Bible

 

Genesis 38

Studie

   

1 At nangyari nang panahong yaon, na humiwalay si Juda sa kaniyang mga kapatid, at nagdaan sa isang Adullamita na ang pangalan ay Hira.

2 At nakita roon ni Juda ang anak na babae ng isang Cananeo, na tinatawag na Sua; at kinuha niya at kaniyang sinipingan.

3 At naglihi, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Er.

4 At naglihi uli, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Onan.

5 At muling naglihi at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Selah: at si Juda ay nasa sa Chezib nang siya'y manganak.

6 At pinapag-asawa ni Juda si Er na kaniyang panganay, at ang pangalan niyao'y Thamar.

7 At si Er, na panganay ni Juda, ay naging masama sa paningin ng Panginoon; at siya'y pinatay ng Panginoon.

8 At sinabi ni Juda kay Onan, Sumiping ka sa asawa ng iyong kapatid, at tuparin mo sa kaniya ang tungkulin ng kapatid ng asawa, at ipagbangon mo ng binhi ang iyong kapatid.

9 At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi; at nangyari, na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid, ay pinatutulo niya sa lupa, nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid.

10 At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon, at siya'y pinatay rin naman.

11 Nang magkagayo'y sinabi ni Juda kay Thamar na kaniyang manugang na babae: Manatili kang bao sa bahay ng iyong ama, hanggang sa lumaki si Selah na aking anak: sapagka't sinabi niya, Marahil ay hindi siya mamamatay ng gaya ng kaniyang mga kapatid. At yumaon si Thamar at tumahan sa bahay ng kaniyang ama.

12 At nagdaan ang maraming araw; at namatay ang anak na babae ni Sua, na asawa ni Juda; at nagaliw si Juda, at umahon sa Timnath sa mga manggugupit sa kaniyang mga tupa, siya at ang kaniyang kaibigang si Hira na Adullamita.

13 At naibalita kay Thamar, na sinasabi, Narito, ang iyong biyanang lalake ay umaahon sa Timnath upang pagupitan ang kaniyang mga tupa.

14 At siya'y nagalis ng suot pagkabao, at nagtakip ng kaniyang lambong, at pagkapagtakip ay naupo sa pasukan ng Enaim, na nasa daan ng Timnath; sapagka't kaniyang nakikita, na si Selah ay malaki na, at hindi pa siya ibinibigay na asawa.

15 Nang makita siya ni Juda ay ipinalagay siyang patutot, sapagka't siya'y nagtakip ng kaniyang mukha.

16 At lumapit sa kaniya, sa tabi ng daan, at sinabi, Narito nga, ipinamamanhik ko sa iyo na ako'y pasipingin mo sa iyo: sapagka't hindi niya nakilalang kaniyang manugang. At kaniyang sinabi, Anong ibibigay mo sa akin sa iyong pagsiping sa akin?

17 At kaniyang sinabi, Padadalhan kita ng isang anak ng kambing na mula sa kawan. At kaniyang sinabi, Bibigyan mo ba ako ng sangla hanggang sa maipadala mo?

18 At kaniyang sinabi, Anong sangla ang ibibigay ko sa iyo? At kaniyang sinabi, Ang iyong singsing, at ang iyong pamigkis, at ang tungkod na dala mo sa kamay. At kaniyang ipinagbibigay sa kaniya, at sumiping sa kaniya; at siya'y naglihi sa pamamagitan niya.

19 At siya'y bumangon, at yumaon, at siya'y nagalis ng kaniyang lambong, at isinuot ang mga kasuutan ng kaniyang pagkabao.

20 At ipinadala ni Juda ang anak ng kambing sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang kaibigan, na Adullamita, upang tanggapin ang sangla sa kamay ng babae: datapuwa't hindi niya nasumpungan.

21 Nang magkagayo'y kaniyang itinanong sa mga tao sa dakong yaon na sinasabi, Saan nandoon ang patutot na nasa tabi ng daan sa Enaim? At kanilang sinabi, Walang naparitong sinomang patutot.

22 At nagbalik siya kay Juda, at sinabi, Hindi ko nasumpungan: at sinabi rin naman ng mga tao sa dakong yaon, Walang naging patutot rito.

23 At sinabi ni Juda, Pabayaang ariin niya, baka tayo'y mapahiya: narito, aking ipinadala itong anak ng kambing at hindi mo siya nasumpungan.

24 At nangyari, na pagkaraan ng tatlong buwan, humigit kumulang, ay naibalita kay Juda, na sinasabi, Ang iyong manugang na si Thamar ay nagpatutot; at, narito, siya'y buntis sa pakikiapid. At sinabi ni Juda, Siya'y ilabas upang sunugin.

