1
Nang magkagayo'y inawit ni Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon , at sinalita, na sinasabi, Ako'y aawit sa Panginoon , sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati: Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat .
2
Ang Panginoon ay aking lakas at awit, At siya'y naging aking kaligtasan : Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin. Dios ng aking ama , at siya'y aking tatanghalin.
3
Ang Panginoo'y isang mangdidigma: Panginoon ang kaniyang pangalan .
4
Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat ; At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa dagat na Mapula.
5
Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila: Sila'y lumubog sa mga kalaliman , na parang isang bato .
6
Ang iyong kanan, Oh Panginoon , ay maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon , ay dumudurog ng kaaway.
7
At sa kalakhan ng iyong karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo: Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang dayami.
8
At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang tubig , Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton; Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat .
9
Sinabi ng kaaway, Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam, Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila; Aking bubunutin ang aking tabak , lilipulin sila ng aking kamay .
10
Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin , at tinabunan sila ng dagat . Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig .
11
Sinong gaya mo, Oh Panginoon , sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan , Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?
12
Iyong iniunat ang iyong kanang kamay, Nilamon sila ng lupa .
13
Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong tinubos : Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila sa banal mong tahanan.
14
Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig: Mga sakit ang kumapit sa mga taga Filistia.
15
Nang magkagayo'y natulig ang mga pangulo sa Edom ; Sa matatapang sa Moab , ay panginginig ang sumasakanila: Lahat ng taga Canaan ay nauubos.
16
Sindak at gulat ang suma-sakanila; Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na parang bato ; Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon , Hanggang sa makaraan ang bayang ito na iyong kinamtan.
17
Sila'y iyong papapasukin, at sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana , Sa dako, Oh Panginoon , na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan, Sa santuario, Oh Panginoon , na itinatag ng iyong mga kamay .
18
Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man.
19
Sapagka't ang mga kabayo ni Faraon, ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat , at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; datapuwa't lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat .
20
At si Miriam na propetisa na kapatid ni Aaron , ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay ; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.
21
At sila'y sinagot ni Miriam , Umawit kayo sa Panginoon , sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati; Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat .
22
At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng Shur ; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang , at hindi nakasumpong ng tubig .
23
At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara.
24
At inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?
25
At siya'y dumaing sa Panginoon ; at pinapagkitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy , at inihagis niya sa tubig , at ang tubig ay tumabang. Doon inatangan niya ng palatuntunan, at ng tagubilin at doon sila sinubok niya;
26
At sinabi, Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata , at iyong didinggin ang kaniyang mga utos , at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.
27
At sila'y dumating sa Elim , na doo'y mayroong labingdalawang bukal ng tubig , at pitongpung puno ng palma; at sila'y humantong doon sa tabi ng mga tubig .