1
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2
Salitain mo sa mga anak ni Israel , na iyong sabihin , Kung ang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalake, ay magiging karumaldumal na pitong araw ; ayon sa mga araw ng karumihan ng kaniyang sakit , ay magiging karumaldumal.
3
At sa ikawalong araw ay tutuliin ang bata sa laman ng kaniyang balat ng masama.
4
At siya'y mananatiling tatlong pu't tatlong araw na maglilinis ng kaniyang dugo ; huwag siyang hihipo ng anomang bagay na banal , o papasok man sa santuario , hanggang sa matupad ang mga araw ng kaniyang paglilinis .
5
Nguni't kung manganak siya ng babae , ay magiging karumaldumal nga siya na dalawang linggo, ayon sa kaniyang karumihan: at mananatiling anim na pu't anim na araw na maglilinis ng kaniyang dugo .
6
At pagkaganap niya ng mga araw ng kaniyang paglilinis, maging sa anak na lalake o sa anak na babae , ay magdadala siya ng isang kordero ng unang taon, na pinakahandog na susunugin, at isang inakay ng kalapati o isang batobato na pinakahandog dahil sa kasalanan , sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan , sa saserdote;
7
At kaniyang ihahandog sa harap ng Panginoon , at itutubos sa kaniya; at siya'y malilinis sa agas ng kaniyang dugo . Ito ang kautusan tungkol sa nanganak ng lalake o ng babae .
8
At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng kordero, ay kukuha nga siya ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati ; ang isa 'y pinakahandog na susunugin at ang isa 'y pinakahandog dahil sa kasalanan : at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis.