Bible

 

Levitico 8

Studie

   

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

2 Dalhin mo si Aaron at pati ng kaniyang mga anak, at ang mga kasuutan, at ang langis na pangpahid, at ang torong handog dahil sa kasalanan, at ang dalawang tupang lalake, at ang bakol ng mga tinapay na walang lebadura:

3 At pulungin mo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

4 At ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kaniya ng Panginoon; at nagpupulong ang kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

5 At sinabi ni Moises sa kapisanan, Ito ang ipinagawa ng Panginoon.

6 At dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at hinugasan ng tubig.

7 At isinuot sa kaniya ang kasuutan, at binigkisan ng pamigkis, at ibinalabal sa kaniya ang balabal, at sa kaniya'y ipinatong ang epod, at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis ng epod na mainam ang pagkayari, at tinalian nito.

8 At ipinatong sa kaniya ang pektoral: at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim.

9 At ipinatong ang mitra sa kaniyang ulo; at ipinatong sa mitra sa harap, ang laminang ginto, ang banal na putong; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

10 At kinuha ni Moises ang langis na pang-pahid, at pinahiran ang tabernakulo, at ang lahat ng nandoon, ay pinapaging banal.

11 At winisikan niya niyaon ang ibabaw ng dambana na makapito, at pinahiran ng langis ang dambana at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon, upang ariing banal.

12 At binuhusan ng langis na pang-pahid ang ulo ni Aaron, at pinahiran niya ng langis siya upang papagbanalin.

13 At pinalapit ni Moises ang mga anak ni Aaron, at sila'y sinuutan ng mga kasuutan, at binigkisan ng mga pamigkis, at itinali sa kanilang ulo ang mga tiara; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

14 At kaniyang inilapit ang torong handog dahil sa kasalanan: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng torong handog dahil sa kasalanan.

15 At pinatay niya; at kumuha si Moises ng dugo at ipinahid ng kaniyang daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot, at nilinis ang dambana, at ang dugo'y ibinuhos sa tungtungan ng dambana, at inaring banal upang pagtubusan.

16 At kinuha niya ang lahat ng taba na nasa ibabaw ng mga lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at sinunog ni Moises sa ibabaw ng dambana.

17 Datapuwa't ang toro, at ang balat, at ang laman, at ang dumi, ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

18 At iniharap niya ang tupang lalake na handog na susunugin: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng tupa.

19 At kaniyang pinatay yaon: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.

20 At kinatay niya ang tupa; at sinunog ni Moises ang ulo, at ang mga putolputol, at ang taba.

21 At kaniyang hinugasan sa tubig ang lamang loob at ang mga paa; at sinunog ni Moises ang buong tupa sa ibabaw ng dambana; handog na susunugin nga na pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

22 At iniharap niya ang ikalawang tupa, ang tupa na itinatalaga: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa.

23 At kaniyang pinatay yaon; at kumuha si Moises ng dugo niyaon, at inilagay sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa.

24 At pinaharap niya ang mga anak ni Aaron, at nilagyan ni Moises ng dugong yaon sa pingol ng kanilang kanang tainga, at sa daliring hinlalaki ng kanang kamay nila, at sa daliring hinlalaki ng kanang paa nila: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.

25 At kinuha niya ang taba, at ang matabang buntot, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at ang kanang hita:

26 At sa bakol ng tinapay na walang lebadura na inilagay sa harap ng Panginoon, ay kumuha siya ng isang munting tinapay na walang lebadura, at ng isang munting tinapay na nilangisan at ng isang manipis na tinapay, at ipinaglalagay sa ibabaw ng taba at sa ibabaw ng kanang hita:

27 At inilagay na lahat sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak, at pinagaalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon.

28 At kinuha ni Moises sa kanilang mga kamay, at sinunog sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin: mga talagang pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

29 At kinuha ni Moises ang dibdib at inalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: ito ang bahagi ni Moises sa tupang itinalaga; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

30 At kumuha si Moises ng langis na pang-pahid, at ng dugong nasa ibabaw ng dambana, at iniwisik kay Aaron, sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak, at sa mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya; at pinapaging banal si Aaron at ang kaniyang mga suot, at ang kaniyang mga anak at ang mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.

31 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, Pakuluan ninyo ang laman sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at doon ninyo kanin, at ang tinapay na nasa bakol ng itinatalaga, ayon sa iniutos ko, na sinasabi, Kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak.

32 At ang labis sa laman at sa tinapay ay susunugin ninyo sa apoy.

33 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay huwag kayong lalabas na pitong araw, hanggang sa maganap ang mga kaarawan ng inyong pagtalaga: sapagka't pitong araw na kayo'y matatalaga.

