Bible

 

Exodo 20

Studie

   

1 At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,

2 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

6 At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.

7 Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

8 Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.

9 Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.

10 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan:

11 Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.

12 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

13 Huwag kang papatay.

14 Huwag kang mangangalunya.

15 Huwag kang magnanakaw.

16 Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.

17 Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

18 At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo.

19 At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay.

20 At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot: sapagka't ang Dios ay naparito upang subukin kayo, at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala.

21 At ang bayan ay tumayo sa malayo, at si Moises ay lumapit sa salimuot na kadiliman na kinaroroonan ng Dios.

22 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ganito mo sasabihin sa mga anak ni Israel: Kayo ang nakakita na ako'y nakipagusap sa inyo mula sa langit.

23 Huwag kayong gagawa ng ibang mga dios na iaagapay sa akin; ng mga dios na pilak, o ng mga dios na ginto, huwag kayong gagawa para sa inyo.

24 Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin, at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan, ang inyong mga tupa, at ang inyong mga baka sa lahat ng dakong aking ipaaalaala ang aking pangalan, ay paparoonan kita at pagpapalain kita.

25 At kung igagawa mo ako ng isang dambanang bato, ay huwag mong itatayong may tapyas: sapagka't kung iyong gamitin ang iyong patalim doon, ay iyong nilapastangan yaon.

26 Ni huwag kang sasampa sa aking dambana sa pamamagitan ng mga baytang, upang ang inyong kahubaran ay huwag malitaw sa ibabaw niyaon.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Apocalypse Explained # 981

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 1232  
  

981. (Verse 8) And the fourth angel poured out his vial into the sun. That this signifies the state of the church manifested as to love to God, thus to the Lord, is evident from the signification of the angel pouring out his vial, as denoting the state of the church manifested, as above (n. 969). And from the signification of the sun, as denoting love to God, thus to the Lord (concerning which see above, n. 401, 412, 422, 525, 527, 708). The reason why the sun signifies love to God, thus to the Lord is, that the Lord appears before the angels in the heavens as a Sun, and His appearance as a Sun is from Divine love. For all love in the spiritual world corresponds to fire and flame, and because it corresponds it is also representatively shown by fire and flame, therefore the Lord's Divine love appears as a Sun. Hence it is that the sun, in the Word, signifies the Lord, as to love towards all who are in heaven and in the world, and, in a reciprocal sense, love to the Lord.

By love to the Lord is signified the love or affection of doing His commandments, thus, the love of keeping the precepts of the Decalogue. For in proportion as a man from love, or from affection, keeps and does them, in the same proportion he loves the Lord. The reason is, that they are the Lord with man.

[2] Thus far five precepts of the Decalogue have been explained. The Sixth Precept, which is, "Thou shalt not commit adultery," must now be explained.

Who is there at this day capable of believing that the delight of adultery is hell with man, and that the delight of marriage is heaven with him; consequently, that so far as a man is in the one delight, so far he is not in the other; because so far as a man is in hell, so far he is not in heaven? Who is there at this day who is capable of believing that the love of adultery is the fundamental love of all hellish and devilish loves, and that the chaste love of marriage is the fundamental love of all loves, heavenly and Divine; consequently, that so far as a man is in the love of adultery, so far he is in every evil love, if not in act, yet in endeavour? On the other hand, so far as a man is in the chaste love of marriage, so far he is in every good love, if not in act, yet in endeavour? Who is there at this day who is capable of believing that he who is in the love of adultery has no belief at all in the Word, consequently, none in the church, indeed, that in his heart he denies God? And, on the other hand, that he who is in the chaste love of marriage is in charity and faith and in love to God? Or who is capable of believing that the chastity of marriage makes one with religion, and the lasciviousness of adultery makes one with naturalism?

[3] The reason why these things are at this day unknown is, because the church is at its end, and devastated as to truth and good; and when the church is in such a condition, then the man of the church, by influx from hell, comes into the persuasion that adulteries are neither detestable nor abominations. And hence also he comes into the belief that marriages and adulteries do not differ in their essence, but only as to order, when, nevertheless, the difference between them is such as that between heaven and hell. That there is this difference between them will be seen in what follows. Hence it is that in the Word, in the spiritual sense, heaven and the church are meant by nuptials and marriages; and that hell and the rejection of all things of the church are meant in the Word, in the spiritual sense, by adulteries and whoredoms.

  
/ 1232  
  

Translation by Isaiah Tansley. Many thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.