Die Bibel

 

Genesis 17

Lernen

   

1 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.

2 At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam.

3 At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi,

4 Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.

5 At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa.

6 At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.

7 At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.

8 At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pag-aaring walang hanggan at ako ang magiging Dios nila.

9 At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila.

10 Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo.

11 At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo.

12 At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa't lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi.

13 Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.

14 At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan; sinira niya ang aking tipan.

15 At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan.

16 At akin siyang pagpapalain, at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.

17 Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?

18 At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!

19 At sinabi ng Dios, Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.

20 At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking pararamihin ng di kawasa; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, at siya'y gagawin kong malaking bansa.

21 Nguni't ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.

22 At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham.

23 At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya.

24 At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.

25 At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.

26 Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak.

27 At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.

   

Aus Swedenborgs Werken

 

Arcana Coelestia #2016

studieren Sie diesen Abschnitt

  
/ 10837  
  

2016. As regards the fact that all good and the derivative truth are from the Lord: this is a constant verity. The angels are in the perception of it to such a degree that they perceive that insofar as anything is from the Lord, it is good and true, and that insofar as it is from themselves, it is evil and false. They also confess this before novitiate souls, and before spirits who are in doubt of it, nay, they go so far as to say that it is by the Lord that they are withheld from the evil and falsity that come from what is their own, and are kept in good and truth. Moreover the very withholding and the very influx are perceptible to them (see n. 1614). But as to man’s supposing that he does good from himself and thinks truth from himself, this is an appearance, because he is in a state of no perception, and in a state of the greatest obscurity in respect to influx; and therefore he infers this from the appearance, nay, from the fallacy, from which he by no means suffers himself to be withdrawn so long as he has belief in nothing but the senses, and so long as he reasons from them whether it be so. But although the case is as stated, man nevertheless ought to do good and to think truth as from himself; for in no other way can he be reformed and regenerated (the reason of which may be seen above, n. 1937, 1947).

[2] The verse now before us treats of the Lord’s Human Essence that was to be united to the Divine Essence; and that all good and truth would thereby come to man from His Divine Essence through His Human Essence, is a Divine arcanum which few believe, because they do not apprehend it, for they suppose that the Divine good is able to reach to man without the Lord’s Human united to the Divine; but that this cannot be done, has been already shown in a few words (n. 1676, 1990), to this effect, that man has removed himself so far from the Supreme Divine, by the cupidities in which he has immersed himself and by the falsities with which he has blinded himself, that there could not possibly be any influx of the Divine into the rational part of his mind except through the Human which the Lord united in Himself to the Divine. Through His Human, communication has been effected; for thereby the Supreme Divine has been able to come to man. This the Lord says openly in many places, for He says that He is “the way,” and that “no one cometh to the Father but by Him.” This then is what is here affirmed: that from Him, namely, from the Human united to the Divine, is all good and all truth.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Foundation for the permission to use this translation.