Bible

 

1 Samuel 15

Studie

   

1 At sinabi ni Samuel kay Saul, Sinugo ako ng Panginoon upang pahiran kita ng langis na maging hari sa kaniyang bayan, sa Israel: ngayon nga'y dinggin mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon.

2 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto.

3 Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi patayin mo ang lalake at babae, sanggol at sumususo, baka at tupa, kamelyo at asno.

4 At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.

5 At dumating si Saul sa bayan ng Amalec, at bumakay sa libis.

6 At sinabi ni Saul sa mga Cineo, Kayo'y magsiyaon, humiwalay kayo at umalis kayo sa gitna ng mga Amalecita, baka kayo'y lipulin kong kasama nila; sapagka't kayo'y nagpakita ng kagandahang loob sa mga anak ni Israel, nang sila'y umahong mula sa Egipto. Sa gayo'y umalis ang mga Cineo sa gitna ng mga Amalecita.

7 At sinaktan ni Saul ang mga Amalecita mula sa Havila kung patungo ka sa Shur, na nasa tapat ng Egipto.

8 At kaniyang kinuhang buhay si Agag na hari ng mga Amalecita, at lubos na nilipol ang buong bayan ng talim ng tabak.

9 Nguni't pinanghinayangan ni Saul at ng bayan si Agag, at ang pinakamabuti sa mga tupa, sa mga baka, at sa mga pinataba, at sa mga kordero, at lahat ng mabuti, at yaong mga hindi nila lubos na nilipol: nguni't bawa't bagay na hamak at walang kabuluhan, ay kanilang lubos na nilipol.

10 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Samuel, na sinasabi,

11 Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul; sapagka't siya'y tumalikod na hindi sumunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos. At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon buong gabi.

12 At si Samuel ay bumangong maaga upang salubungin si Saul sa kinaumagahan; at nasaysay kay Samuel, na sinasabi, Si Saul ay naparoon sa Carmel, at, narito, ipinagtayo niya siya ng isang monumento, at siya'y lumibot at nagpatuloy, at lumusong sa Gilgal.

13 At naparoon si Samuel kay Saul, at sinabi ni Saul sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, aking tinupad ang utos ng Panginoon.

14 At sinabi ni Samuel, Anong kahulugan nga nitong iyak ng tupa sa aking pakinig, at ng ungal ng mga baka na aking naririnig?

15 At sinabi ni Saul, Sila'y dinala mula sa mga Amalecita: sapagka't ang bayan ay nagligtas ng pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka, upang ihain sa Panginoon mong Dios; at ang natira ay aming lubos na nilipol.

16 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel kay Saul, Tumigil ka, at aking sasaysayin sa iyo kung ano ang sinabi ng Panginoon sa akin nang gabing ito. At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo.

17 At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At pinahiran ka ng langis ng Panginoon na maging hari sa Israel;

18 At sinugo ka ng Panginoon sa isang paglalakbay, at sinabi, Ikaw ay yumaon, at iyong lubos na lipulin ang mga makasalanang Amalecita, at labanan mo sila hanggang sa sila'y malipol.

19 Bakit nga hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, kundi ikaw ay dumaluhong sa pananamsam, at ikaw ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon?

20 At sinabi ni Saul kay Samuel, Oo, aking sinunod ang tinig ng Panginoon, at ako'y yumaon sa daan na pinagsuguan sa akin ng Panginoon, at aking dinala si Agag na hari ng Amalec, at aking lubos na nilipol ang mga Amalecita.

21 Nguni't ang bayan ay kumuha sa samsam ng mga tupa at mga baka, ng pinakamabuti sa mga itinalagang bagay, upang ihain sa Panginoon mong Dios sa Gilgal.

22 At sinabi ni Samuel, Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake.

23 Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka't dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari.

24 At sinabi ni Saul kay Samuel, Ako'y nagkasala; sapagka't ako'y sumalangsang sa utos ng Panginoon, at sa iyong mga salita; sapagka't ako'y natakot sa bayan, at sumunod sa kanilang tinig.

25 Ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, ipatawad mo ang aking kasalanan, at bumalik ka uli na kasama ko, upang ako'y sumamba sa Panginoon.

26 At sinabi ni Samuel kay Saul, Hindi ako babalik na kasama mo; sapagka't iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, at itinakuwil ka ng Panginoon upang huwag ka nang maging hari sa Israel.

27 At nang pumihit si Samuel upang yumaon, siya'y pumigil sa laylayan ng kaniyang balabal, at nahapak.

28 At sinabi ni Samuel sa kaniya, Hinapak sa iyo ng Panginoon ang kaharian ng Israel sa araw na ito, at ibinigay sa iyong kapuwa, na maigi kay sa iyo.

29 At ang Lakas ng Israel naman ay hindi magbubulaan o magsisisi man; sapagka't siya'y hindi isang tao na magsisisi.

30 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Ako'y nagkasala: gayon ma'y parangalan mo ako ngayon, isinasamo ko sa iyo, sa harap ng mga matanda ng aking bayan at sa harap ng Israel, at bumalik ka uli na kasama ko upang aking sambahin ang Panginoon mong Dios.

31 Gayon bumalik uli na sumunod si Samuel kay Saul; at sumamba si Saul sa Panginoon.

32 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Dalhin ninyo rito sa akin si Agag na hari ng mga Amalecita. At masayang naparoon si Agag sa kaniya. At sinabi ni Agag, Tunay na ang kapaitan ng kamatayan ay nakaraan na.

33 At sinabi ni Samuel, Kung paanong niwalan ng anak ng iyong tabak ang mga babae, ay magiging gayon ang iyong ina na mawawalan ng anak, sa gitna ng mga babae. At pinagputolputol ni Samuel si Agag sa harap ng Panginoon sa Gilgal.

34 Nang magkagayo'y naparoon si Samuel sa Rama, at si Saul ay sumampa sa kaniyang bahay sa Gabaa ni Saul.

35 At si Samuel ay hindi na bumalik na napakitang muli kay Saul hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan; sapagka't tinangisan ni Samuel si Saul: at ang Panginoon ay nagdamdam na kaniyang nagawang hari si Saul sa Israel.

   

Ze Swedenborgových děl

 

Arcana Coelestia # 10143

Prostudujte si tuto pasáž

  
/ 10837  
  

10143. 'A continual burnt offering' means all Divine worship in general. This is clear from the meaning of 'a burnt offering' as Divine worship, dealt with below; and from the meaning of 'continual' as all and within all, dealt with above in 10133, so that 'a continual burnt offering' means all Divine worship in general. And when the lamb - of which the burnt offering consisted, and which means the good of innocence - is understood, this too means within all worship; for all worship that is truly worship must spring from the truths of faith and from forms of the good of love, and within every form of the good of love, and consequently within every truth of faith, the good of innocence must be present, 10133. This is the reason why 'a continual burnt offering' also means within all worship.

[2] 'A burnt offering' means Divine worship because burnt offerings and sacrifices were the chief features of the representative worship among the Israelite and Jewish nation, and all things relate to and take their name from their chief feature. As regards the chief feature of the worship among that nation, that it lay in sacrifices and burnt offerings, and that for this reason the whole of worship in general is meant by them, see 922, 1343, 2180, 6905, 8680, 8936, 10042.

[3] But what the Divine worship meant by sacrifices and burnt offerings is must be stated briefly. In particular sacrifices and burnt offerings have meant purification from evils and falsities, and at the same time implantation of goodness and truth, also the joining together of the two, thus regeneration, see 10022, 10053, 10057. With the person in whom these things have been accomplished true worship exists. It does so because purification from evils and falsities consists in refraining from them, steering clear of them, and loathing them; the implantation of goodness and truth consists in thinking and willing what is good and what is true, and in speaking and doing them; and the joining together of the two consists in leading a life composed of them. For when the good and truth residing with a person have been joined together his will is new and his understanding is new, consequently his life is new. When this is how a person is, Divine worship is present in every deed he performs; for at every point the person now has what is Divine in view, respects and loves it, and in so doing worships it.

[4] The fact that this is the true worship of God is unknown to those who think that all worship consists in acts of adoration and prayer, thus in such things as belong to the mouth and thought, and not in such as belong to deeds flowing from the good of charity and the good of faith. Yet the reality is that in a person offering adoration and prayer the Lord pays attention solely to his heart, that is, to what he is like inwardly so far as love and consequently faith are concerned. If therefore the adoration and prayer do not have these two within them they have no soul and life in them; they are an outward show, like that of toadies and pretenders, who, as is well known, do not even please anyone in this world who is wise.

[5] In short, acting in accord with the Lord's commandments constitutes true worship of Him, indeed constitutes true love and true faith, as may also become clear to anyone who stops to consider the matter. For there is nothing that a person who loves another, and who believes in another, would rather do than to will and to do what that other wills and thinks; his only desire is to know his will and thought, and so what is pleasing to him. It is different in the case of one who has no such love or belief. The situation is similar with love to God, as the Lord also teaches in John,

He who has My commandments and does them, he it is who loves Me. But he who does not love Me does not keep My words. John 14:21, 24.

And elsewhere in the same gospel,

If you keep My commands, you will remain in My love. This is My commandment, that you love one another. John 15:10, 12.

[6] The fact that the outward performance of worship without this inner devotion is not worship is also meant by what is said about burnt offerings and sacrifices in Jeremiah,

I did not speak with your fathers on the matters of burnt offering and sacrifice. But this matter I commanded them, saying, Obey My voice, and I will be your God. Jeremiah 7:21-23.

In Hosea,

I desire mercy and not sacrifice, and the knowledge of God more than burnt offerings. Hosea 6:6.

In Micah,

Shall I come before Jehovah with burnt offerings? Will Jehovah be pleased with thousands of rams? He has shown you what is good; and what does Jehovah require of you but to carry out judgement, and to love mercy, and to humble yourself by walking with your God? Micah 6:6-8.

In the first Book of Samuel,

Has Jehovah great delight in burnt offerings and sacrifices? Behold, to be submissive is better than sacrifice, to be obedient better than the fat of rams. 1 Samuel 15:22.

Worship of the Lord consists first and foremost in a charitable life, and not in a religious life without it, see 8252-8257.

  
/ 10837  
  

Thanks to the Swedenborg Society for the permission to use this translation.