aklat ni Mateo (24:29,30) ganito naman ang sinasabi: "Datapwat karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at manga lalaglag ang mga bituin sa lupa mula sa langit at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit; at kung magkagayon ay lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit, at kung magkagayon'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa at mangakikita nila ang Anak ng tao na paparitong sumasa mga alapaap ng langit."

Dahil sa mga salitang ito ay maraming mga mananampalataya ang nangaghihintay ng katapusan ng sanglibutan at ng ikalawang pagparito ng Dios sa balat ng lupa. Ang mga apostoles man ng Panginoon ng kanilang kapanahunan ay nangaghintay din ng ikalawang pagparito ng Panginoon. Si Santiago sa kaniyang pangangaral ay pinapaghanda niya ang kaniyang mga inaaralan (to be ready) sapagkat ang Panginoon ay malapit ng dumating, that He may come at any moment. Gayon din ang paniniwala ni Apostol Pablo, sa sa mga taga Thessalonica na in their life time ay makikita nila ang pagdating ng Panginoon, sapagkat nasusulat sa Mateo 24:34-35; “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito. Ang langit at ang lupa ay lilipas datapwat ang aking mga salita ay hindi lilipas.” Na “hindi matitikman sa ano mang paraan ang kamatayan hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kanyang kaharian.”(Mateo 16:28)

Dahil sa mga salitang ito, ang mga apostoles ng Panginoon ay nangaghintay din subalit ang Panginoon ay hindi dumating sa kapanahunan ng mga apostoles at magpahanggang ngayon na mahigit ng dalawang libong taon ang nakaraan, ay hindi pa rin natutupad ang hulang ito, na makikita ng kanilang mga mata ang pagdating ng Panginoon. At patuloy na mabibigo ang mga naghihintay sa Pangalawang Pagparito ng Panginoon in person, sapagkat imposible na ang mga salitang ito ay maganap sa literal sense.

Una : Saan manggagalingan ang Panginoon kung bababa Siya dito sa lupa at makikita Siya ng mga mata ng mga tao? Where would He come from? Sa Manga Awit ni Haring David (Awit 139:7-10) ay sinabi niya; “Saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? Kung sumampa ako sa langit, nandiyan Ka; kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito Ikaw ay nandoon. Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa pinakadulong bahagi ng dagat; Doon may papatnubayan ako ng iyong kamay……”

Kapag sinabing dumating ka sa isang dako ang lugad na iyong pinuntahan ay wala ka doon; subalit ang Panginoon ay divine and infinite. He is Omnipresent. He is everywhere. So where would He be coming from if the Lord is everywhere? So it presents a problem in the natural sense ang ikalawang pagparito ng Panginoon sa balat ng lupa. Subalit kung liliwanagin ang Ikalawang Pagdating ng Panginoon sa sentido spiritual ang hulang ito ay maliliwanagan; “sapagkat ang titik ay pumapatay, datapwat ang espiritu ay nagbibigay ng buhay,” (2Corinthians 3:6).

Pangalawa: ang Panginoon ay nasa Kanyang Kabanalan at Kaluwalhatian nang Siya ay umakyat sa langit. In His glorification the material body He assumed became immaterial and immortal, replacing the material substance with divine substance, kung kayat hindi siya makikita ng mga tao ng kanilang natural na mga mata.

Another problem about the concept na makikita Siya ng mga tao sa Kanyang pagparito in literal, na nasusulat sa Mateo 24:29-30, “Karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at mga lalaglag ang mga bituin sa lupa mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit; at kung magkagayon ay lilitaw ang tanda ng anak ng tao sa langit; at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa at mangakikita nila ang Anak ng tao na paparitong sumasa mga alapaap ng langit.”

Napagaralan natin sa Science in the school, na ang mga bituin ay marami at mas malalaki kaysa earth; na ang earth ang pinakamaliit sa lahat ng mga planetas. Kung ang mga bituin na ito na mas malalaki at marami ay lumagpak sa earth, madudurog ang mundo at gayon din ang mga tao sa balat ng lupa.

Another problem taking this passage in the natural sense is, “the fact that the highest mountain is only visible from a comparatively small portion of the earth surface;” na kung gayon ang mga tao na nasa opposite side of the earth ay hindi makikita ang pagbaba ng Panginoon; at gayon din iba-iba ang panahon at oras sa ibat-ibang bansa. Halimbawa, gabi sa USA, araw naman sa Pilipinas, madaling araw sa ibang panig ng daigdig, at ang karamihan ng mga tao ay natutulog pa. Kayat ang literal na fulfillment ng Ikalawang Pagparito ng Panginoon in Person ay hindi mangyayari; at kontra scientifically at kontra sa panahon.

Unawain natin ang Unang Pagparito ng Panginoon, upang maunawaan ang Kanyang Ikalawang Pagparito. Nang ang Panginoon ay isilang sa Bayan ng Bethlehem, at nakita ng mga tao, that particular event, ay tinawag na Unang Pagparito ng Panginoon. Hindi nangangahulugan na nanggaling siya sa ibang dako ng ipanganak siya sa Bethlehem, kundi He manifested Himself in a new form, in a new way.

He took a body from the Virgin Mary as a means wherein the Divine may manifest Himself to men in a new way, in a new form, in the form of flesh. (Luke 1:26-35)

Sa Unang Pagparito, the invisible God became visible in the person of Jesus Christ, upang ang tao ay maligtas. Sa Kanyang pagkakatawang tao ang katawan ay nanggaling kay Virgin Maria, kalakip nito ang kasalanan at kahinaan ng laman ng tao na kanyang minana (inherited). Dinala ng Panginoon ang ating kahinaan at mga karamdaman (Isaias 53: 4-6) at Siya ang nakipaglaban at nakipaghamok sa kasamaan ng sanglibutan at Siya ay nagtagumpay sa lahat ng mga tukso na kanyang dinaanan, at lahat lahat ng mga karumihan ng sanglibutan ay Kanyang napagtagumpayan. Sa gayon ay pinaging banal Niya ang Kanyang katawan na minana kay Virgin Maria, and His Body became purely divine; kung kayat nang Siya ay magbangon sa libingan ay kasama niyan bumangon ang katawan at walang ano mang naiwan sa libingan. Ang Krus ng Kamatayan (Passion of the Cross) ang kahulihulihang temptation that He endured, and His glorification, na pinangsama (united) His Divine, with the Divine of the Father within Him. Siya ay bumalik sa Kanyang pagka-Dios; thus God became Man and Man became God.

Kayat ang tanong ay paanong ang Panginoon sa Kanyang pagka- Dios, purely divine na walang ano mang bahid ng kasamaan ay muling bababa sa maruming sanglibutan at siya ay makikita ng mga tao, na katulad ng kanyang unang pagparito?

Siya ay wala na sa laman and His material substance is replaced by spiritual substance. Kayat ang mga naghihintay ng Kanyang Ikalawang Pagparito na Siya ay makikita ng kanilang natural na paningin na bumababa mula sa langit, sila ay mabibigo.

At gayon din mayroong hidwaan (contradiction) sa natural concept ang pinaniniwalaan ng mga naghihintay sa Kanyang pagdating. Sa Mateo 24:30 ay sinasabing “makikita nila ang Anak ng tao na napaparitong nasa mga alapaap ng langit…” gayon din sa Marcos 14:62; Sa Lumang Tipan naman ay sinabi ni Propeta Daniel (7:13)”Ang Panginoon ay lumabas sa mga alapaap ng langit.”

Samantalang sa Apocalypses ni Juan (Apoc. 19:11, 13, 14, 16) ay sinasabi; “Nakita kong bukas ang langit, at narito ang isang kabayong maputi at ang nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo at sa katwiran siya’y humahatol at at nakikipagbaka; (verse 11) At ang”mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kanya na mga nakasakay sa mga kabayong maputi….”(verse 14)

We have here two different pictures of His Coming. Ang isa, Siya ay magiting na mangangabayo na nakasakay sa maputing kabayo at ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kanya na nakasakay din sa mapuputing kabayo. While in Matthew and Mark it is pictured that He was coming alone in the clouds of heaven.

Alin ba sa dalawang scenario na ito ang tama? Na Siya ay darating na sumusnod sa kanya ang mga hukbo ng langit; or Siya ay darating na nagiisa sa alapaap ng langit?

Literally ang dalawang hula na ito na magkaiba ang scenario is hard to reconcile. Subalit kung ito ay maliliwanagan sa spiritual sense or internal sense na siyang nagbubukas ng hiwaga ng Salita ng Panginoon, ang contradiction na ito ay malulutas at makikita nating wala palang contradiction ang dalawang scenario na ito.

