Bible

 

Mateo 2

Studie

   

1 Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi,

2 Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin.

3 Nang marinig ito ng haring si Herodes, ay nagulumihanan siya, at pati ng buong Jerusalem.

4 At pagkatipon sa lahat ng mga pangulong saserdote at mga eskriba ng bayan, ay siniyasat niya sa kanila kung saan kaya ipanganganak ang Cristo.

5 At sinabi nila sa kaniya, sa Bet-lehem ng Judea: sapagka't ganito ang pagkasulat ng propeta,

6 At ikaw Bet-lehem, na lupa ng Juda, Sa anomang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga pangulong bayan ng Juda: Sapagka't mula sa iyo'y lalabas ang isang gobernador, Na siyang magiging pastor ng aking bayang Israel.

7 Nang magkagayo'y tinawag ni Herodes ng lihim ang mga Pantas na lalake, at kaniyang siniyasat ng buong ingat sa kanila ang panahong isinilang ng bituin.

8 At pinayaon niya sila sa Bet-lehem, at sinabi, Kayo'y magsiparoon at ipagtanong ng buong ingat ang tungkol sa sanggol; at pagkasumpong ninyo sa kaniya, ay ipagbigay-alam ninyo sa akin, upang ako nama'y makaparoon at siya'y aking sambahin.

9 At sila, pagkarinig sa hari ay nagsiyaon ng kanilang lakad; at narito, ang bituing kanilang nakita sa silanganan, ay nanguna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol.

10 At nang makita nila ang bituin, ay nangagalak sila ng di kawasang galak.

11 At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira.

12 At palibhasa'y pinagsabihan sila ng Dios sa panaginip na huwag silang mangagbalik kay Herodes, ay nangagsiuwi sila sa kanilang sariling lupain sa ibang daan.

13 Nang mangakaalis nga sila, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip, na nagsasabi, Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya'y puksain.

14 At siya'y nagbangon at dinala ang sanggol at ang ina nito sa kinagabihan, at napasa Egipto;

15 At dumoon hanggang sa pagkamatay ni Herodes: upang maganap ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Mula sa Egipto ay tinawag ko ang aking anak.

16 Nang magkagayon, nang mapansin ni Herodes na siya'y pinaglaruan ng mga Pantas na lalake, ay nagalit na mainam, at nagutos, at ipinapatay ang lahat ng mga sanggol na lalake na nangasa Bet-lehem, at sa buong palibotlibot noon, mula sa gulang na dalawang taon hanggang sa pababa, alinsunod sa panahon ng kaniyang maingat na pagkasiyasat sa mga Pantas na lalake.

17 Nang magkagayo'y naganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, na nagsasabi,

18 Isang tinig ay narinig sa Rama, Pananangis at kalagimlagim na iyak, Tinatangisan ni Raquel ang kaniyang mga anak; At ayaw na siyang maaliw, sapagka't sila'y wala na.

19 Nguni't pagkamatay ni Herodes, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto, na nagsasabi,

20 Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo ka sa lupain ng Israel: sapagka't nangamatay na ang nangagmimithi sa buhay ng sanggol.

21 At nagbangon siya at dinala ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo sa lupa ng Israel.

22 Datapuwa't nang mabalitaan niya na si Arquelao ang naghahari sa Judea na kahalili ng kaniyang amang si Herodes, ay natakot siyang pumatungo roon; at palibhasa'y pinagsabihan ng Dios sa panaginip, ay napatungo siya sa mga sakop ng Galilea,

23 At siya'y dumating at tumahan sa isang bayang tinatawag na Nazaret; upang maganap ang mga sinalita ng mga propeta, na siya'y tatawaging Nazareno.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Apocalypse Explained # 661

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 1232  
  

661. And shall send gifts one to another, signifies their consociation. This is evident from the signification of "to send gifts," as being to be consociated by love and friendship through good will; for gifts from such an affection and disposition bring together both the well-disposed as well as the ill-disposed; here those are meant who are opposed to the goods of love and the truths of doctrine, which are signified by "the two witnesses" who were killed and cast forth into the street of the great city which spiritually is called Sodom and Egypt. It is to be known that to the ill-disposed and wicked nothing is more delightful than to destroy the goods of love and the truths of doctrine wherever they are, and to do evil to those with whom these are; for such burn with hatred against these; consequently from the hell where such are there continually breathes forth a deadly hatred against celestial love and spiritual faith, and therefore against heaven, and especially against the Lord Himself; and as often as they are permitted to do evil they are in the delight of their heart. Such is the brutal nature of those who are in hell.

This, therefore, is what is meant by "they shall rejoice over them and shall be glad." Moreover, the wicked enter into friendships and consociate themselves for doing harm to the well disposed; they are consociated by the delight of hatred, which is the delight of their love; this makes them appear as if friends in heart, when yet they are enemies. This, therefore, is the signification of "shall send gifts one to another."

[2] Because gifts captivate the mind and consociate, it was a custom in ancient times to give gifts to the priest and the prophet, as also to the prince and the king, when they were approached (1 Samuel 9:7, 8); and it was also a statute:

That they should not appear empty (that is, without a gift) before Jehovah, but in their feasts everyone should bring a gift according as he had been blessed (Exodus 23:15; 34:20; Deuteronomy 16:16, 17).

So too:

The wise men from the east brought gifts to the Lord just born, gold, frankincense, and myrrh (Matthew 2:11);

according to the prediction in David (Psalms 72:10). So again:

The oblations upon the altar, which were sacrifices, and also the meal offerings and drink-offerings, were called gifts (Isaiah 18:7; 57:6; 66:20; Zephaniah 3:10; Matthew 5:23, 24; and elsewhere);

and this because external gifts signified internal or spiritual gifts, namely, such as go forth from the heart, and thence are of the affection and faith; and as by these conjunction is effected, in the spiritual sense "gifts" in reference to God signify conjunction, and in reference to men consociation.

  
/ 1232  
  

Thanks to the Swedenborg Foundation for their permission to use this translation.