34 Kung paano ang ginawa sa araw na ito, ay gayon ang iniutos ng Panginoon na gawin upang itubos sa inyo.

35 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay matitira kayo gabi't araw na pitong araw, at inyong tutuparin ang kautusan ng Panginoon, upang huwag kayong mamatay: sapagka't gayon ang iniutos ko.

36 At ginawa ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang lahat na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

   

Ze Swedenborgových děl

 

True Christian Religion # 706

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 853  
  

706. The reason why the Lord's blood means His Divine truth and that of the Word is that His flesh means in the spiritual sense the Divine good of love, and these two are made one in the Lord. It is well known that the Lord is the Word; and there are two things to which everything in the Word has reference, Divine good and Divine truth. If therefore the Word is substituted for the Lord, it is plain that it is these two which are meant by His flesh and blood. It is established from many passages that blood means the Divine truth of the Lord or of the Word; for instance, from blood being called the blood of the covenant, since a covenant is a link, and linking is effected by the Lord by means of His Divine truth. Also in Zechariah:

By the blood of your covenant I shall release the captives from the pit, Zechariah 9:11.

And in the works of Moses:

After Moses had read the book of the law for the people to hear 1 , he sprinkled half the blood upon the people, and said, Behold the blood of the covenant, which Jehovah has made with you upon all these words, Exodus 24:3-8.

Also:

Jesus taking the cup gave it to them, saying, This is my blood, the blood of the new covenant, Matthew 26:27-28; Mark 14:24; Luke 22:20.

[2] The blood of the new covenant or testament cannot mean anything but the Word, which is called an old and a new covenant or testament, and so the Divine truth it contains. It is because blood has this meaning that the Lord gave them wine, saying, 'This is my blood'; and wine stands for Divine truth. For this reason it is also called 'the blood of grapes' (Genesis 49:11; Deuteronomy 32:14). This is plainer still from the Lord's words:

Truly, truly, I tell you: if you do not eat the flesh of the Son of Man and drink his blood, you will not have life in you. For my flesh is truly food, and my blood is truly drink. He who eats my flesh and drinks my blood, remains in me and I in him, John 6:50-58.

It is perfectly obvious that blood here means the Divine truth of the Word, because it is said that he who drinks it has life in himself, and remains in the Lord, and the Lord remains in him. It ought to be well known in the church that this is the effect of Divine truth and living in accordance with it, and that the Holy Supper strengthens this effect.

[3] It is because blood stands for the Lord's Divine truth, which is also the Divine truth of the Word, and because this is what the old and new covenants and testaments are, that blood was the holiest representative of the church among the Children of Israel. In that church every detail was a correspondence of something natural with something spiritual. For instance, they were to take some of the blood of the Passover and put it on the door-posts and lintels of their houses, to ensure the plague would not come upon them (Exodus 12:7, 13, 22).

The blood of the burnt offering was to be sprinkled over the altar, right to its foundations, and over Aaron, his sons and their clothes (Exodus 29:12, 16, 20-21; Leviticus 1:5, 11, 15; 3:2, 8, 13; 4:25, 30, 34; 8:15, 24; 17:6; Numbers 18:17 2 ; Deuteronomy 12:27). Also over the veil above the Ark, over the mercy-seat there, and over the horns of the incense altar (Leviticus 4:6-7, 17-18; 16:12-15). The blood of the Lamb stands for something similar in Revelation:

These have washed their robes and made them white in the blood of the Lamb, Revelation 7:14.

Also in these words from the same book:

War broke out in heaven, Michael and his angels fought against the dragon; and they defeated him by the blood of the Lamb and by the word of their 3 witness, Revelation 12:7, 11.

[4] It is impossible to think that Michael and his angels defeated the dragon by anything but the Lord's Divine truth in the Word. For angels in heaven cannot think about any blood, nor do they think about the Lord's passion; but they think of Divine truth and His resurrection. When therefore a person thinks about the Lord's blood, the angels perceive the Divine truth of His Word. When he thinks about the Lord's passion, they perceive His glorification, and then only His resurrection. I have been allowed to know by long experience that this is so.

[5] It is also plain from this passage in the Psalms of David that blood stands for Divine truth:

God will save the souls of the needy. Their blood will be precious in His eyes, and they will live and He will give them of the gold of Sheba, Psalms 72:13-16.

Blood being precious in God's eyes stands for Divine truth being with them; the gold of Sheba is wisdom coming from this. Also in Ezekiel:

Gather for the great sacrifice upon the mountains of Israel, so that you may eat flesh and drink blood; you will drink the blood of the princes of the earth, and you will drink blood until you are drunk. Thus shall I set my glory among the nations, Ezekiel 39:17-21.

This deals with the church which the Lord is to found among the gentiles. Blood cannot here mean blood, but the truth from the Word they possess; see just above.

Poznámky pod čarou:

1. Literally: in the ears of the people.

2. Corrected from (Lev.) Ezekiel 8:1.

3. The Latin has 'his witness'.

  
/ 853  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.