Bible

 

Josue 6

Studie

   

1 Ang Jerico nga ay lubos na nakukubkob dahil sa mga anak ni Israel: walang nakalalabas, at walang nakapapasok.

2 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Tingnan mo, aking ibinigay sa iyong kamay ang Jerico, at ang hari niyaon, at ang mga makapangyarihang lalaking matapang.

3 At iyong liligirin ang bayan, lahat ng mga lalaking pangdigma, na liligid na minsan sa bayan. Ganito mo gagawin na anim na araw.

4 At pitong saserdote sa unahan ng kaban ay magdadala ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa: at sa ikapitong araw ay inyong liligiring makapito ang bayan, at ang mga saserdote ay hihipan ang mga pakakak.

5 At mangyayari, na pagka hinipan nila ng matagal ang sungay ng tupa, at pagka inyong narinig ang tunog ng pakakak, ay hihiyaw ng malakas ang buong bayan; at ang kuta ng bayan ay guguho, at ang bayan ay sasampa ang bawa't isa'y tapatan sa harap niya.

6 At tinawag ni Josue na anak ni Nun ang mga saserdote, at sinabi sa kanila, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan, at magdala ang pitong saserdote ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon.

7 At kaniyang sinabi sa bayan, Magpauna kayo, at ligirin ninyo ang bayan, at papagpaunahin ninyo ang mga lalaking may sandata sa unahan ng kaban ng Panginoon.

8 At nangyari, na pagkapagsalita ni Josue sa bayan, ay nagpauna sa Panginoon ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa, at humihip ng mga pakakak; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sumusunod sa kanila.

9 At ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa mga saserdote na humihihip ng mga pakakak, at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban, na ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak habang sila'y yumayaon.

10 At iniutos ni Josue sa bayan, na sinasabi, Huwag kayong hihiyaw, ni huwag ninyong iparirinig ang inyong tinig, ni huwag magbubuka ang inyong bibig ng anomang salita, hanggang sa araw na aking sabihing kayo'y humiyaw; kung magkagayo'y hihiyaw kayo.

11 Sa gayo'y kaniyang iniligid sa bayan ang kaban ng Panginoon, na lumigid na minsan: at sila'y nasok sa kampamento, at tumigil sa kampamento.

12 At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at binuhat ng mga saserdote ang kaban ng Panginoon.

13 At ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon ay yumaon na patuloy, at humihihip ng mga pakakak: at ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa kanila; at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban ng Panginoon, na ang mga saserdote ay humihihip ng mga pakakak habang sila'y yumayaon.

14 At sa ikalawang araw ay kanilang niligid na minsan ang bayan, at nagsibalik sa kampamento: kanilang ginawang gayon na anim na araw.

15 At nangyari nang ikapitong araw, na sila'y bumangong maaga sa pagbubukang liwayway, at niligid ang bayan ng gayon ding paraan na makapito: nang araw lamang na yaon kanilang niligid ang bayan na makapito.

16 At nangyari, sa ikapito, nang humihip ng mga pakakak ang mga saserdote, ay sinabi ni Josue sa bayan, Humiyaw kayo; sapagka't ibinigay na ng Panginoon sa inyo ang bayan.

17 At ang bayan ay matatalaga sa Panginoon, yaon at ang lahat na tumatahan doon: si Rahab na patutot lamang ang mabubuhay, siya at ang lahat na kasama niya sa bahay, sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na ating sinugo.

18 At kayo, sa anomang paraan ay magsipagingat sa itinalagang bagay; baka pagka naitalaga na sa inyo ay kumuha kayo sa itinalagang bagay; sa gayo'y inyong ipasusumpa ang kampamento ng Israel, at inyong babagabagin.

19 Nguni't lahat na pilak, at ginto, at mga sisidlang tanso at bakal, ay banal sa Panginoon: pawang ipapasok sa silid ng kayamanan ng Panginoon.

20 Sa gayo'y humiyaw ang bayan, at ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak: at nangyari nang marinig ng bayan ang tunog ng pakakak na ang bayan ay humiyaw ng malakas, at ang kuta ay gumuho, na ano pa't ang bayan ay sumampang nasok sa siyudad, na bawa't isa'y matuwid na nagpatuloy, at kanilang sinakop ang bayan.

21 At kanilang lubos na nilipol ng talim ng tabak ang lahat na nasa bayan, ang lalake at gayon din ang babae, ang binata at gayon din ang matanda, at ang baka, at ang tupa, at ang asno.

22 At sinabi ni Josue sa dalawang lalaking tumiktik sa lupain, Pumasok kayo sa bahay ng patutot, at ilabas ninyo roon ang babae, at ang lahat niyang tinatangkilik, na gaya ng inyong isinumpa sa kaniya.

23 At ang mga binata na mga tiktik ay pumasok, at inilabas si Rahab, at ang kaniyang ama, at ang kaniyang ina, at ang kaniyang mga kapatid, at lahat ng kaniyang tinatangkilik; lahat niyang kamaganakan naman ay kanilang inilabas; at kanilang inilagay sila sa labas ng kampamento ng Israel.

24 At kanilang sinunog ng apoy ang bayan, at lahat na nandoon: ang pilak lamang, at ang ginto, at ang mga sisidlang tanso at bakal, ang kanilang ipinasok sa silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.

25 Nguni't si Rahab na patutot at ang sangbahayan ng kaniyang ama, at ang lahat niyang tinatangkilik, ay iniligtas na buhay ni Josue; at siya'y tumahan sa gitna ng Israel, hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na sinugo ni Josue upang tumiktik sa Jerico.

26 At binilinan sila ni Josue sa pamamagitan ng sumpa nang panahong yaon, na sinasabi, Sumpain ang lalake sa harap ng Panginoon, na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico; kaniyang inilagay ang tatagang-baon niyaon sa kamatayan ng kaniyang panganay, at kaniyang itatayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa kamatayan ng kaniyang bunso.

27 Sa gayo'y ang Panginoon ay sumama kay Josue; at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa buong lupain.

   

Komentář

 

Exploring the Meaning of Joshua 6

Napsal(a) New Christian Bible Study Staff, Julian Duckworth

Joshua 6: The Fall of Jericho

Here, the first conflict for Israel in Canaan presents itself: the taking of the city of Jericho, which stands directly and obstinately in the path of the Israelites, preventing them from moving forward. This conflict embodies the whole essence and scope of all the rest of the conquests in the Joshua story, which in the inner meaning is to overcome and rule the things in our lives which oppose what God wants for us.

Jericho is to be taken with a siege, and God gives Joshua a procedure to follow: You shall march round the city once a day for six days in absolute silence. Seven priests shall carry seven rams’ horns before the ark. On the seventh day you shall march round the city seven times, and then the priests shall blow their trumpets. All the people are to shout with a huge shout, and then the walls of the city will fall down flat. And all the people are to go up and take the city.

This is quite unlike any other siege, where walls have to be scaled and fire catapulted in to burn things, but... this is a spiritual siege. The siege of Jericho represents how we are to lay siege to, or deal effectively with, our own evils and tendencies. It is the description blueprint for the battle between good and evil, which is our battle too. (See Doctrine of Faith 50).

In the Bible, Jericho is sometimes called the ‘city of palm trees’, giving a lovely idea of it. Its name means “a place of fragrance”, or, “his (the Lord’s) sweet breath”. It sounds perfect, but this has been usurped by invaders and takers who are now in complete possession of this sweet city and who will hold on for all they're worth (Apocalypse Explained 502[11]). This is really an account of the influence of hell in human life, and especially our unregenerate lives, when we are open to whatever feels self-gratifying.

Jericho, we hear, is shut up tight. It is not going to be an easy matter – because the work of regeneration never is – but this also describes hell’s fear; it is shut up tight because of the Israelites (Heaven and Hell 543). In us, when we become aware of a better way to live and we want to follow the Lord - whose yoke is easy and whose burden is light - hell will soon hit back in some devious imperceptible way to hold on to what it has got. It is scared of losing us.

This takes us to the siege and its tactics. The march once a day around the city for six days, carrying the ark, is to see every part of our situation from every angle, and it is also to parade our worship and adoration of the Lord (by parading the ark). The time period, six days, is always to do with the work involved in our regeneration as we see evil and shun it, pray to God, stand back and determine. (Arcana Caelestia 10373)

The seventh day involves seven marches round the city, then the trumpets and the shouts. This is the culmination, the Sabbath. For us, it is the avowal that we know the Lord is now ruling our will and our life and there will be no turning back or weakness of giving in. Jericho is now taken! The command is that every living thing in the city is to be completely destroyed because we must be unrelenting against all the things in our lives that go against God.

The gold, the silver, and the vessels of brass and iron, were put into the treasury of the house of Jehovah. The "gold and silver" represent the knowledges of spiritual truth and good, and "the vessels of brass and iron" represent knowledges of natural truth and good. In the profane hands of the idolaters of Jericho, those knowledges could be tools to serve dire falsities and evils. In the house of Jehovah, they could be serviceable knowledges, applied to good ends - hence their being salvaged. (See Heaven and Hell 487)

The prostitute Rahab (who had hidden Israel’s spies and confessed the Lord’s power) and all her family are brought out and given safekeeping. For us, this is the acknowledgement of the truth that we are sinful (as she was) and that if it were not for the Lord we would plunge into who knows what. But now we know and confess the power and truth of God. And then, the Israelites burn the city with fire and Joshua pronounces a curse on anyone who ever rebuilds this city. We are to abhor evil for what it is and be faithful to the Lord our God.

The story of the destruction of Jericho is then the pattern for all our resistance and resolve in seeing and overcoming evil, while confessing, as we do this, that the battle is the Lord’s. (Charity 166)

Ze Swedenborgových děl

 

Doctrine of Faith # 50

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 72  
  

50. That adherents of Philistia are those who have faith and not charity can be seen from various things said about the Philistines in the Word when understood in its spiritual sense. It can be seen both from their quarrels with the servants of Abraham and Isaac, described in Genesis 21 and Genesis 26, and from their wars with the children of Israel, described in the book of Judges and in the books of Samuel and Kings. For wars in the spiritual sense of the Word all involve and symbolize spiritual wars. And because this religion, which is one of faith divorced from charity, continually endeavors to invade the church, therefore the Philistines remained in the land of Canaan and harassed the children of Israel again and again.

  
/ 72  
  

Many thanks to the General Church of the New Jerusalem, and to Rev. N.B. Rogers, translator, for the permission to use this translation.