Ang kabayo signifies understanding of the Word in the internal sense.

Sa Apocalypses chapter six nasaksihan ni Juan na nang buksan ng Cordero ang Aklat na tinatakan ng pitong tatak ang lumabas ay mga kabayo; maputi, mapula, itim at kabayong maputla. Bawat kulay ng kabayo at ang mga nakasakay doon ay may kahulugan in the internal sense and this is not the place to explain them, except the white horse.

In general concept kabayo (horse) signifies the understanding of the Word; What else would be coming out of the book, but horses (understanding) ang maputing kabayo (white horse) signifies the true understanding of the Word.

Remember, na “ nagkatawang tao ang Salita na ang Salita ay Dios at tumahan sa gitna natin,” (John 1:1,14) and He, The Word was born in a stable and laid in a manger where horses are being fed; and horses signify the understanding of the Word.

Ginamit na simbulo ang kabayo na naghahatid sa paiba-ibang lugad; “just so, the understanding of the Word , is the means by which we are carried from one spiritual truth to another.” We see Him with the eyes of our understanding, and His name is called the Word of God (Apoc. 19:13). Kung ang katotohanan ay maunawaan, ito ang ang nagbibigay ng tanglaw sa ating kaisipan; and we see Him with the eyes of our understanding, and this spiritual light is the Lord riding on the white horse and His name is called, the Word of God. (Apoc. 19:13)

Ang alapaap ng langit are made up of small water particles; and water corresponds to truth. Samakatwid ang alapaap ng langit represent the gathering together of these truths, especially in the literal sense of the Word. That He is seen coming in the clouds of heaven means “He is seen in the literal sense of the Word, which as it were, opens to our sight, our understanding, and being perceived, the Lord rides into our hearts and minds on a white horse.”

Samakatwid ang dalawang visions na ito: na darating ang Panginoon na “nakasakay sa maputing kabayo na nakasunod sa kanya ang mga hukbo na nangakasakay din sa mapuputing kabayo at ang Kanyang pagparito na nagiisa, na nakasakay sa mga alapaap ng langit”, sa spiritual sense ay pareho at walang contradiction.

In the Lord’s First Coming, by incarnation, He came in the new form, in the form of flesh and He achieved all that could be accomplished by a life in the flesh and the glorification of His body. Subalit sinabi Niya sa Aklat ni Juan (John 16:12-13) “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo matitiis. Gayon may kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan; sapagkat hindi siya magsasalita ng mula sa kanyang sarili; kundi ang ano mang bagay na kanyang marinig, ang mga ito ang kanyang sasalitan; at kaniyang ipapahayag sa inyo ang mga bagay na darating.”

He is indicating sa passage na ito, na maraming mga bagay na hindi niya maituturo at maisasagawa, because of the state of men’s mind at that time and men’s vision of Him in the flesh; but only by revealing His inner spirit, the spirit of truth.

Naniniwala kami na mga New Church people, na ginamit ng Panginoon si Emanuel Swedenborg na kasangkapan, upang maipahayag ang katotohanan ng Kanyang mga Salita na mahihiwaga at mahirap malirip ng kaisipan lamang ng tao.

Sinabi ng Panginoon kay Nicodemus na kinakailangan na ang tao ay ipanganak na muli upang maging spiritual. Kinakailangan ipanganak siya ng kanyang ina, and then, he must be born of water and of the spirit. He told him that it was not a rebirth in the flesh, but a rebirth from water and spirit. (John 32:5). In similar way, it is needful for man to see the Lord, not only as to the flesh, but also to see Him as to His spirit.

Sa Unang Pagparito, the Lord gave men a body of flesh to behold; sa Kanyang Pangalawang Pagparito, He gives men a Body of Truth upang matalos ang katotohanan na hindi matanto sa literal sense of the Word. So the Lord’s Second Coming has already been fulfilled, by revealing the truth in the internal sense sa pamamagitan ni Emanuel Swedenborg, na sa natural sense ay hindi mag-reconcile.

Sa Apocalypses ni Juan, (Apocalypses (19:11,13,14,16) ay sinabi niya, “Nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi; at yaong nakasakay dito ay tinatawag na tapat at totoo; at sa katwiran siya ay humahatol at nakikipagbaka.” “At siya ay nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na “Ang verbo ng Dios” (verbo=Salita); at ang mga hukbo sa langit ay sumusunod sa kanya, na mga nakasakay sa kabayong maputi, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay.At siya’y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kanyang hita; Hari ng Mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.”

Samakatwid ang mga naghihintay sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon sa balat ng lupa in person na makikita Siya ng mga natural na mata, sila ay mabibigo sa paghihintay.

Kayat ang sinasabing muling pagparito ng Panginoon sa sanglibutan, ay hindi ang sanglibutan na ito ang Kanyang tinutukoy. For the Lord created also a world, set in our hearts, where He could come down and make it His kingdom (Ecclesiastes 3:11), “Ginawa niya ang bawat bagay na maganda sa kapanahunan niyan; inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang mga puso, na ano pat hindi matalos ng tao ang mga gawa na ginawa ng Dios sa pasimula hanggang sa wakas.”

Ang katapusan ng sanglibutan, ay kung ang mga bagay na magaganda na nilikha ng Panginoon na inilagay sa puso, ay wasakin at at sirain, katulad ng pagibig, mga kabutihan at kaalaman makalangit na damdamin na inilagay ng Dios sa tao mula sa kanyang pagkabata na sa New Church ay tinatawag na “remains,” kung ito ay wasakin, yaon ang katapusan ng sanglibutan. The end of the world, is when the love and faith and things of innocence that was set in the hearts of men are destroyed, that is the end of their world. When there is no longer love and faith remaining in the hearts of men, their world has ended. So for me the end of the world is a personal thing; as well as the Second Coming. Sa mga New Churchmen nangyari na at naganap na ang Ikalawang Pagparito.

Ang daigdig o sanglibutan na inilagay sa puso ang bababaan ng Dios, sapagkat ang Dios ay Salita, na nagkatawang tao, upang ang mga tao ay maligtas.(John 1:1, 14) Ang mga tunanggap ng Salita ng Panginoon sa katotohanan at spiritual, at ito ay ganapin sa kanilang buhay, “nakikita” na nila ang Dios; “Mapapalad ang may malinis na puso sapagkat makikita nila ang Dios.” (Mateo 5:8) Ang sabi ni Pablo sa 2Corinto (3:6), “Ang titik ay pumapatay, datapwat ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.”

Yaong mga nakaunawa sa internal sense ng mga mahihiwagang Salita ng Panginoon na doon ay nakapaloob ang boong pagibig ng Dios at pananampalataya sa Dios, at ito ay ginagawang patakaran ng kanyang pamumuhay; dumating na sa kanya ang Panginoon at nakita niya ang Panginoon not in the flesh, not in person, but in truth; by revealing His inner spirit, the spirit of truth. Just as at the First Coming, the Lord gave men a body of flesh to behold, now at His Second Coming, He gives men a body of truth.

Sinabi ng Panginoon sa mga Pariseo, “ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita, ang kaharian ng Dios ay nasa loob ninyo.” (Lucas 17:20, 21) “harmonizes perfectly with the idea that the Lord becomes present by a greater understanding of the Word, which will lead us to a deeper affections and greater wisdom, such as signified by the Rider on the white horse; and it makes one with the picture of the Lord coming with glory in the clouds of the literal sense of the Word, which are the clouds of heaven.”

Ang sanglibutan na ito na tinitirahan ng mga tao ay hindi mawawala, hindi matatapos; ito ay mananatili magpakailan man na sinabi ng bibig ng Panginoon at ipinangako ng Panginoon kay Abraham (Genesis 18:23-33) at ipinangako din ng Panginoon kay Noe na hindi na niya lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng bahang gigiba sa lupa.

Kayat matiyaga nating pagaralan ang mga Salita ng Panginoon, at itanim sa puso at ingatan, at ganapin na may kagalakan, upang kung magkagayon ang Panginoon na Siyang Salita, samakatwid bagay ang pagibig at katotohanan, ay siyang maghari sa ating puso, at sa ating buhay at pamumuhay at maging gabay ng ating mga kaluluwa sa buhay na ito at sa kabilang buhay.

PURIHIN ANG PANGINOON

Sermon by Rev. Merlita Rogers,

New Church in Samal, Bataan, Philippines

Delivered May 23, 2010

Revised in Tagalish, September 7, 2013

(References: Lucas 1:11; Mateo 24:29-30)