Bible

 

Levitico 17

Studie

   

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

2 Iyong salitain kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ito ang iniutos ng Panginoon, na sinasabi,

3 Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel, na pumatay ng baka, o kordero, o kambing sa loob ng kampamento, o pumatay sa labas ng kampamento,

4 At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihandog na pinaka alay sa Panginoon, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: ay dugo ang ipararatang sa taong yaon; siya'y nagbubo ng dugo; at ang taong yaon: ay ihihiwalay sa kaniyang bayan:

5 Upang ang mga anak ni Israel ay magdala ng kanilang mga hain, na inihahain sa kalawakan ng parang, sa makatuwid baga'y upang kanilang dalhin sa Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote, at ihain sa Panginoon na mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan.

6 At iwiwisik ng saserdote ang dugo sa ibabaw ng dambana ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at susunugin ang taba na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

7 At huwag na nilang ihahain ang kanilang mga hain sa mga kambing na lalake na kanilang pinanaligan. Magiging palatuntunan nga magpakailan man sa kanila sa buong panahon ng kanilang lahi.

8 At sasabihin mo sa kanila, Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na naghandog ng handog na susunugin o hain,

9 At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihain sa Panginoon: ay ihihiwalay nga ang taong yaon sa kaniyang bayan.

10 At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan.

11 Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.

12 Kaya't aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo.

13 At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa.

14 Sapagka't tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagka't ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.

15 At yaong lahat na kumain ng namamatay sa sarili o nilapa ng mga ganid, maging sa mga tubo sa lupain o sa mga taga ibang bayan, ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: kung magkagayon ay magiging malinis.

16 Datapuwa't kung di niya labhan, ni paliguan ang kaniyang laman, ay tataglayin nga niya ang kaniyang kasamaan.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Apocalypse Explained # 1001

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 1232  
  

1001. (Verse 14) For they are the spirits of demons. That this signifies false reasonings from hell, is evident from the signification of the unclean spirits like frogs, as denoting reasonings from mere falsities against Divine truths (concerning which see just above, n. 1000); and from the signification of demons, as denoting reasonings which are from hell. For in hell those are called demons who are in the desire of falsifying truths, which is chiefly effected by reasonings. Hence by demons and demoniacs, in the abstract sense, are signified lusts and falsities, as is evident from the passages in the Word, where they are mentioned.

As in Leviticus 17:7; Deuteronomy 32:17; Isaiah 13:21; 34:14; Psalms 106:37; Matthew 4:24; 8:16, 28, 31; 9:32, 33; 10:8; 12:22; 15:22; Mark 1:32, 34, 39; Luke 4:33-38, 41; 8:2, 26-40; 9:1, 37-42, 49; 13:32; Apoc. 9:20; 18:2.

Continuation concerning the Sixth Precept:-

The angels derive all their beauty from conjugial love, thus each angel derives it according to that love. For all the angels are forms of their affections, because, in heaven, it is not allowed to feign with the face things that have no relation to the affection, therefore their faces are types of their minds. Whilst, therefore, they have conjugial love, they also have love to the Lord, mutual love, the love of good, the love of truth and the love of wisdom. These loves with them fashion their faces, and show themselves as the fires of life in their eyes, to which, moreover, innocence and peace are added, this completing their beauty. Such forms are the forms of the inmost angelic heaven, and they are forms truly human.

  
/ 1232  
  

Translation by Isaiah Tansley. Many thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.