25 Nang siya'y ilabas, ay nagpasabi siya sa kaniyang biyanan. Sa lalaking may-ari ng mga ito, ay nagdalangtao ako: at kaniyang sinabi pang, Ipinamamanhik ko sa iyo, na kilalanin mo kung kanino ang mga ito, ang singsing, ang pamigkis, at ang tungkod.

26 At nangakilala ni Juda, at sinabi, Siya'y matuwid kay sa akin; sapagka't hindi ko ibinigay sa kaniya si Selah na aking anak. At hindi na niya muling sinipingan pa.

27 At nangyari, na sa pagdaramdam niya, na, narito, kambal ang nasa kaniyang tiyan.

28 At nangyari, nang nanganganak siya, na inilabas ng isa ang kamay: at hinawakan ng hilot at tinalian sa kamay ng isang sinulid na mapula, na sinasabi, Ito ang unang lumabas.

29 At nangyari, na pagkaurong ng kaniyang kamay, na, narito, ang kaniyang kapatid ang lumabas. At kaniyang sinabi, Bakit nagpumiglas ka? kaya't tinawag ang pangalan niyang Phares.

30 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, na siyang may sinulid na mapula sa kamay: at tinawag na Zara ang kaniyang pangalan.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 4918

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

4918. 'That behold, there were twins in her womb' means the two essentials of the Church. This is clear from the meaning of 'twins' as the two - good and truth - dealt with in 3299; and from the meaning of 'the womb' as the place where good and truth have been conceived and are lying, and consequently the place where the essentials of the Church are lying. In the genuine sense 'the womb' means the inmost centre of conjugial love where innocence is present, for the womb corresponds to that love in the Grand Man. Now because conjugial love has its origin in the love of good and truth, which love is at the heart of the heavenly marriage, and because this marriage is heaven itself or the Lord's kingdom, and the Lord's kingdom on earth is the Church, therefore 'the womb' also means the Church. For the Church exists where the marriage of good and truth exists. This explains why 'opening the womb' means the resulting doctrines taught by the Churches, 3856, as well as the ability to receive the truths and goods of the Church, 3967; while 'going out of the womb' means being born again or being regenerated, 4904, that is, becoming the Church since one who is born again or regenerated becomes the Church.

[2] Since 'going out of the womb' means rebirth, and therefore the Church, the Lord is called in the Word 'He who formed from the womb' and 'He who brought out of the womb', and those who have been regenerated and become the Church are said 'to have been carried from the womb', as in Isaiah,

Thus said Jehovah. your Maker. He who formed you from the womb, and who helps you. Isaiah 44:2.

In the same prophet,

Thus said Jehovah, your Redeemer, He who formed you from the womb. Isaiah 44:24.

In the same prophet,

Thus said Jehovah. who formed me from the womb to be His servant, to bring back Jacob to Him, and that Israel might be gathered to Him. Isaiah 49:5.

In David,

Jehovah who brought me out of the womb. Psalms 22:9.

In Isaiah,

Hearken to Me, O house of Jacob, and all the remnant of the house of Israel who have been carried from the womb, and borne from the belly. Isaiah 46:3.

In David,

The wicked are alienated from the womb, and go astray from the belly, with lying words. Psalms 58:3.

Here 'being alienated from the womb' means alienation from the good fostered by the Church, and 'going astray from the belly' straying from the truth. In Hosea,

The pains of childbirth will come upon him, he is an unwise son, for now he does not present himself at the womb of sons. Hosea 13:13.

'Not presenting himself at the womb of sons' stands for not coming to the good of truth fostered by the Church.

[3] In the same prophet,

Their glory will fly away like a bird, away from birth, from the belly, and from conception. Hosea 9:11.

This means that the truth of the Church will perish fully - 'from birth' being that to which birth is given, 'from the belly' that which is undergoing gestation, 'from conception' that which is taking rise. In Isaiah,

I knew that you would certainly act treacherously, and that you were called [a man] of transgression from the womb. Isaiah 48:8.

This means that from the time when the Church first began he was like this. In John,

A great sign was seen in heaven - a woman clothed with the sun, and the moon under her feet. and on her head a crown of twelve stars. Carrying in the belly however, she cried out in labour, and was in anguish to give birth. Revelation 12:1-2.

'The woman' is the Church, 252, 253, 255. 'The sun' with which she was clothed is the good of love, 30-38, 1529, 1530, 2441, 2495, 4060, 4696; 'the moon' which was under her feet is the truth of faith, 30-38, 1529, 1530, 2120, 2495, 4696; 'the stars' are cognitions of good and truth, 2495, 2849, 4697 - there being 'twelve stars' because 'twelve' means all things, thus all aspects of faith, 577, 2089, 2129 (end), 2130 (end), 3272, 3858, 3913; 'carrying in the belly' is the truth of the Church that had been conceived; 'being in labour and in anguish to give birth' is the fact that it was received with difficulty.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.