1
At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel, hari sa Sinar, ni Ariok hari sa Elasar, ni Chedorlaomer hari sa Elam , at ni Tidal na hari ng mga Goiim,
2
Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma, at laban kay Birsha hari sa Gomorra, kay Shinab hari sa Adma, at kay Shemeber , hari sa Zeboim, at sa hari sa Bela (na si Zoar ).
3
Lahat ng ito'y nagkatipon sa libis ng Siddim (na siyang Dagat na Alat).
4
Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer , at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik.
5
At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya, at sinaktan ang mga Refaim sa Ashteroth-Carnaim, at ang mga Zuzita sa Ham, at ang mga Emita sa Shave-ciriataim.
6
At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir , hanggang Elparan na nasa tabi ng ilang .
7
At sila'y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat (na siyang Cades ), at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa Hazezon-tamar.
8
At nagsilabas ang hari sa Sodoma, at ang hari sa Gomorra, at ang hari sa Adma, at ang hari sa Zeboim, at ang hari sa Bela (na dili iba't si Zoar ); at sila'y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim;
9
Laban kay Chedorlaomer , hari sa Elam , at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel, hari sa Shinar, at kay Arioch, hari sa Elasar; apat na hari laban sa lima .
10
At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng betun; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra, at nangahulog doon, at ang natira ay nagsitakas sa kabundukan.
11
At kanilang sinamsam ang lahat ng pag-aari ng Sodoma at Gomorra, at ang lahat nilang pagkain, at nagsiyaon.
12
At dinala nila si Lot, na anak ng kapatid ni Abram , na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pag-aari at sila'y nagsiyaon.
13
At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo ; na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga ito ay kakampi ni Abram .
14
At pagkarinig ni Abram , na nabihag ang kaniyang kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay , na tatlong daan At labing walo , At kanilang hinabol sila hanggang sa Dan .
15
At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco .
16
At iniuwi niya ang lahat ng pag-aari ; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid , at ang kaniyang mga pag-aari , at gayon din ang mga babae at ang bayan.
17
At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer , at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (na siyang libis ng hari ).
18
At si Melquisedec , na hari sa Salem , ay naglabas ng tinapay at alak ; at siya'y saserdote ng Kataastaasang Dios.
19
At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa :
20
At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay . At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.
21
At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram , Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pag-aari .
22
At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa .
23
Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin , Pinayaman ko si Abram :
24
Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si Aner, si Eschol, at si Mamre , ay pakunin mo ng kanilang bahagi.