1
Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2
Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa bundok ng Seir , at manghula ka laban doon,
3
At sabihin mo roon, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh bundok ng Seir , at aking iniunat ang aking kamay laban sa iyo, at gagawin kitang sira at katigilan.
4
Aking ilalagay na giba ang iyong mga bayan , at ikaw ay magiging sira; at iyong malalaman na ako ang Panginoon .
5
Sapagka't ikaw ay nagkaroon ng laging pakikipagkaalit, at ibinigay mo ang mga anak ni Israel sa kapangyarihan ng tabak sa kapanahunan ng kanilang kasakunaan, sa kapanahunan ng parusang pinaka wakas;
6
Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking itatalaga ka sa dugo , at ang dugo ay hahabol sa iyo: yamang hindi mo kinapootan ang dugo , kaya't matatalaga ka sa dugo .
7
Ganito ko gagawin ang bundok ng Seir na isang katigilan at kasiraan; at aking ihihiwalay sa kaniya siya na nagdaraan at siyang nagbabalik.
8
At aking pupunuin ang kaniyang mga bundok ng kaniyang mga nangapatay: sa iyong mga burol at sa iyong mga libis at sa lahat mong mga daan ng tubig ay mangabubuwal sila na nangapatay ng tabak .
9
Ikaw ay gagawin kong pangpalaging kasiraan, at ang iyong mga bayan ay hindi tatahanan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon .
10
Sapagka't iyong sinabi, Ang dalawang bansang ito, at ang dalawang lupaing ito ay magiging akin, at aming aariin; bagaman kinaroroonan ng Panginoon :
11
Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking gagawin ayon sa iyong galit , at ayon sa iyong pananaghili na iyong ipinakilala sa iyong pagtatanim laban sa kanila: at ako'y pakikilala sa gitna nila pagka aking hahatulan ka.
12
At iyong malalaman na akong Panginoon ay nakarinig ng lahat mong panunungayaw na iyong sinalita laban sa mga bundok ng Israel , na sinasabi, Nangalagay na sira ang mga yaon, nangabigay sa atin upang lamunin.
13
At kayo'y nangagmalaki laban sa akin ng inyong bibig , at inyong pinarami ang inyong mga salita laban sa akin: aking narinig yaon.
14
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ang buong lupa ay nagagalak, akin gagawin kang sira.
15
Kung paanong ikaw ay nagalak sa mana ng sangbahayan ni Israel , dahil sa sira, gayon ang gagawin ko sa iyo: ikaw ay magiging sira, Oh bundok ng Seir , at buong Edom , oo, lahat ng ito; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon .