1
Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo: ingatan mo ang katibayan, bantayan mo ang daan , palakasin mo ang iyong mga balakang , patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam,
2
Sapagka't ibinabalik ng Panginoon ang karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel : sapagka't ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila, at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas.
3
Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula, ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula: ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot.
4
Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan : ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat .
5
Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa.
6
Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas , at ang palacio ay nalansag.
7
At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati , na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib.
8
Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig : gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon.
9
Kunin ninyo ang samsam na pilak , kunin ninyo ang samsam na ginto ; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan.
10
Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw , at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang , at ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla.
11
Saan nandoon ang yungib ng mga leon , at ang dakong sabsaban ng mga batang leon , na nililibutan ng leon at ng babaeng leon , ng batang leon , at walang tumatakot sa kanila?
12
Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon , at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib.
13
Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo , at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok , at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa , at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig.